10

0 0 0
                                    

10

REALLY?UMABOT AKO CHAPTER 10?WHAAA DAHIL NGA FIRST TIMER AKO AY TUWANG TUWA NAKO HAHAHAHA!ISA NALANG TALAGA GUSTO KONG MA-ACHIEVE...MATAPOS KOTONG ISTORYA NATO AT MAKAGAWA NG SERIES.

KUNG MAY NAGBABASA MAN NITO GUSTO KONG MAGPASALAMAT.SANA IVOTE NIYO PO AT KUNG BET NIYO LANG COMMENT NADIN KAYO HEHEHE,SALAMATSUE!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lumipas ang ilang linngo ay natapos nadin ang second sem and finally christmas break na!ahhh relief.

Ngayon din araw ang balik ko sa mansyon,dahil nga di pako pinapayagang mag drive ay susunduin nalang ako ni Dale syempre kasama si Jeanne.

Natapos nako mag empake at hinihintay nalang ang pagdating nung dalawa,maya-maya pa ay dumating nadin sila.Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang napakaganda at napakagwapong couple sa balat ng lupa.

"Taray!may date kayo?"tanong ko.

"Wala bakit?"tanong ni Dale.

"Eh mukha kayong royal couple eh,ang porma niyo ah"loko ko.

"Di kami maporma sadyang masyado ka lang simple"sambit ni Dale.

"Tama!kaya wala pang boyfriend eh,ayaw ipakita ang ganda tinatago lang"pag-sang ayon ni Jeanne na ginatulan pa.

"Che!pumasok na nga kayo,tulungan niyo kong magbitbit"utos ko.

Pumasok naman sila sa loob at tinulungan nako sa pagbitbit ng mga gamit ko.

"Dala moba buong kitchen mo Threya?"tanong ni Dale."Nawala na yung gamit mo sa kusina eh"sabi niya pa.

"Hindi naman lahat yung mga kailangan ko lang sa pagluluto,alam mo naman sure na naka assign ako sa pag luluto para sa noche buena"sagot ko.

"May mga gamit naman sa mansyon niyo fren"si Jeanne.

"Oo nga pero masarap parin gamitin yung mga bagay na ako yung bumili"sabi ko nalang.

Pagkatapos namin kuhanin yung mga gamit ko ay lumabas nadin agad kami,pinauna ko na sila sa parking lot dahil ilolock kopa yung condo ko.

Tapos nun ay pumunta naman ako sa counter at binilin yung unit ko na linisin.Pagkarating ko sa parking lot ay andun na sa loob ng kotse si Jeanne si Dale naman ay nilalagay sa compartment yung mga gamit ko.

Sumakay nako,sa may likod ako naupo siyempre san paba?,natapos nadin ni Dale yung ginagawa niya at agad nadin siyang sumakay at umalis na kami.

Lumipas ang isat kalahating oras ay nakarating na kami sa mansyon,agad naman lumabas ng bahay si Mang Jerry para tulungan si Dale na kuhanin yung mga gamit ko,tutulong na sana kami ni Jeanne kaso sabi ni Dale pumasok na daw kami.

Pagkapasok ko palang sa loob ay ganun parin naman,isang malaking bulwagan ang sasalubong sayo at napakalinis na bahay.Didiretso na sana ako sa kwarto ko ng pigilan ako ni Jeanne.

"Bat?"tanong ko.

"Dun tayo sa dining area"sabi niya nalang sakin at sumunod nalang ako.

Pagkarating namin dun ay sumalubong samin ang napakaraming pagkain.

"Ano to last suffer?"biro ko.

"Welcome home Threys"bungad na bati ni kuya,sabay halik sa noo ko.

"Welcome Back Hija"bati naman ni lolo,agad akong lumapit sa kaniya at nagmano.

"Wow guys,sa pilipinas din naman ako galing at natira lang ako sa ibang lugar para naman akong ofw nito"biro ko."but thank you i really appreciate your efforts"masaya kong sambit.

"Dapat lang 'noh!napagod si Manang Lucy sa pagluluto"loko ni Dale.

"Mamaya na kayo mag-asaran kumain na tayo,at lalamig na ang pagkain"utos ni lolo,ibig sabihin lahat ay dapat sumunod."Jerry halinat sumabay na kayo sa amin,tawagin mona ang iba"paanyaya ni lolo.

Agad naman tinawag ni Mang Jerry ang ibang mga tauhan sa bahay para sumabay na samin kumain,long table naman 'toh kaya sure akong kasya kaming lahat.

Naging masaya ang hapag puno ng tawanan at kwentuhan,talaga naman natutuwa akong umuwi sa mansyon ngayon kase feeling ko nagkaroon na ng buhay ang mansyon.Pagtapos kumain ay nagpunta muna kami sa sala para magpahinga,grabe busog na busog ako!ang dami kong nakain.

"Venum"tawag ni lolo kay kuya.

"Yes lo?"tanong ni kuya.

"Uuwi ba ang Mama mo sa darating na pasko?"tanong ni lolo.

"I really dont know po lo,pero sana po"umaasang sagot ni kuya.

"Sabihan modin ang Papa mo,para naman kumpleto tayo sa pasko"sambit ni lolo.

"I will lo,kakausapin kopo si Papa mamaya"sagot ni kuya.

"Bat dipa ngayon?"tanong ulet ni lolo.

"Busy po yun ng mga ganitong oras,mamaya papong seven ang out nun sa trabaho"paliwanag ni kuya.

Haisst!namimiss kona si papa matagal tagal nadin kaming hindi nagkikita at puro skype or phone calls lang ang tanging ugnayan namin.Hiwalay ang parents ko syempre una masakit pero sa huli natatangap ko din,wala eh dapat natin tanggapin ang mga ganoong bagay pagsubok lang naman yun.

Tapos mag pahinga ay nagpaalam akong aakyat muna ko sa kwarto ko,gusto kong makita ayun parin ba ang kwarto ko.Pagbukas ko palang ng pinto ay amoy agad ang strawberry scent ng buong kwarto ko,at pagbukas ko ng ilaw ay bumungad sakin ang mas gumanda kong kwarto.Andun parin yung mga poster na nakadikit sa wall ng kwarto ko,at yung book shelf ko ay mas naging presentableng tignan hindi tulad noon gulo-gulo yung mga libro.

Binuksan ko naman ang mini closet na naglalaman lang ng puro merchandise at lahat ng kaartehan ko,dugo at pawis ko ang pinuhunan ko diyan,hindi ko kase ugaling manghingi ng pambili ng mga gusto ko,gusto ko ako yung mismong bibili galing sa sarili kong pera.Binibigyan ako ni Kuya ng monthly allowance ko at iniipon ko yun para sa mga ganitong 'kalat' kung tawagin nila,pero ito yung kalat na sobrang pinapahalagahan ko.

Tapos kong mag tingin tingin sa kwarto ko inayos ko naman yung mga damit ko para hindi na nakakalat yung mga maleta,habang nag-aayos ako ay biglang may kumatok.

"Fren"tawag ni Jeanne.

"Tumuloy kana Je"sabi ko.

Pumasok naman siya dala ang isang unan.

"Ano yan?"takang tanong ko.

"Unan"maikling sagot niya.

"Tss.alam ko!pero bat may dala kang unan"sambit ko.

"Ahh di mo kase nililinaw,wala dito lang naman ako makikitulog sa inyo"sagot niya.

"Okay"sabi ko nalang at tinuloy ang pag-aayos.

"Fren pahiram ng pangtulog ah,sabi ni Dale wag daw akong matulog ng naka dress"sabi niya.

"Malamang!ikaw pa naman napaka gulo mong matulog"pangaral ko."sa guestroom ka o sa kwarto ni Dale?"tanong ko.

"Nope"sagot niya.

"Dito"sabay lapag ng unan niya sa kama ko.

"At sino nagsabing pumapayag ako?"pataray kong biro.

"Wala.pero di moko matitiis fren,love moko eh"confidence na sagot niya.

"Iww"tanging sabi ko nalang at sabay naman kaming natawa.

Pinahiram ko sa kaniya ang isang pares ng pangtulog kasama na ang underwear na hindi kopa syempre nagagamit,nauna muna kong maligo at sumunod naman siya.

Habang hinihintay kong matapos si Jeanne ay nag facebook and twitter muna ko,bigla namang may nag pop up na notif sakin,pero hindi pala notification kundi email mula kay.....Mam.Larazabal,agad ko itong binuksan.

Goodevening Ms.Trajano,are you free for tomorrow?ahm we want to invite you sana bukas,request ng mga bata.Inform me kung pwede ka or hindi.Lunch Time.

Sino ko para tumanggi!?andun kaya si crush,iisipin ko nalang date namin yun.

A/N

Vote
Comment

Salamat.

Mr.FanBoy|ON-GOING/EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon