2

0 0 0
                                    

2

Linggo

Nagising ako sa tawag na nagmumula sa cellphone ko, agad akong bumangon upang tignan kung sino ang tumatawag,si kuya pala.

"Kuya"sagot ko.

"Naka-ready kana?"He ask.

"Huh? Bakit kuya may lakad ba tayo?"nagtataka kong tanong.

"You already forget it huh?"sabi niya.Agad ko naman  naalala na may lakad pala kami at magpapasama pa ako sa kaniyang bumili ng merch.

"Sorry kuya nakalimutan ko!wait lang magre-ready nako"sabi ko.

"Okay.I'll pick you up in your place"sabi ni kuya.

"Okay"pagtatapos ko ng usapan.Agad akong kumilos at niligpit ang higaan ko at pumunta ako sa banyo.Ilang minuto ang lumipas ng natapos ako at sakto naman ang pagdating ni kuya.

"Let's go?"tanong niya,tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

Habang nasa byahe tahimik lang kaming dalawa ni kuya ng biglang tumawag si Jeanne sa akin.

"Hello? "

"Hi fren kamusta?"sabi ni Jeanne.

"Okay naman bakit?"tanong ko.

"Wala lang hahayain lang sana kitang lumabas eh.Free kaba?"

"Aww!sorry fren kasama ko si kuya ngayon eh, may lakad kami."

"Ay ganon ba"malungkot na sambit ni Jeanne.Bigla namang may nag pop-up sa ulo kong idea.

"Gusto mo Jeanne sumama ka nalang samin?"tanong ko sabay tingin kay kuya.

"Pwede ba? Baka maistorbo ko bonding niyong magkapatid"saad niya.

"Wait tanong mo si kuya"ni loud speak ko ang cellphone at nilapit kay kuya,inis naman niya akong tinignan.

"Hi kuya! Ahm... Pwede ba akong sumama sa inyo ni Threya?"tanong ni Jeanne.

Tinignan ko naman si kuya na ngayong namumula na, hindi ko alam kung kinikilig o naiinis.

"S-sure J-jeanne"utal na sambit niya.

"Yehey! Thanks kuya, bye see you later"sabi niya at ibinaba na ang tawag.Tinignan naman ako ni kuya.

"I know kuya, your welcome"sabi ko.

"Anong your welcome?!"inis na sambit niya.

"Diba magta-thank you ka sakin kase makakasama mo si Jeanne? "

"Thank you your ass."inis na sambit niya.

"What! Di kaba thankful kuya? Makakasama mo kahit isang araw lang ang crush mo, ayaw mo nun."I said.

"A y o k o"

"Well... Sorry kuya wala na tayong magagawa"biro ko. For sure naman na kinikilig lang si kuya kaya ganiyan yan at hindi yan naiinis, baka nga gustong-gusto  niya pa eh.Tinext ko kay Jeanne ang mall kung saan kami pupunta, pagkarating namin sa mall ay agad kaming nagpunta sa starbucks at dun hinintay si Jeanne, umorder naman si kuya ng maiinom.

Maya-maya pa dumating na si Jeanne suot ang isang pink floral dress, she look so stunning samantalang ako eto naka white t-shirt at candy pants nagmumukha akong alalay.Nakita naman agad ako ni Jeanne.

"Hi threys"bati niya sakin sabay beso.

"You look so beautiful Jeanne, i love your dress"puri ko sa kaniya.

"Thanks. By the way wheres Kuya Ven? "She ask.

"Nasa counter"sabi ko, tango naman ang naging sagot niya.Maya-maya pa ay dumating si Kuya na may hawak na tatlong frappe.

"Hi Kuya Ven"bati ni Jeanne kay Kuya, nakita ko naman ang pagba-blush ni kuya.

Ang kuya ko binata na.

"H-hi Jeanne, long time no see, kamusta? "

"Happy and Contented"nakangiti pang saad ni Jeanne.

"T-thats great"naiilang na sambit ni kuya.Katahimikan ang bumalot sa lamesa namin.

Akward.

Kaya agad kong binasag ang katahimikan.

"Kuya diba sasamahan mo akong bumili ng merch?"tanong ko.

"Yup"maikling sagot ni Kuya.

"Tapos manonood tayong sine,right?"

"Hmm."

"Ako nalang bibili ng merch, tas pumunta na kayo ni Jeanne sa cinema para bumili ng ticket then buy some foods nadin"sabi ko.

"Samahan ka na namin"saad ni kuya.

"Oo nga Threys, samahan ka na namin"Jeanne said.

"No! Mabilis lang ako promise, bumili na kayo ng ticket, para pagtapos ko diretso na tayo sa loob."saad ko.

Hindi kona sila hinintay pa na magsalita at umalis na agad ako, dumiretso ako sa isang stall ng mga merchandise ng ibat-ibang k-pop groups.

Una kong pinuntahan ang mga posters and photo cards na all about sa BTS,habang namimili ako may isang lalaking umagaw ng atensyon ko. Matangkad na mestiso at nagtitingin naman siya sa ibang mga groups.I love fanboys, natutuwa ako kapag nakakakita ako ng mga lalaking fans ng mga k-pop groups or kahit ano pa. Pero naisip ko din na baka sa girlfriend niya lang yun ibibigay, nakatitig lang ako sa kaniya at bigla kong naisipang kuhanan siya ng picture tinignan ko muna kung walang flash ng na check kona ay agad ko siyang kinuhanan,naka side view siya kaya medyo kita ang mukha niya at nag stand-out ang matangos niyang ilong.Maya-maya pa ay nalingon siya sa gawi ko kaya agad kong binaba ang cellphone ko at bumalik sa paghahanap ng mga poster and photo cards,nang may mapili na ako agad ko itong kinuha at binayaran sa counter, pagtapos nun agad akong pumunta sa cinema kung saan andun sina Jeanne at Kuya.

Ano na kaya nangyayari sa dalawang yun?

Pagdating ko ng cinema nadatnan kong nagku-kwentuhan sina Kuya at Jeanne, kitang-kita ko ang medyo pagka-ilang ni kuya pero nakukuha niya ng pakipagtawanan kay Jeanne.good work kuya mahinang sambit ko.

Nakita na ako ni Kuya kaya lumapit na din ako sa kanila.

"Bat ang tagal mo?"Tanong ni Jeanne.

"May nakita pa akong pogi eh"sabi ko.

"Ay! Tignan mo ito di nagtatawag"pangloloko ni Jeanne.

"Don't yah worry mah fren, cause i have a picture"sabay wink kopa sa kaniya.

"Yan ang gusto ko sayo kaibigan eh, patingin nga"biglang inagaw ang cellphone ko.Agad niya naman tinignan ang picture ng lalaking nakita ko kanina sa stall.

"AhhAHAah! Ang pogi fren"kilig na sambit ni Jeanne.

"Patingin nga"sabi ni kuya na sinilip ang larawan ng lalaki."Tss gwapo pako diyan eh, mas matangos lang ilong niyan sakin"preskong sabi ni kuya.

"Kapal mo kuya"sabi ko."Tama na nga yan guys, pumasok na tayo sa loob at lalamig ang pagkain na binili niyo"saad ko.

Agad kaming pumasok sa loob ng cinema, hindi pa naman nag-uumpisa ang movie kaya naisipan ko munang mag facebook.Naalala ko yung lalaking nakita ko kanina sa stall, agad kong ipinost ang picture niya sa facebook na may caption na EVERY FAN GIRLS DREAM BOY.Pagkatapos nun ay pinasok kona sa loob ng bag ko ang phone ko,inabot sakin ni Jeanne ang pagkain, kumain kami habang nanonood ng movie.

Isang horror story ang pinanood namin, isang kwento ng magkaka-ibigan na namatay isa-isa at ang malala isa sa mga kaibigan pala nila ang killer.

Isang oras kalahati tumagal ang palabas, pagtapos nun ay lumabas na kami sa sinehan at umuwi na dahil may pasok pa bukas.

A/N

Again sorry kung nakaka bored.

Mr.FanBoy|ON-GOING/EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon