Chapter 7

1.3K 38 0
                                    

Chapter 7

"Christina, lumabas ka dyan, andito yung kaibigan mo" si nanay.

What? Si Haina andito?

Lumabas ako ng bahay para tignan nga kung andito talaga si haina.

At hindi ako nagkamali si haina nga.
Andito ba sya para sunduin ako.
May dala pa syang kotse at driver ah.
Yaman talaga ng best friend ko.

"Tina"nakangiti sya habang kumakaway.

"Bakit ka andito? Papunta na Sana ako sa bahay niyo." Tanong ko.

"Ang tagal mo kasi.... Kaya sinundo na kita" nakanguso na naman si haina.

"Sorry sa abala ha" sabi ko

"Its ok. Tara na?"

"Ok, mag papaalam lang ako Kay nanay at tatay." Nakangiti ako.

"Go"

Muli akong pumasok sa bahay para magpa alam Kay nanay at tatay, hanggang sa nakaalis na kami ni haina.

-

Habang nasa biyahe kami papunta sa bahay nila haina ay
May inabot sya saking paper bag na naglalaman ng mga kulay itim na suoting sando, jacket,jeans, at sapatos na kung titignan ay parang maong pero paghinawakan ay parang tela ng leggings.

"Para San 'to" tanong ko.

"Yan isusuot mo mamaya"sagot nya naman

"Ha? Kailangan pa ba ng ganito?" Tanon ko ulit.

"Of course , kailangan mo ng komportableng suot" sinagot nya ako ng hindi nakatingin sakin.

"Komportable naman ako sa short ah." Salubong kong kilay na sabi.

"Martial arts ang ituturo ko sayo, hindi kalandian.." Ngisi nyang sabi.

Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi nya.

Nang Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na kami sa bahay nila haina.

Napakalaki at napakaganda ng bahay nila,Sana yumaman din kami nila nanay ng ganito kapag nakapagtapos ako ng pag aaral.

"Pasok tayo" pagyayaya nya sakin.

"Haina, pwede bang dito nalang tayo sa labas? Baka kasi makabasag ako eh." Kinakabahan Kong sabi.

"Tss, ano ka ba. Wag ka ngang ganyan, eh ano naman kung makabasag ka? At isa pa, si mommy at daddy narin ang nag papaimbita sayo. Ok?" Madiin nyang sabi.

"Ok".

Di nagtagal ay pumasok kami sa malaki at mamahaling bahay nila haina.

"Mom, dad we're home" pagsigaw Nya, habang abala ako sa pagtingin sa kabuuan ng bahay nila.

Nang napansin ko ang painting na nakasabit sa wall nila ay alam ko na agad ang presyo dito. Sigurado akong umabot ang painting na ito sa halagang isang milyong piso, ang drawing sa painting ay kwintas na may batong kulay pula.
Kung tunay ito hindi lang Milyon ang halaga kundi bilyon bilyon.

Lalapitan ko na sana ang painting ng tinawag ako ni haina.

"Hey, Tina, come here, andito yung parents ko" sigaw nya mula sa kusina.

Imbis na sumagot ako ay ma's pinili ko na lamang lumapit sakanya kaysa pagmasdan ang napakagandang painting.

Nang makarating ako sa kina roroonan ni haina ay bumungad sakin ang magulang nya.

"Hello po, magandang umaga po" pagbati ko.

"She said good morning" itrinanslate pa talaga ni haina Ahh. Sabagay French kasi ang mother ni haina samantalang ang daddy nya ay Filipino.

"Its nice to see you tina." Ngting sabi sakin ng mommy ni haina.

"Parang may kamuka ka, kamuka mo si Allison" sinong Allison ang tinutukoy ng daddy ni haina?

"Ammm, Tina, yung tinutukoy ni daddy na Allison ay ninang ko.
Sya din at ang pamilya ni ninang ay ang dating nag mamay-ari ng painting na kanina mo pang pinagmamasdan, later ikwekwento ko sayo, but now magpalit ka sa kwarto ko ng damit mo, yung mga ibinigay ko sayong damit yun ang isusuot mo, ok?" Mahabang sabi ni haina.

"A~ haina, hindi ko kasi alam yung kwarto mo eh. Kung ayos lang pwede mo ba akong samahan? Hindi kasi ako sanay sa malalaking bahay." Mahina Kong sabi.

"Ok, let's go?" Nakangiti sya.

"Oo." Nakangiti rin ako.

"Mom, dad, magpapalit lang po kami." Nginitia nya rin ang magulang nya.

Napaka sweet ni haina. Lagi lang syang nakangiti sa mga kausap nya.......

Ng makarating at nakapasok na kami sa kwarto ni haina.
Halos mapanganga ako sa lawak at ganda ng kwarto nya..

"Mag isa mo dito?" Tuwa Kong tanong.

"Of course" nakangiti sya.

"Grabe, ang yaman mo talaga, Sana ganito rin kami balang araw" nakangiti rin ako.

"Pwede ka naman' matulog dito kahit kelan mo gusto" seryoso ba si haina?

"Seryoso ka?" Di ko siguradong tanong.

"Oo naman, kaibigan mo ako. Kaya kung ano man' meron sakin kaya Kong i-share sayo, basta kaya ko" mukang seryoso sya.

Bago pa ako lumuha sa first best friend ko niyakap ko na sya at nagpasalamat.

"Thank you haina, Sana ganito lahat ng tao" mahigpit ang yakap ko sakanya.

"Your welcome Bessy, ikaw lang ang kaibigan ko, I promise" niyakap nya rin ako.

Bago pa kami mag iyakan ay una na akong Kumalas ng yakap sakanya. Ayaw ko ng drama gusto ko happy lang.

"Bago ang lahat magpalit ka na, hintayin kita sa baba. Bilisan mo ha." Tinapik nya muna ako sa bisig ko bago sya lumabas ng kwarto..

Habang ako ay binilisan ko nang isuot ang mga binili nyang damit, lahat ito ay parang tela ng leggings. Maliban sa rubber shoes.....
Bakit kailangan pa puro black ang binili nya, marami namang ibang kulay.

Tss, Tina wag mo na ngang kwestyunin. Ikaw na nga binigyan ehh -sabi ko sa isip ko.

Matapos akong nagpalit ay agad akong lumabas ng kwarto at dali-daling bumaba.

"O~ Tina tapos ka na pala. Tara na?" Nakapalit din sya ng sports bra at short.

Makapagsabi ng hindi pwede ang short, pero sya naman ang naka short..

"Sige"

Hinila nya ako sa isang kwartong sekreto at bumungad sakin ang mga baril, espada, pana,dart punching bag, boxing gloves, at boxing ring..

--
Don't forget to VOTE and COMMENT

-Shanna Kyut❤

I'M BACK FOR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon