Chapter 39

1.1K 41 1
                                    


Chapter 39:

"H-Haina..." Hagulhol ko.

Hindi siya sumagot bagkus ay ngumiti lang saakin ito, kita ko din ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.

"Haina" muling sambit ko saka siya nilapitan at niyakap ng mahigpit. Niyakap niya din ako pabalik at unti-unti kong naramdaman ang panginginig ng balikat niya.

"T-Tina namiss kita" bulong ni Haina saakin...

"Sobrang na miss din kita, haina" bulong ko pabalik sakanya bago kumawala sa yakap niya.

"Buti bumalik din agad ang ala-ala mo" Naka-ngiting sabi nito. Tinanguan ko na lang siya sa pagkat hindi ako makasagot dahil sa hikbi.

"H-Haina... k-kambal" mahinang sabi ko.

"Alam mo na" saad nito. Hindi yun patanong dahil mukha iyong kompirmasyon.

Muli akong tumango, sinusubukang punasaan ang mga luhang patuloy padin sa pagtulo. "Bakit di mo sinabi saakin?"

"Sorry, baka kasi mapahamak ka kapag sinabi ko sayo agad ang katotohanan" sabi nito saka niya pinunasan ang mga luha ko.

"Kaya pala ang bait bait mo saakin, kaya pala lagi mo akong pinag-tatanggol" muli akong humikbi ng sinabi kong iyon.

"Dahil kapatid kita, dahil kakambal kita" muli nitong sabi kaya muli ko itong niyakap.

"Jasper" muling bulong ni haina kaya natigilan ako. Humiwalay ako sa pagkayakap sakanya at kita kong nakatitig na si haina kay jasper.

Lumingon ako kay jasper at kita ko din ang titig niya kay Haina.

"B-Belle?" Tawag ni Jasper... isang salita pero parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko.

Alam ko naman na wala akong karapatan masaktan, kase una palang. Sila naman talaga eh, ako lang yung sumingit, ako lang yung nagpipilit sa isang bagay na hindi naman puwede...

Pero nasasaktan ako... kase, mahal ko na siya, e.

"Ako nga" sagot naman ni Haina kay Jasper, bago lumapit dito at niyakap siya.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Ayokong tignan, ayokong masaktan.

Nagsimula nanaman tumulo ang mga luha ko nang may biglang yumakapa saakin.

"Shhh" ani kuya raphael, na siyang yumakap pala saakin. Mas lalo akong napa hikbi sa ginawa niya kaya yumakap din ako pabalil. "Alam kong nasasaktan ka" bulong pa ni kuya.

"A-Ang saya ko nga k-kuya, e. Nagkita na ulit kami ni h-haina. Nagkita n-na ulit sila ni J-Jasper" nahihirapang sabi.

Totoo naman na masaya ako. Sinong mag-aakala na yung Kaibigan ko ay yung kakambal ko? Masaya din ako para sakanila ni Jasper. Kahit na parang dinudurog ang puso ko.

Humiwalay si kuya saakin sa pagkakayakap saka hinalikan ang noo ko. "Hindi mo maitatago saakin ang tunay na nararamdaman mo, bella. Kapatid kita kaya kilala kita" sabi nito saka ako inakbayan, nginitian ako nito kaya pinilit kong gumanti ng ngiti.

"Bella" rinig kong tawag saakin ni mommy kaya lumingon ako sakanya na nasa tabi ko na pala.  Nginitian ako ni mommy saka hinalikan din ang noo ko "Alam kong masaya ka na nagkita ulit kayo ni Haina, ng kakambal mo. Pero alam kong nalulungkot ka, Dahil sakanya" ani pa nito.

"Mommy---"

"Shhh. Hindi mo maitatago saakin ang nararamdaman mo, alam ko anak, alam ko. Mahal mo siya" sabi pa nito.

Magsasalita pa sana ako ng sumingit si Haina. "Christina" tawag sàkin nito kaya agad naman akong lumingon sakanya.

Lumapit siya saakin kasama si Jasper, magka holding hands sila

I'M BACK FOR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon