Chapter 40

1.2K 35 0
                                    


Chapter 40:

"Bella" Bungad saakin ni Haina pagka-pasok ko sa kuwarto namin.

"Hmm?" Tanging nasabi ko.

Dumeretso ako ng cr at agad naman siyang sumunod saakin.

Kinuha ko ang Toothbrush ko at nilagyan ito ng toothpaste.

It's already Midnight. Sunday morning na ngayon, pero gising padin kaming dalawa dahil plinano namin nila kuya ang lahat ng pwede naming gawin para sa birthday party.

Pagkatapos kong basahin nang kaunti ang toothbrush ko na may toothpaste ay ipinang linis ko agad ito saaking ngipin.

"May gusto lang sana akong itanong" saad ni Haina kaya agad akong napa-angat nang tingin sa salaming nasa harapan namin at tinignan ko ang repleksyon niya... nasa bandang likod ko siya.

"Ano yun" tanong ko dito at tuloy padin sa pag to-toothbrush.

"Christina, i want you to tell me the truth" sabi nito kaya napatigil ako sa pag to-tooth brush. At hinayaan ang toothbrush sa loob ng bunganga ko.

"Anong gusto mong malaman" tanong ko dito... nagkatitigan naman kami ng mata sa mata sa salamin.

"May iba na bang nagugustuhan si Jasper?" Tanong nito na ikina bigla ko.

"B-Bakit mo natanong?" Nauutal na tanong ko dito.

"Kase, you know. Medyo cold siya saakin ngayon, hindi siya yung katulad na Jasper na nakasama ko noon" sabi nito habang titig na titig saakin.

Nag-iwas ako nang tingin sakanya bago itinuloy ang pag to-toothbrush. "B-Baka nagulat lang sa pagbabalik mo" tanging nasabi ko.

Tumango-tango siya saka ngumiti saakin. "Okay.... Ehh ikaw Tina? May ipinalit ka na ba kay Hance?" Tanong nito dahilan upang humarap na ako sakanya.

"H-Huh?"

"Ang sabi ko, napalitan na ba si Hance, dyan sa puso mo tanong nito saka nag pout ulit.

Tumang ako "Oo naman... madali lang naman siyang kalimutan" pilit na ngiti na sabi ko.

Muli akong humarap sa Salamin at nag mumog.. pagkatapos kong mag toothbrush ay agad kong pinunasan ang bibig ko gamit ang tuwalyang naka sampay sa tabi ng salamin.

Lumabas ako nang cr at dumeretso sa Higaan namin ni Haina... Lumapit siya saakin saka tumabi.

"Sino?" Muling tanong ni Haina..

Tinignan ko siya at pinag kunotan ng noo. "Sino?" Patanong din na sabi ko.

"Yung ipinalit mo kay Hance" Sabi nito saka hinawakan ang kamay ko. "Si Jasper ba?" Dugtong na tanong nito na ikina gulat ko.

"H-Haina?" Nalilitong sabi ko.

Ngumiti saakin si Haina at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Come on. Tell me the truth, gusto mo ba siya? Promise hindi ako magagalit" naka-ngiti pading sabi nito ngunit tipid na. "You like him, do you?"

Umiling ako... "Hindi"

"You like him, tina"

"Haina, hindi."

"Tell me, please. You like him"

"Hindi nga"

"You like him"

"Hind---"

"You like him, tina. Don't deny it"

"Hindi ko siya gusto"

"Please, tell me the tr---"

"Haina, hindi ko siya gusto kase mahal ko siya" Sabi ko dito at sinabayan iyong ng pagtulo ng luha ko. "H-Haina... I-Im sorr---"

I'M BACK FOR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon