8

0 0 0
                                    

8

No! No! No little heart bawal! Hindi kopa siya mahal duh! okay sige crush ko lang siya hindi mahal okay?sa ngayon self wag kang papahalata ah, kundi sasapakin talaga kita.

"Goodmorning ladies"pangbungad na bati ni Blue.

"A-ah goodmorning"utal ns balik kong sabi.

Kinalabit naman ako ni Jeanne hudyat na ipakilala ko siya.

"Ah by the way,Friend ko nga pala si Jeanne"pakilala ko.

"Hi!Im Jeanne you are?"sambit niya sabay lahad ng kamay.

"Blue. Blue Anderson Ramirez"pormal na pakilala niya.

"Nice name, pleasure to meet you"sambit ni Jeanne.

"Ah Blue. Sinama ko siya para mas mabilis yung pagtuturo ko, tutulungan niys nalang ako"palusot ko dahil gusto lang talaga makita nito si Blue.

"Hmmm.Nga pala nagbreakfast na kayo? "Tanong niya.

"Oo-"

Hindi kopa natatapos ang sasabihin ko ng kurutin ako ni Jeanne sa tagiliran.

"Ah hindi pa eh, maaga kase kaming pumunta para maaga din kaming makauwi,diba fren?"pagkaila niya.

Kapal talaga ng mukha ng babaeng'toh.

"Ah... Oo eh"tanging nasabi ko nalang.

"Sumabay na kayo samin"paanyaya ni Blue.

Sabay-sabay na kami nagpunta sa hapag, maya-maya pa ay dumating na din si Orange at Pitch pagkarating ng magkapatid ay nagsimula nadin kaming kumain.

Napuno ng kwentuhan ang lamesa ng dahil nadin kay Orange at Jeanne, halos silang dalawa lang ang maingay sa mesa.Mabuti nadin yun at napapaganda nila ang vibes ng hapag.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami sandali at tapos nun ay umakyat nadin sa study room nila.At dahil nga kasama ko na si Jeanne mas napadali talaga ang pagtuturo ko bukod nga sa madali lang turuan si Orange ay dalawa nadin kaming nagtuturo sa kaniya.Sa math and english subject naka focus si Jeanne samantala sa akin na yung iba.

Lumipas ang oras ay natapos din kami, nagpasya na kaming umuwi ni Jeanne ng biglang mag anyaya si Orange.

"Ate Threya mag movie marathon po tayo"alok niya.

"Ayy!go ako diyan"sabat ni Jeanne.

"Kayo po Ate Threya?"tanong sakin ni Orange.

"Ahm..... Sige"sabi ko.

"Yehey! sa kwarto kopo tayo mag wa-watch"masaya niyang sambit.

Umakyat na kami papunta sa kwarto niya ng makasalubong namin si Blue.

"Tapos na kayo?"tanong niya samin lahat.

"Yes kuya! Mag mo-movie marathon po kami"si Orange ang sumagot.

"Ah sige. Enjoy"maikli niyang sabi.

Nagpatuloy na kami na pumunta sa kwarto niya, pagpasok palang namin ay makikita mo na ang ibat ibang klase ng posters ng iniidolo niyang boy group, makikita din ang napakarami niyang mga official merch at iba pa.

Ganito din kaya yung kwarto ni Blue?

"Sit po muna kayo,ano po gusto niyong panoorin?"tanong niya.

"Ikaw na bahala Orange"sabi ko,sumang-ayon naman si Jeanne.

Sa huli pinanood namin ay The Purge,kumuha pa ng pop corn si Orange at pinatay ang ilaw para daw mas enjoy.Maya-maya pa ay may biglang kumatok lahat naman kami ay nagulat,at ito namang si Orange natakot ata at ayaw buksan ang pinto kaya sa huli ako nalang ang nagbukas ng pinto.

Mr.FanBoy|ON-GOING/EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon