My Sunshine

1 2 0
                                        


BEWARE:IT IS WRITTEN BY UNPROFESSIONAL WRITER. LOTS OF ERRORS. PLEASE DON'T JUDGE.

_______________________________

Ilang ulit kong tinitigan ang lalaking nasa aking harapan . Anong ginagawa nya rito?Hindi nya pa alam na kanina pa sya hinahanap ni Brix? Mabilis akong lumapit sa kanyang kinatatayuan

"Anong ginagawa mo rito?" bungad na tanong ko sa kanya pero hindi ito nagsalita at tinitigan lang ako

"Hindi mo ba alam na kanina ka pa hinahanap ni Brix?Alalang-alala sya sayo" tanong ko rito

"She's not my girlfriend" sabi nya

Napatingin naman ako sa mga mata nya dahil sa sinabi nya. Ngunit ilang segundo ko lang yun nagawa at umiwas rin dahil sa pagkailang

"Umuwi kana" pagiiba ko ng usapan

"I miss you" bigla namang tumigil ang tibok ng puso ko sa sinabi nya

Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata. Sa mga mata nyang napupuno ng emosyon. Emosyon na nararamdaman nya ngayon. Emosyon na hindi ko mawari kung ano

"P-pwede ba kitang makasama?" tanong nito

Tulala pa rin ako sa kanya dahil sa sinabi nya kanina kaya hindi ako nakaimik sa pangalawa nyang tanong

"Kahit kunting oras lang" napabalik diwa ako na nagsalita sya muli

"A-ano..." hindi napakali na sabi ko habang umiiwas ng tingin

Paano ba?

"Please" sabay huli nito sa aking dalawang pisngi

Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya hindi ako nakagalaw. Nagmukhang tuod ako sa kanyang harapan.Ramdam ko rin ang pagtaas ng aking dugo papunta sa aking mukha

"Please, kahit ngayon lang"sabay kislap ng mga mata nito

At dahil dun mukhang tanga naman akong tumango-tango sa kanya

"Thank you" sabay bitiw nya ng aking pisngi

Kaagad naman akong yumuko dahil nakaramdam ako ng hiya. Bakit nya kasi yun ginawa? Nababaliw na ba sya? Hinawakan ko ang pisngi kong nahawakan nya kani-kanina lang.

My God! He touched me.

Hindi ako makapaniwala. Hinawakan ako ng taong mahal ko. Hinawakan nya ang mga pisngi ko.

Teka?M-mahal? M-mahal ko---

Hindi ko natuloy ang aking iniisip ng hinablot nya ang isang kong kamay.

"Come" kahit naguguluhan ay sumunod ako sa kanya ng hilain ako nito

Ilang minuto kaming naglakad hanggang sa tumigil kami sa isang lugar. Nagtaka naman ako ng makita ko ang buong paligid

"Bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya

"Where everything starts" he said with a smile on his face

Nagtaka naman ako sa sinabi nya

"Sa playground?"

Ano ang ibig nyang sabihin?Anong dito nagumpisa ang lahat? Nagumpisa ng alin?

Hindi nya sinagot ang tanong ko. Pasimpleng umupo lang sya sa damuhan na inaapakan namin. Maya-maya ay pinagpag nya ang damo sa kanyang tabi habang nakatitig sa akin. Nagdalawang isip ako ngunit ng pinagpag nya ito muli ay napahinga ako ng malalim at dahan-dahan humakbang palapit sa kanya saka dun umupo

Our Untold LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon