His lies

2 3 0
                                    


BEWARE:IT IS WRITTEN BY UNPROFESSIONAL WRITER. LOTS OF ERRORS. PLEASE DON'T JUDGE.

_______________________________

Two weeks later had passed nung lumabas kami ni Patricio. Since then, hindi ko na kilala ang sarili ko o mas mabuting sabihin na hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Simula kasi ng araw na yun, I always felt uneasy when he was around. Hindi ko alam pero kapag nariyan sya sa malapit ay hindi ako mapakali. Not just physical but also emotional and spritual every time that I saw him yung puso ko ay parang hindi mapalagay. Bumibilis ang tibok na parang bang kakagaling lang sa takbohan. Ano bang nangyayari sa akin? May sakit ba ako? Pero bakit ngayon ko lang naramdaman to? At bakit kung nakikita ko lang sya? Bakit sa kanya ko lang to nararamdaman?Tss. Mukhang kinakailangan ko ng magpatingin sa doctor

"Veen!!!" isang sigaw na malapit sa tinga ko ang napaputol sa pagiisip ko

"Ano ba Yam!!!" sigaw ko din sa kanya

"Anong ano!? Earth to you!? Kanina pa ako kwento ng kwento dito!Mukhang hindi ka nakikinig?"

"Nakikinig ako!" pagsisinungaling ko para hindi na humaba ang usapan pero imbes na tumahimik sya ay mas lalo pa yata syang nainis dahil sa pagtaas ng kanan nyang kilay

"Fine, If you are really listening . Ano yung kinukwento ko?"

Napaisip naman ako

"Pwet mo maitim?" agad nya naman ako nasapak

"See! You're not listening!"

Napahawak ako sa nasapak nya

Ang sakit

"Eh.. Sorry na, Marami lang talaga akong iniisip" tumaas naman yung kaliwa nyang kilay

"Ano naman yan?"

Tss. Here we go.  The gossips queen of the world

Ano pa bang magagawa ko? Kahit naman hindi ko sabihin sa kanya ay wala pa rin akong lusot kasi alam kung pipilitin at pipilitin nya rin ako hanggang sa masabi ko ang problema ko

Napatingin ako sa kisame bago nagsalita

"I think I'm ill" agad ko naman naramdaman yung paghampas nya ng kanyang kamay sa braso ko

"Aray! Nakakadalawa kana!"

"Ikaw Veen Alfonso ha! Kung usapang low IQ naman yan ay wag mo ng ituloy! Dahil matagal ng nakakapit sayo yan since birth at wala na tayong gagawa dyan" sabay duro nya ng kanyang daliri sa akin

"Hindi naman yan eh!Iba to!" sabay hawi ng nakaduro nyang daliri

"Okay? May bago?" nakakaintirisado nyang sabi

Nakairap naman ako sa kanya

"I think I had a heart failure" sabay tingin sa kanya ng seryoso

Hindi sya nagsalita ng ilang segundo marahil ay pinuproseso pa ng utak nya. Ilang minuto ang lumipas ay nabigla ako sa  pagtawa nya malakas

"Hahaha!! You got me! What a nice joke!" tawang-tawa nyang sabi habang hawak-hawak ang kanyang tyan

"I'm not kidding" napahinto naman sya sa pagtawa at nanlaki ang mga matang tumingin sa akin

"Shit! Are you serious?" Tumango ako

"No,no,no, it can't be! Why?How? When?" hindi mapakali nyang sabi

"Last two weeks?"

"Oh my God! Did your parents know this?" Umiling ako

"Bakit hindi mo pa pinaalam! My god Veen! Baka lumala yan! Teka, Tatawagan ko si Tita" sabay halungkat nya sa cellphone nya

Our Untold LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon