Chapter 44

1.1K 35 1
                                    


Chapter 44:

"Juice, oh" sabi nung Gina saka inilapag ang isang pitsel at mga baso na naka lagay sa tray dito sa center table... andito na kami sa loob ng bahay nila kuya.

"Salamat" pasasalamat ni kuya doon sa girlfriend niya.

Irap naman ang isinagot ni Gina sa sinabi ni kuya, saka umalis sa harapan namin.

"I don't like her for you, kuya" maarteng sabi ni haina kay kuya Christian.

"Pag pasensyahan niyo na siya, ganyan talaga yan" ngiting sabi naman ni kuya saka ako inakbayan. "Kumusta ka na? Kumusta maka sama ang tunay mong pamilya?" Matamis na ngiti nito.

Ngumiti din ako sakanya pabalik at ipinulupot ang kanang kamay ko sa bewang niya. "Okay na okay, kuya. I'm glad nakasama ko na yung tunay kong magulang"

"Sigurado ako, masaya sila nanay at tatay, para sayo" malungkot na ngumiti ulit saakin si kuya... bigla naman akong naawa sakanya.

Namatayan din ako, kase itinuring kong totoong magulang sila nanay. Pero mas maswerte padin ako kay kuya kase may totoo pa akong magulang na nakakasama ko ngayon, samantalang si kuya, walang natira sakanya.

Nakaramdam naman ako nang galit nang maalala kung paano patayin ng mga Villaroman sila Nanay... at sapat na sapat na dahilan yun upang maghiganti ako.

"Kuya... bakit alam mo pala na, kakambal ko si Haina" tanong ko dito.

Nagbuntong hininga naman si kuya bago nag salita. "Simula nung nawala ka, at nabalitaan ko kung ano ang nangyari sainyo nila nanay, ay umuwi ako dito sa probinsya... hinanap kita, pero bago pa kita mahanap nag pakita na saakin si Haina... sinabi niyang nasa puder ka nang tunay mong pamilya, kaya agad kong naisip sila ma'am allison. Pupuntahan na sana kita sa mga Silvania nang sinabi saakin ni Haina na nawala ang mga ala-ala mo. At nung tinanong ko siya kung sino siya..." sabi ni kuya saka tumingin kay haina na nakikinig din sa kuwento ni Kuya "Sinabi niyang siya si Isabelle Silvania. Ang kakambal mo" pag papaliwanag nito.

Ibig sabihin nung mga panahon na nawawala ang mga alaala ko ay doon naman nalaman ni kuya.

"Sinabi saakin ni Haina na nasa maganda kang kalagayan, naniwala naman ako dahil alam kong hindi ka papabayaan ng mga Silvania. Kaya inasikaso ko nalang ang burol ni nanay... samantalang yung katawan ni tatay ay kinain na ng sunog" agad akong napa kuyom nang marinig ang sinabi niya. "Nang matapos ang burol ni nanay ay bumalik ako nang manila at para ipag patuloy ang pagiging call center agent ko, wala naman na kayo nila nanay saakin kaya lahat ng kinikita ko ay inipon ko para mabili ang bahay na ito" iginala ni kuya ang mata sa loob ng bahay niya kaya ginawa ko din iyon... sementafo naman ang bahay pero walang pintura, kakaunti lang din ang mga gamit... "Sa pag c-call center agent ko din nakilala si Gina" kuwento nito habang naka ngiti.

"Dito na din ba nakatira yung Jowa mo?" Tanong naman ni Haina.

"Oo, dito ko na din siya pinatira. Wala na din kasi siyang pamilya" bigla naman akong naawa doon sa Gina.

"Ikaw ba ang bumubuhay sakanya?" Tanong ulit ni Haina.

Kumunot naman ang noo ni kuya at saka dahan dahang tumago. "Okay" tanging nasabi ni Haina saka uminom doon sa Juice.

Mukhang naging close din naman sila nung wala ako.

Napatingin naman ako kanila kuya Armando na naka upo din sa kahoy na upuan habang umiinom ng juice.... naalala ko, di ko pa pala sila naipapakilala kay kuya... "Ahmm, Kuya... Si kuya Armando nga po pala, si Clarrise, at Si Carlox... Rangko po ng ahensiya" pag papakilala ko sa tatlo saka sila itinuro isa-isa.

I'M BACK FOR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon