PGDC Ch 2

97 2 1
                                    

Wednesday

Hannah's POV

Lahat kaming magkakaibigan ay nasa tapat parin ng room. Wala pa kasi yung teacher naming napaka-aga kung pumasok kaya tambay muna. Wala ang boys dahil nandun sila sa may hagdan, nagmistulang mga bodyguard dun. Ipapakilala ko muna sa inyo yung 'Top 3' Malalanding Boys ng Classroom. Okay sige, hindi sila malandi pero sweet talker sila at sobrang touchy at clingy sa mga babae. Ang number 1 ay si Mason Gutierez. Seatmate ni Erika at seatmate ko rin. Mahilig manghalik at manghapit ng bewang ng babae. Kapag may nagagalit sa kanya, ang isasagot lang naman niya ay 'Sorry na BABE.' Kaya laging inis na inis ang ibang girls sa kanya. Si Daniel Salazar naman ang number 2, sweet talker sa chat pero hindi sa personal, gwapo, magaling magdrawing. Touchy at clingy siya sa babae, especially kay Arianne at sakin. At ang number 3 ay si *drumrolls* Wait! Tie pala sila, si Mark at si Joshua! Si Mark, may girlfriend nayan pero hindi alam ng GF niya yung totoo niyang ugali, touchy at clingy siya. Si Joshua naman, medyo touchy siya at madalas naming nahuhuling nakatitig sa mga babae, konting pa-cute lang sa harap niya ay bibigay din!

*Makalipas ang Ilan pang Minuto*

"Nandyan na si Ma'am!" sigaw ni Mason mula sa di kalayuan, lels ang lalim non!

"Hoy! Pumila na kayo!" sigaw ni Bia, ang Vice President sa klase

Pumila naman kami, dahil kailangan i-check kung may naka-baston, mahaba ang kuko o kaya naman ay naka-black socks. At sa kasamaang palad, nakapasok ang Top 3.

Lahat kaming magkakaibigan ay may pinagdadaanan. Dejoke. Anu-ano nga ba ang dahilan namin kaya kami gumawa ng grupo para paglaruan ang boys? Ganito kasi yan, si Aerielle ay wala, nakiki-sakay lang talaga siya, si Arianne naman, family problem, Oo, family problem nga kaya gaganti daw siya sa paraang gusto niya. Si Dane? Gustong maghiganti kasi niloko siya ng boyfriend niya at dahil narin playboy si Mason. Si Louisse at ako naman ay trip-trip lang talaga. Lakas ng trip eh no? Si Bia at Erika naman ay saling pusa lang talaga, masyado daw silang mabait para sa ganong bagay. Pero ang main source talaga ay ako, ako ang utak ng lahat! Sa akin nagsimula ang kalokohan na 'to!! Pero okay lang yun, nag-eenjoy naman kami!

"Girls! Sabi ko nga pala kay Mr. Landi (Daniel) na wag na kaming magpansinan kaya naman Arianne! Gumawa ka na ng move! Eto nga pala Ipod ko, tignan niyo lahat ng convo namin!" sabi ko, kinuha naman ni Arianne at ni Dane, ako naman ay lumapit na rin para tignan lahat ng convo nila

"Tips nga pala! Magsend ka ng maraming emoticon! Heart if possible! Pero mag-ingat ka, baka ikaw ang mahulog."

"Di yan! Ako bahala!" sagot naman ni Arianne habang binabasa ang lahat ng convo.

"Grabe ka bekbek!" sigaw ni Arianne habang tawa ng tawa dahil sa kanyang binabasa

"Oh diba! Sabi ko sainyo eh. Sweet talker yang unggoy na yan!" sagot ko naman.

"Tangna dis! Ang sweet mo sakanya! Babae ka na!" sigaw naman ni Dane

"Hulul! Asa! Sapakin ko pa iyan eh." sagot ko habang nakasimangot

"Asus! Youjizz De-" sisigaw na sana si Dane ng lumapit ako sakanya

"Ano? Paki-ulit nga."

"Dejoke lang!"

"Hoy boys! Umupo na kayo at ng makapag-simula na!!!" sigaw ni Bia

"Hoy kayong mga lasinggero diyan, magtigil kayo sa kadadaldal. Palagi nalang ganito!" sigaw ko

"Pffff! Tangna! Tumigil na kayo mga unggoy!!" sigaw ng kanilang leader. Si Marcus yung sumigaw, ang siraulong lalaki na madalas kong kaaway.

"Gagi! Si Daniel lang yun!" sagot naman ni Mason

"Okay tama na." biglang sabat naman ni Daniel habang nakatayo na mistulang pastor na nagpi-preach.

"Start na kuya!" sigaw ko, si KUYA at si Leo ay iisa lang. Bakit kuya? Kasi nung grade 7 daw sila, siya yung unang nagbirthday. Oo, SILA. Taga-kabilang section ako dati eh.

Okay, alam ko medyo boring 'to, pero kailangan eh, para makilala niyo ang PG3G. PG3G stands for Play Girls of 3 Gaudium (Latin word means joy, delight, happiness). Bakit 3? Kasi dapat 3rd year na kami, kaya lang kami ang first batch ng k to 12. Kaya iba ng ang tawag saamin ngayon, 9-Gaudium talaga.

Ako nga pala si Hannah Valois. Ang utak ng lahat ng kalokohan ng PG3G. 15 years old. Simple lang ako. Di kagaya ng ibang babae na daig pa ang clown kung mag-make up. Nakakapag-aral ng matino, nakaka-kain ng tatlong beses sa isang araw. Mabait ako sa taong mabait sakin. Approachable akong tao pero hindi ako yung tipo ng tao na gumagawa ng first move para makipag-kaibigan. In short, BOYISH ako at hindi ganon ka-FRIENDLY.

Si Aerielle Perez naman. Siya ang pinakamayaman sa barkada. Rich kid! Mabait na bata. Maganda na mabait pa. Kahit gipit na gipit na ang buong klase dahil sa sobrang dami ng pinapasagutan, hindi parin siya nakikipag-kopyahan. Mabait siya sa lahat kahit na pinagti-tripan na siya. Maganda, matalino mabait, yan siya. Model ng room yan eh. Adik na adik din siya sa JaDine! James Reid fangirl yan eh.

Si Dane naman. Dane Austria. Adik na adik naman 'to kay Mason Gutierez. Crush niya yun eh. Maganda siya at uhmm medyo mabait. Moody minsan. Makulit din kaya madalas mapag-tripan. Medyo boyish din siya tignan. Madalang pang magsuklay. Marami din siyang manliligaw. Rich kid din yan. Matalino pero minsan abnormal din. Pagtinopak siya, kung anu-ano na ginagawa.

Si Arianne Santiago. Kinababaliwan ng mga lalaki. Wala eh, maganda siya. Dyosa daw siya. Madalas din siyang pagtripan ng mga boys. Pero malakas din mang-trip yan. Moody at kasing lakas ng mega phone ang boses. Tamad na bata! Mahilig kumain kaya nagkaka-bilbil.

Louisse Santos. Mabait kaya lang medyo suplada din siya. Adik na adik kay Daniel Padilla. Madalas mapag-tripan dahil madali din siyang mapikon lalo na pag tungkol sa KathNiel. Medyo baliw din siya kapag naging close kayo. Maraming LOVE problems 'to eh.

Bia Sarmiento. Crush ng Bayan. Maraming manliligaw pero si Lord parin ang inuuna. Saling pusa lang siya sa PG3G. Masyado siyang inosente para sa ganun. Maganda, mabait at matalino pero sobrang MOODY. Medyo MANHID din siya. Baby siya ng barkada. Kapag may problema ang iba, lalapit siya agad at tatanungin kung okay ka lang. Ganun siya kabait.

Si Erika Valdez. Mukhang EXO na talaga siya. Medyo mabait at suplada. Moody din siya. Kapag kasama mo siya, hindi kayo mawawalan ng topic patungkol sa KPOP. Crush niya si LEO. Malupit din imagination niya pagdating sa EXO. Mukha siyang inosente pero hindi talaga. Medyo baliw din lalo na kapag siya ang napag-tripan.

Yan ang PG3G Girls!

TO BE CONTINUED...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

NOTE:

Thank you sa lahat ng mga nagbabasa nito! Yun oh! Dejoke, Thank you talaga. Hope you enjoyed it alot. SORRY nga pala sa mga typo error!

- III ~ G

Play Girls Don't CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon