Chapter 15

1.5K 44 0
                                    


Chapter 15

"Nay, Tay" sigaw-sigaw ko habang palapit sa bahay naming uti-unti nang nagiging piraso.

Maging ang hawak Kong baril ay nabitawan ko na sa panginginig ng kamay ko.

Pinakalma ko ng kaunti ang sarili ko saka pumasok sa bahay naming nilalamon na ng apoy.

"Nay, tay" sigaw ko pa rin.

"Nay, tay----" natigilan ako ng makita si tatay na nakahandusay sa pintuan papasok ng kusina.

"Tay!!" Umiiyak Kong sambit saka lumuhod sa harap ng nakahandusay Kong ama.

"C-Chris t-tina" umuubo-ubong sambit ni tatay.

"Tay,,, buhay ka.... Asan si nanay? Sino may gawa sainyo nito"

Sino pa nga ba. Edi ang mga hayop na sila ditzy maging ang pamilya nila... Mga hayop kayo.... PAGBABAYARIN ko kayo.

"A-anak tumakas na kayo ng nanay mo" bahagya pang may itinuro si tatay sa direksyon kung saan ang kinaroroonan ni nanay na walang Malay. "Umalis na kayo, itakas mo ang nanay mo. Wag mo itong ipagsasabi sa kuya mo.... Iligtas mo ang sarili mo Christina... Kailangan mo pang mabuhay. May dapat ka pang matuklasan sa mundong ito" sabay hawak ni tatay sa pisngi Kong punong-puno ng luha....

"Ano pa ang matutuklasan ko tay?"

"Tungkol sa iyong mga tunay----" hindi na ituloy ni tatay ang sasabihin Nya ng umubo ito ng Dugo.

"Tay, itatakas ko kayong pareho ni nanay dito sa impyernong ito.... Sabay sabay tayong mabubuhay"

Panandalian Kong iniwan si tatay saka pumunta sa direksyon ni nanay.

"Nay, gumising ka. Tatakas tayo" sigaw ko sa walang Malay Kong Ina.

"Nay!!"

"Nay, parang awa nyo na gumising kayo. Wag nyo akong iiwan" lumuluha Kong sabi.

"Nay!!!!" At sa pagkakataong ito. Ay nagising si nanay.

"Christina, anak" sabi ni nanay habang inaalalayan Kong tumayo..

"Nay umalis na tayo rito. Masyado nang delikado dito" naluluha ko paring sambit.

"Sandali ang tatay mo" nilapitan ni nanay si tatay. "Paeng, bumangon ka dyan. At tatakas tayo." Mangiyak ngiyak na sambit ni nanay.

"Patawad Oweng. Pero hindi na ako mag tatagal.. Umalis na kayo habang hindi pa dumadating ang ibang tauhan ng mga Villaroman, Mangako ka sakin na sasabihin mo ang lahat ng totoo kay Christina, mahal na mah----"

*Bang*

Napasigaw kami ni nanay ng may narinig kaming putok ng baril.

At kung Hindi ako nagkakamali, si tatay ang natamaan.

"Paeng!!!!!" Hagul-gol ni nanay sa harap ng walang buhay kung ama...

Imbis ba maki-iyak din ako ay may naramdanan akong hindi pamilyar na presensya mula sa likod ko..

Isang armadong lalakeng may hawak ng baril na nakatutok Kay nanay.

Agad Kong inabot ang kutsilyong nasa gilid ko lamang saka ibinato ito sa lalaki.... Nang bumaon ang kutsilyo sa puso Nya ay agad Kong tinakbo si nanay. Saka hinila palabas ng umaapoy na bahay.

"Anak, Bakit tayo umalis do'n? Bumalik tayo sa loob.... Kailangan tayo ng tatay mo" umiiyak na sabi ni nanay.

"Nay, wala na si tatay. At kung babalik tayo sa loob siguradong Patay rin tayo nay" Naramdaman Kong tumulo na naman ang mga luha ko.

"Hindi babalik tayo sa loob"

nang papasok muli si nanay ay biglang sumabog ang bahay.
Dahil don ay napadapa kami ng wala sa sarili.

Agad Kong pinulot ang baril na nabitawan ko lang kanina saka. Itinayo si nanay saka kami tumakbo palayo at pumasok sa masukal na kagubatan.

"Anak, pano ang tatay mo?" Umiiyak parin na sabi ni nanay.

"Wala na si tatay, nay"

"Pero hindi dapat  Natin sya pinabayaan doon, halika bumalik tayo"

"Nay, ano ba. Kung babalik tayo don. Maaabutan tayo ng mga armadong lalake doon pati tayo mamatay"

"Christina, alam Kong nandyaan ka... Lumabas ka na kung ayaw mong pati yang nanay mo isunod ko." Boses ni Ditzy

"Nay, si ditzy ho 'yon. Papatayin Nya tayo." Bulong ko Kay nanay. "Dito nay. Mag tago tayo." Pumunta kami sa likod ng malapad na puno.

"anak patawad kung nadadamay ka sa kasalanan namin, kung hindi kami umutang sa sa villaroman ng halagang hindi namin kayang bayadan Sana ay masaya parin ang pamilya Natin"

"Nay, wala po kayong kasalanan ni tatay... Kaya lang naman po kayo umutang para makakain tayo 'di ba?. Do'n palang nay, naramdaman ko yung pagmamahal niyo sakin ni tatay kahit hindi niyo ako tunay na anak"

Halatang Nagulat si nanay sa mga huli Kong sinabi...

"Pano mo nalaman?"

"Lagi ko ho napapaginipan na hindi niyo ako tunay na anak, narinig ko na rin po mismo sainyo ni tatay na ampon lang ako" maluha-luha kong sambit "ngayon nay,,, sabihin mo sakin kung sino ang tunay Kong magulang, parang awa niyo na nay... Wag na kayong magsinungaling"

"Anak Patawa---" hindi ko pina tapos ang sasabihin ni nanay..

"Nay, Please!!!" Nasigawan ko na siya.

"Si Allison at Edward Silvania" walang emosyon na sambit ni nanay.

Habang ako ay gulat na gulat sa pangyayari. Hindi ako maaring magkamali...

"Ang Tita ni haina??? Ang Tita ng kaibigan ko???"

"Oo"

"Kaya pala gusto nyong palayuin ako Kay haina? Ano nay? Para hindi ko malaman ang totoo? Sobrang unfair nay... Kung hindi siguro nangyayare 'tong trahedya na to hindi niyo na sasabihin ang totoo? Nay kung hindi ako naniwala sa mga panaginip ko, kailan niyo balak sabihin sakin ang totoo?" Wala nang tigil sa pagbuhos ng luha ko..

"Patawarin mo ako nak,,, patawarin mo kami ng tatay mo... Patawad anak" mukang nakikita ko ang pagsisisi sa muka ni nanay kahit sa ibang direksyon ito nakatingin..

Kahit na malaki ang kasalanan nila nanay ay niyakap ko pa rin Siya...

"Sorry din nay, sorry kung nasigawan kita"

"Hindi ka dapat nag so-sorry anak, ako ang dapat mag sorry, kami ng tatay mo"

"So sweet naman" Boses ni ditzy.

"Ditzy?" Gulat na sabi ko... Kay ditzy... Sinong hindi magugulat may hawak lang naman syang baril eh...

"Oh, Bakit parang gulat na gulat ka ata Christina?" Nakangising sabi ni ditzy.

"Bitawan mo yan ditzy!" Kinakabahan Kong sambit..

Pero sa isang iglap lang ay nakita Kong nakatumba si ditzy at patuloy parin siyang nakikipag agawan ng baril kay......

Nanay???...

--
Don't forget to VOTE and COMMENT

~Shanna kyut💝

I'M BACK FOR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon