PROLOGUE

9 1 0
                                    

PROLOGUE

"Threya bilisan mo! Late na tayo ano ba!"sigaw sakin ni Jeanne mula sa labas ng kwarto ko.

Agad ko naman binilisan ang kilos ko at dali-daling lumabas ng kwarto. Bumungad sakin ang nakasimangot na mukha ni Jeanne.

"Bat ba ang tagal mo?"inis na wika ni Jeanne.

"Sorry, inayos kopa kase yung mga gagamitin natin eh"dahilan ko.

"Banner? "

"Here"sabay taas ng banner na gagamitin namin mamaya sa pupuntahan naming mall show ng iniidolo namin.

"Poster? "

"Here"pakita ko naman ng poster.

"And last album? "

"Makakalimutan ba naman yun"sabay pakita ng album na ipapa-pirma namin mamaya.

"Okay then. Lets go"

Agad kaming bumababa at naabutan namin ang boyfriend niya na nagkakape habang nakikipag-kwentuhan sa mga kasambahay.

"C'mon Dale, malalate na kami!"tawag niya sa boyfriend kaya agad itong napatigil sa makikipag-kwentuhan.

"Wait lang babe, uubusin ko lang tong kape ko"wika ni Dale.

"No time for coffee Dale Alexander Trajano! Malalate na kami,baka wala na kaming maabutan pagdating namin doon!"inis na wika ni Jeanne.

Wala namang nagawa si Dale at agad tumayo, alam niya kase na kapag tinatawag na siya ni Jeanne sa buong pangalan niya ay inis na ito. Agad naman akong sumunod kay Jeanne at baka kagalitan niya na ako kapag babagal-bagal pa akong kumilos.Pagdating sa labas ay agad akong sumakay ng kotse at di na inantay pa na pagbuksan ng pinto ni Dale, sumakay ako sa back seat gayon nadin si Jeanne.

"Oh bat di ka tumabi kay Dale? Nagtataka kong sambit, dati naman kase kahit saan kami magpunta kapag nagfa-fangirl kami ay sa front seat siya naupo.

"Just shut up Threya! Kasalanan mo kung bakit tayo nalate"

"Sorry na nga po diba? Di kase ako nagising sa alarm ko eh"pagtatanggol ko sa sarili ko. Ang totoo kase napuyat ako kagabi kase nanood pa ako ng mga k-drama's at di ko napansin ang oras kaya sa huli antok na antok ako, at di ako nagising sa alarm clock ko.

Kalahating oras ang lumipas at narating na namin ang mall kung saan gaganapin ang mall show slash album signing narin ng iniidolo naming si Nico Salazar,he's one of the best artist i ever known,sa boses niya palang mapapabilib kana plus the fact na napaka-gwapo niya kaya diko naiwasan na idolohin siya.Idinamay ko nadin si Jeanne at inimpluwensiyahan ko siya,sa huli parehas kaming naging fangirl ng kaibigan ko.

Pagka-park ni Dale ng kotse ay agad kaming bumababa ni Jeanne at hindi na hinintay si Dale ginamit nalang namin ang elevator ng basement papunta sa loob ng mall.Habang naghihintay na makarating sa floor ng show ni Nico ay kinausap ko si Jeanne.

"Je nag -away kayo ni Dale?tanong ko.

"No"maikling sagot niya.

"Eh bay ganiyan ka? Kung naiinis ka dahil late tayo sakin ka mainis at wag kay Dale"sabi ko.

"I'm not pero nagseselos ako"mahinang sambit niya kasabay nun ang pagbukas ng elavator.

"Selos? Kanino? "Nagtataka kong tanong.

"Later. Sa ngayon pumunta na tayo doon dahil marami ng tao baka sa dulo dulo tayo mapunta"sambit niya.

Pagkarating namin sa loobay agad naman kaming naghanap ng magadang pwesto ng biglang may tumawag sa akin.

Mr.FanBoy|ON-GOING/EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon