13

0 0 0
                                        

13

Meet my Mom

Mabilis lang ang naging byahe namin, wala pang isang oras ay nakarating na kami sa mansyon, wala din kaseng masyadong traffic kaya naging swabe lang ang byahe namin.

"Salamat sa paghatid"sambit ko."gusto mo munang pumasok?"tanong ko.

"Hindi na, salamat din sa oras mo"wika niya.

"Naku! wala yon,ako nga dapat magpasalamat kase nalibre pako sa pagkain"biro ko.

Natawa nalang siya sa sinabi ko bumaba nako sa kotse niya, pagkababa ko ay bigla namang lumabas si mama.

"Kanina kapa diyan nak? Sino yang kasama mo?"mga tanong ni mama.

"Hindi po ma kakarating ko lang,at yung kasama ko naman po si Blue po"pagpakilala ko,lumabas naman si Blue mula sa kotse niya.

"Goodevening po"bati ni Blue.

"Goodevening din hijo"balik na bati ni mama."Nak boyfriend mo?"nagulat ako sa tanong ni mama, agad akong pinamulahan ng mukha.

"H-hindi po ma! K-kaibigan ko po siya"pagtanggi ko nakakahiya.

"Ay! Kala ko pa naman mag kakanobyo natong anak ko"dismayadong sambit ni mama.

"Ma ano ba! Nakakahiya"pigil ko kay mama.

"Don't worry po, baka hinahanda na ni lord yung perfect guy para sa kaniya kaya medyo po natagalan"biro ni Blue.

Sana ikaw nalang si Perfect Guy.

"Mag dilang anghel ka sana hijo"wika ni mama."pumasok ka muna sa loob hijo"paanyaya ni mama.

"Hindi napo. Susunduin ko din po kase yung tita ko"paliwanag niya.

"Ah ganon ba, mag iingat ka ah"paalala ni mama.

"I will po,Salamat po."pagpapasalamat ni Blue.

"Mauna nako sa loob anak, pumasok kana ah"sambit ni mama.

"Opo,"sagot ko."salamat ulet sa paghatid, ingat"paalam ko.

Sumakay na ulet si Blue sa kotse niya.

"Ang cute ng mama mo,"sabi niya."parehas kayo"dagdag niya pa.

"Ewan! Nambola kapa, sige na ingat ka"pagtataboy ko.

"Salamat."tugon niya at umalis na, kumaway nalang ako sa kaniya bilang paalam ulet.

Pagpasok ko palang sa loob ay di ko mapigilang ngumiti sinabihan niya kong cute hihihi!.

"Dalaga na ang anak ko"biglang sulpot ni mama.

"Ma naman!"nahihiya kong tugon.

"Umamin ka nga anak, nililigawan kaba ng binata na yon?"tanong ni mama.

Sana"Hindi po!"pagtanggi ko.

"Pero gusto mo siya?"tanong ni mama na lalo kong kinahiya.

"O-opo"nahihiya kong sagot.

"Yiehhh! Ayos lang yan anak, gawin mo muna siyang inspirasyon.Sayang nga lang hindi ka pala nililigawan"malambing na sabi sakin ni mama.

"Di ko naman po pinangarap na maging nobyo siya,ayos napo ako sa paghanga lang"sambit ko.

Sinungaling! Ka self.

"Ano yang naririnig kong nobyo nobyo?"biglang sulpot na tanong ni kuya.

"Dalaga na ang kapatid mo anak"biro ulet ni mama.

"Tinatanong ko nga ma kung ano ba katangian ng lalaking kaniyang sinisinta,ayaw naman sabihin"pang aasar ni kuya.

"Grabe kuya, sinisinta talaga ah"natatawa kong tanong."tsaka sabi ko nga po crush ko lang siya, walang salitang love na sangkot"pag sasabi ko ng totoo.

"Wala naman kaming sinabing mahal mo na anak"sambit ni mama.

"Wala nga po pero ganun pinapahiwatig, lalo na si kuya!"sabi kopa.

Pagtapos nang walang kasawaang pang-aasaran ay isa-isa na kaming umakyat sa bawat kwarto namin, maliban kay kuya dahil kakausapin daw siya ni lolo.Pagkapasok ko palang ay binalik ko muna yung mga gamit ko sa tamang lalagyan,bago mag linis ng katawan ay nag-internet muna ko sandali, pagbukas ko palang ng facebook ko ay agad na bumungad sakin ang litrato ni Blue nung kinuhanan ko siya sa kpop stall nun. Nag-alala naman ako bigla kase baka nagalit pala siya dun o kaya naman nainis,buburahin ko na sana ng biglang may tumawag sakin.

Jeanne's Calling

"Fren"bungad ko.

"Hi fren!"masigla niyang bati.

"Saya natin ah, nung meron?"tanong ko.

"Ahm.. Free kaba bukas?"tanong niya.

"Oo naman, wala naman masyadong ginagawa ngayon eh"sambit ko.

"Pwede moba ko samahan bukas?"ika niya.

"Sure! san ba?"pag payag kong wika.

"Sa mall lang naman hehehe!"tawa niya.

"Dun lang pala eh, sige! Anong oras?"tanong ko ng oras.

"Mga one sana, i'll pick you up nalang"sambit niya.

"Okay."sabi ko.

"Yey! Thanks fren, see you tomorrow"masigla niyang sambit at binaba na ang linya.

Pagtapos ng usapan namin ay agad nadin akong nagtungo sa banyo para maglinis,ilang minuto lang ang itinagal ko dahil ng hot bath lang ako.Bigla ko naman nakita yung dalawang paper bag na nasa kama ko,nilapitan ko ito at naexcite ako kung anong laman nito.Una kong binuksan yung bigay ni Pitch bumungad sakin ang isang napakagandang color pitch na dress at isang libro na may tittle na The Dark Path cover palang ng book parang nakakagana ng basahin, naexcite naman ako kase mahilig din naman ako sa mga libro, isa din ito sa mga collection ko.

Sunod ko naman binuksan ang regalo ni Orange, isa naman itong kulay orange na shoulder bag, nagtaka ako kase parang may laman na yung bag ksys agad ko itong binuksan.Bumungad sakin ang tatlong pins ng bangtan at nakakatuwa dahil latest lang ito nilabas, nakaligtaan kona dahil naging busy ako sa eskwela, hindi lang yun meron din siyang binigay na letter sakin.

Hi Ate Asthreya!

Thank you for teaching me even your so busy person, and thank you again for being mg second 'ate', and when the day comes that your not going to teach me na i hope you're will be my ate parin po. Saranghaeyo!

Orange♥

Orange is such a sweet kid,even Pitchy di niya lang siguro masyadong maipakita dahil siguro nahihiya,at aaminin ko sa sandaling panahon ko na nakasama ang dalawang yun at ang pamilya nila ay sobra nakong napalapit sa kanila.They have this attitude na kapag seryosong bagay,seryoso din sila,pero kapag mga kasiyahan,kalokohan at iba pa,go sila.

At yung katotohanan na nawala ng kaunti ang takot ko kay Mam.Larazabal dahil sobrang bait niyang tao,istrikto siya samin kase nga naman seryosong bagay yun.Pero nakalimutan ko ata na nakikipagbiruan din samin si mam,pinapakita niya parin yung another side niya samin.

Isa lang naman ang masasabi ko sa pamilya nila eh,sobrang bubuti nilang tao.

At sa tingin ko yun siguro yung nagustuhan ko kay Blue,at sa tingin ko din yung nararamdaman ko sa kaniya na paghanga hindi magtatagal...dahil darating yung araw na baka mahalin ko na siya.

A/N

Pasensiya napo sa mga kakornihan ko hehehe,ang saya ko ngayon kase tapos na research paper namin at gagaan na ang buhay ko!mas madalas ako mag uupdate pangako hehehe.Actually kausap ko lang naman ang sarili ko eh HAHAHA wala naman nagbabasa nito eh HAHAHA pero sana dumating na yung araw nayun hehehe.Maraming salamat kung may nagbabasa nito dahil kinakaya mo ang kajejehan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr.FanBoy|ON-GOING/EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon