PGDC Ch 1

158 1 1
                                    

"Hannah, share it!" pangungulit ni Dane kay Hannah

"Yoko nga. akin na lang yun. its a secret ok?" sabay irap nito kay Dane.

Nandito kami sa cafeteria, as usual kumakain. hahaha. XD at eto kinukulit ni Dane si Hannah tungkol dun sa whatever thingy na yun. di ko alam pinag-uusapan nila eh. busy ako sa pagmememorize ng equation para sa chemistry. ugh. fudge chemistry!

"sige na Hannah sabihin mo na. de ganyan ka naman eh! sus. parang di kaibigan." sabi ni Arianne. hahaha. magkaiyakan pa.

"sige na nga hannah sabihin mo na. tayong dalawa palang naman nakaka-alam eh" sagot ni Louise. Ooh. Alam nya pala. hahaha.

"Ano ba yun?" dagdag ni Bia, hayy. napaka inosente talaga netong batang to.

"ok b*tch*s. eto na. HOY! erika! makinig ka. mamaya na yang EXO. ok. ok. ganito kasi yun. Pinagtripan ko si Daniel. kunwari may gusto ako sa kanya. tapos ang uto uto, ayun na-fall. Wahahahahaha. XD" sabi ni Hannah.

wait, what? Daniel? Daniel as in Daniel Salazar? o-m-g. Na-fall ang isang Daniel Salazar sa isang Hannah -- hahahaha. this. is. so. great. so. fucking. great.

"Ano?!" sigaw ni Dane.

"Daniel Salazar? As in yung kaklase natin na may crush kay Bia?" sigaw ulit ni Dane dahil hindi makapaniwala sa ginawa ni Hannah

"Ugh. Oo nga! Wala eh, tinopak ako eh. Ayun, pinag-tripan ko siya! Taragis yun! Ang landi landi din!"

"Holeeh! Grabehan! Ang lupet mo 'tol!" biglang singit ni Arianne

"Tae! Tinanong ko nga siya kung kami na eh! Ayun tangna, ewan daw niya! Tinanong ko din kung sino crush niya, ang sabi niya si 'Bia' tapos dinugtungan pa niya ng 'Crush lang naman eh!' Tas naisip ko ibig sabihin iba mahal niya. Aba malanding nilalang 'to! Kaya ayun, pinag-tripan ko na ng tuluyan!" tuloy-tuloy na sabi ni Hannah habang tumatawa

"Oh! Anong sinagot mo dun sa 'Crush lang naman eh!'?" tanong ni Dane habang kumakain

"Ang sabi ko 'Buti pa ako isa lang!' with matching emoticon pa yun! Tas nag-reply siya 'Sino?' ang sinagot ko ay............ IKAW!! Haha! Lol nga yun eh!"

"Oh Em! Grabe ka! i-hashtag na yan! #MedyoBadGirl!"

"Grabe talaga. Di ako makapaniwala sa mga nagaganap na itey!" sabi ko habang nakatingin sa Notebook na hawak hawak ko simula pa kaninang umaga.

"Errr. Eh kung gumawa tayo ng facebook group? You know, Play Girls.. Tapos pagtripan natin yung mga boys, tutal, pinagtitripan din nila tayo bakit di rin natin gawin, dibaaaa?" sabi ni Hannah habang may namumuong nakakalokong ngiti sa labi niya

"Game ako diyan!"sabay na sigaw ni Dane at Arianne

"Omegesh! Gawa ka nalang ng closed group natin!" Suggest ko habang nakatitig sa hawak hawak ko paring notebook. Nakakahiya naman kasi sa mga titser namin, sabay sabay kung mag pagawa ng mga projects at assignments, pati yung mga minor subjects na nagfi-feeling major, aba matinde! Badtrip kasi PNoy, K to 12 pang nalalaman!

"Oshigee! Tae tara na nga! Baka nandyan na si Ma'am Leah!"

Lahat kami ay tumayo na at lumabas ng cafeteria. Nakarating kami sa loob ng room at naabutan namin ang mga boys na naglalaro at ang titser naming mahilig magpagawa ng experiment.

"Hello Ma'am!" Sigaw namin, kahit naman maraming pinapagawa si Ma'am Leah ay favorite teacher namin yan. Mabait kasi at lahat ng tinuturo niya ay naiintindihan ng lahat. Hindi kagaya ng ibang teacher na kapag nagdi-discuss eh halos tulugan na ng lahat ng estudyante!

"Ma'am ano pong gagawin natin ngayon?" tanong ko kay Ma'am while giving her my beautiful smile, umaasang wag siyang magdiscuss.

"Magre-recite kayo ngayon diba?" sagot ni Mam Leah habang nakangite

Play Girls Don't CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon