4

0 0 0
                                    

4

Pagkauwi ko sa unit ko binaba ko ang mga gamit ko sa sofa at nagtungo ako sa banyo para maglinis ng katawan.

Pagkatapos nun ay kinuha ko ang laptop ko at agad chineck kung may message na si Mam.Larazabal, wala pa naman kaya nag facebook mona ako, tinignan ko ang notification at laking gulat ko ng makita na nag trending ang picture ng lalaki na pinost ko.

Ang daming nag share ng picture ng lalaki na talaga namang hindi ko lubos na inaasahan,biglang may nag pop-up na message sakin.Si Jeanne pala,tinignan ko ang message niya.

Jeanne Lazaro message you.

"Frennnn! Grabee nag-trending yung lalaking nakita mo sa mall ah*^▁^*"

"Yeah. Nagulat nga din ako eh"I replied.

"Fren baka yan na yung way para malaman mo name niya*^O^*"

"Sana nga.Pero fren nakakahiya eh"

"Bakit naman?"

"Kase diba pinost ko yung picture niya, eh paano kung ayaw niya ng pala yung ganon"

"Anong ganon?"

"Yung kasikatan. Diba para nadin siyang artista pinagkakaguluhan"

"Di yan fren, ayos lang yan"

"I wish"

"Sige na fren later nalang ulet, may lakad kami ni Dale eh"paalam niya.

"Sige.Enjoy"

Bigla naman may nag pop-up ulet na message sakin, galing na yun kay Mam.Larazabal.

Carla Larazabal message you.

"Asthreya ito yung place na pupuntahan mo sa saturday ah. Block 24 Subdivision St.Domingo Quezon City."

"Okay Mam.Salamat po"

Pagkatapos kong basahin ang message ni Mam ay nahiga na ako sa kama at saglit na nagmunimuni muna, at di ko namalayan na nakatulog na ako.

~~~~~
Blue's POV

"Kuyaaa!"sigaw ni Orange mula sa sala, agad naman akong lumabas ng kwarto ko.

"Bakit ka ba sumisigaw Orange?"nagtataka kong tanong.

"Kuya dali! Halika dito may ipapakita ako sayo!"pagmamadali niya sakin.

Bumaba naman agad ako para tignan yung gusto niyang ipakita, nakita ko ang isang picture ko na naka side-view na kuha sa stall ng mga k-pop merch.Marami ng share ang picture ko at nagkalat na ito.

"Kuya! Sikat kana hahaha"biro ni Orange.

"Who the hell post that picture!?"inis na tanong ko.

"Ahm..."naghanap siya sandali."Kuya di ko na makita eh, halo-halo napo yung mga nag shares eh"paliwanag ni Orange.

"Tsk. Hanapin mo tapos ipabura mo sa kaniya yan!"inis na sabi ko.

"O-opo kuya"sagot niya.

Inis akong bumalik sa kwarto ko at tinignan din ang kumakalat kong picture,hahanapin ko na din ang babaeng nagpost ng picture ko. Pero tulad nga ng sabi ni Orange ay ibat-ibang klase na ng tao ang nag-share at re-post nito, diko na alam kung sino yung tunay na nag post ng litrato ko.

Naiinis lang ako kase kapag nalaman ng mga tao kung sino ako baka mawala na ang privacy ng buhay ko, yun lang naman ang gusto ko peaceful life.

Lumabas ulet ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para uminom ng malamig na tubig, ito kase ang nagsisilbi kong pang pawala ng inis. Bigla namang lumapit si Pitchy na naglalakad habang nagbabasa ng libro.

"Pitchy ano kaba naglalakad ka habang nagbabasa,masasaktan kapa sa ginagawa mo eh"pangaral ko.Nag-angat naman siya ng tingin sa akin.

"Sorry kuya"binaba naman niya ang libro, kumuha din siya ng baso at uminom ng tubig, pagkatapos ay agad din siyang bumalik sa sala at pinagpatuloy ang pagbabasa.Nailing nalang ako sa kinikilos ng kapatid ko.

Pagtapos kong uminom ay bumalik ulet ako sa kwarto ko at itinulog nalang ang inis ko.

~~~~~~

Threya's POV

Nagising ako sa tawag na nagmumula sa cellphone ko,sinagot ko agad ito ng hindi tinitignan ang caller.

"Hello!"inis na sagot ko.

"Ganiyan kana pala sumagot sa lolo mo?"sabi ng kabilang linya.

Napabalikwas naman agad ako sa higaan ko at umayos ng upo.

"L-lolo p-pasensiya napo"hingi ko ng tawad.

"How are you Asthreya?"tanong niya.

"I-im fine Lo"nauutal kong sambit.

"Are you coming here at the mansion on christmas?"

"Yes lolo.Nasabi kona po kila Kuya Ven"

"Okay.See you on Christamas Day Asthreya,naistorbo ko ata ang pagtulog mo"sambit ni Lolo.

"Hindi naman po"nahihiya kong sabi. "See you soon lolo, take care"sabi ko.

"I will."pagtatapos niya sa usapan.

Nakahinga naman akong maluwag ng natapos na ang tawag,minsan lang akong kamustahin ni lolo kaya naman talagang kinabahan ako, tinignan ko ang oras Alas-siyete na ng gabi mahaba-haba din pala ang tinulog ko.

Bumangon ako at naghanda ng makakain ko,tinignan ko ang laman ng ref ko,isda,gulay,manok yan lang ang laman ng ref ko.Sa huli naisipan ko nalang na kumain ng Delata dahil tinatamad nadin akong magluto.

Pagkatapos kumain ay hinugasan kona ang mga ginamit kong pinggan,pagka-tapos nun ay ginawa kona ang mga homework ko.Pagkatapos nun ay nagpahinga ako sandali at naglinis na ng katawan,pagkatapos nun ay nag internet muna ulet ako at nanood ng mga funny moments ng bangtan pang paantok.Paulit ulit na routine ko, pero ilang oras na ang lumipas ay hindi parin ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong lumabas muna ng condo at nagpunta sa pinakamalapit na convenience store.

Pagkarating ko sa convenience store ay bumili ako ng ilang mga stock sa unit ko,dahil paubos na din ang mga stocks ko,pagtapos nun ay agad nadin akong bumalik.

Inayos ko ang mga pinamili ko at tapos nun ay tumungo nako sa kwarto ko para matulog,tinignan ko muna ang cellphone ko at may limang miss calls si Jeanne sa akin,nagtaka naman ako kaya agad ko siyang tinawagan,matapos ang ilang ring ay sumagot din siya.

"Fren bat ka nga pala tumawag?"bungad ko sa kaniya.

"Wala naman kakamustahin lang sana kita hehehe"sambit niya.

"Nakooo!ikaw mangangamusta?imposible yan,araw-araw na tayo magkasama fren"tudyo ko.

"Ganon?hindi kana pala pwedeng kamustahin ng kaibigan mo"sambit niya.

"Tss.Ano nga yun bat ka tumawag?"

"Eh...yayain sana kita sa sabado,may free concert sa MOA eh,gusto ko sana manood"sabi ni Jeanne.

"Eh?sorry fren diba yun yung first day ko sa pag tu-tutor sa pamangkin ni Mam.Larazabal"paliwanag ko.

"Aww!oo nga pala,haisst hindi kase pwede si Dale ng araw na yun eh"malungkot niyang sabi.

Agad naman akong may naisip na paraan Si Kuya Venun.

"Ah fren try mong tanong si Kuya Ven,baka pwede siya ng araw na yun"sambit ko.

"Ay!good idea fren,sakto mahilig pala si Kuya Ven sa mga concert.Thank you fren!sige na tulog kana goodnight!"paalam niya.

"Night night"paalam ko din.

Pagtapos ng pag-uusap namin ni Jeanne ay nakaramdam nadin ako ng antok,nahiga nako sa kama at inisip muna ang magiging reaksyon ni Kuya kapag hinaya siya ni Jeanne,sure kikiligin na naman yun,o kaya naman mahihiya hahaha.Mahinang sambit ko.

Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng antok,kaya pinatay kona ang lampshade at natulog na.

A/N

PASENSIYA NAPO SA UPDATE HEHE!ANTOK NADIN PO AKO EH

MERRY CHRISTMAS EVERYONE!

Mr.FanBoy|ON-GOING/EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon