Chapter 41

1.1K 33 0
                                    


Chapter 41:

"Ang gaganda ng mga anak mo, Allison. Halatang mga Silvania" natutuwang sambit ni Mama tessie na baklang fashion designer na kaibigan ni Mommy. "Alam mo, sayang yung dati mong mukha, Isabelle. Sayang magka mukhang magka-mukha sana kayo ngayon ni Isabella. O 'tamo napaka gandang bata" dugtong pa nito.

"Okay na po ako sa mukha ko ngayon, Mama tessie" sambit naman ni Haina.

"Sabagay maganda ka pa din, kahit nag iba na yang mukha mo" naka-ngiting sabi ni Mama tessie.

Andito kami ngayon sa shop ni mama tessie ng mga eleganteng mga long gown. Kakatapos lang kaming kuhanan ng sukat ng katawan para makapag-tahi na daw sila mamaya.

"Kelan nga pala ang Birthday niyo? Ng maka bili na ako ng regalo" tanong ni Mama tessie.

"Sa next tuesday po" ako ang sumagot.

"Mas better kung mag dadala ka ng bullet proof" saad ni Haina na agad sinaway ni Mommy.

"Haina" Bulong ko dito, nananaway.

"Oh, haha. I'm just kidding" tatawa-tawang sabi ni Haina.

"Don't mind Isabelle... Basta you are invited, so i expecting you to come" sabi ni mommy.

"Yeah, sure. I will" naka-ngiting saad naman ni mama tessie.

"So, pano ba yan? We need to go, madami pa kaming gagawin. May imi-meet pa akong organizer ng party." Sabi ni Mommy saka tumayo sa pag kaka-upo sa sofa. Ganon din ang ginawa namin ni Haina

"Okay, okay. Maybe sa Sunday ko nalang din ipapa deliver ang mga gown niyo. Ingat kayo" Sabi pa ni mama tessie saka bumeso kay mommy.

"Yes, we will" sagot naman ni mommy bago kami lumabas ng shop.

Paglabas namin ng shop ay dumeretso kami sa parking lot kung saan naghihintay saamin si Kuya Armando na naging driver namin ngayon.

Agad niya kaming pinag buksan ng kotse ng makita kaming papalapit sakanya. Sumakay si Haina sa Passenger seat samantalang kami ni mommy ay sa back seat.

"Sa Agency muna tayo, hatid muna natin ang mga bata" utos ni mommy.

"Sige po, ma'am" sagot naman ni kuya Armando.

Habang nasa biyahe kami ay naramdaman kong ipunulupot ni mommy ang braso niya sa braso ko. "May sumusunod saatin" bulong niya sa tenga ko. Agad akong naging alerto sa sinabi ni Mommy.

Lumingon ako sa likod at nakita ko ang itim na kotseng naka-buntot saamin. "Kuya Armando, Pumunta tayo sa walang tao, may sumusunod saatin" agad na naalerto si Haina at Kuya Armando, tumingin pa si Haina sa likod upang kumpirmahin ang sinabi ko.

"Oh f*ck" bulong na mura ni Haina.... napa mura na din si kuya armando bago iniliko anh kotse sa daan kung saan walang mga tao.

"Tatawagan ko si daddy, hihingi ako nang back up" presinta ni haina saka inilabas ang cellphone.

Agad akong dumungaw kay kuya armando'ng nasa driver seat, mula dito sa back seat. "Kuya, may dala kang baril?" Tanong ko dito.

"Meron, lieutenant" sabi nito saka kinuha ang Caliber 48 na nasa dashboard at ini-abot saakin ito.

"Mag drive ka lang kuya, ako na bahala" sabi ko at chineck ang magazine ng baril at puno naman ito ng bala.

Napatingin ako kay haina na may kausap sa phone... si daddy yung kausap niya.

"M-Marunong ka ba niyan? Anak?" Kinakabahan at nag-aalalang tanong ni mommy nang makitang hawak ko ang baril.

Hinawakan ko ang kamay ni mommy saka ito nginitian... "Wag po kayong mag-aalala... marunong po ako nito" sabi ko saka tumingin kay haina sa passenger seat.

I'M BACK FOR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon