EPILOGUE

1.8K 56 11
                                    


Ito na po ang Epilogue... Yes po, Wakas, Ending kenemi kenemi. HAHA. Maraming salamat po sa suporta niyo, kahit konti lang yung mga nagbasa at naka-appreciate ng story na ito is sobra po akong natuwa...

Pasensya na din po sa mga kajeje-han ng story na ito tas yung pagiging cheesy ni Jasper kay Bella. Pasensya na hahahaha. 13 or 14 years old lang po kasi ako nung sinimulan kong isulat ito. Nakalimutan ko na po yung exact date nung sinulat ko 'to pero kung hindi ako nagkakamali ay December 2018 po nag simula ang kuwento ni Christina/Isabella, so expect niyo na po talaga yung mga kajeje-han lalo na doon sa umpisa. At ngayon ay 2020 na salamat sa sarili ko dahil natapos ko na ito, hahahah.

So ayon, andami ko nang pinagsasasabi, tatahimik na ako at enjoy niyo na ang huling kabanata ng kuwento ni Isabella.

Love a lots, muah♡

.

.

.

.

--This Chapter is Dedicated to Shan Cai

Epilogue:

Limang taon....

Limang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang lahat.

At ngayon, andito nanaman ako, nagbabalik upang bisitahin sila Kuya Christian at Nanay.

Nag buntong hininga muna ako bago ako pumasok sa loob ng gate ng sementeryo dito sa probinsya.

"Magandang umaga, ma'am" Bati saakin ni manong guard... kilala na niya ako dahil isang beses sa isang linggo akong bumisita dito.

"Magandang umaga din, po" ngiting bati ko din...

Nang nakapag paalam ako kay manong guard ay pumasok ako sa loob ng sementeryo at dumeretso sa puntod ni kuya at nanay.

Nang makarating ako sa tapat nila ay agad akong lumuhod upang ilagay ang isang Bulaklak na naka basket sa pagitan ng lapida nila.

Muli akong tumayo pagkatapos non ay tinignan ko ang lapida ni Nanay.

Carlita 'Oweng' Lopez
Born: April 21, 1969
Died: July 2, 2018

"Nay? Kamusta po kayo diyan ni tatay?" Parang tangang tanong ko kahit alam ko namang walang sasagot...

Si nanay at kuya lang ang nailibing dahil hindi na namin nahanap ang katawan ni Tatay... siguro nga nasunog na.

"Sana masaya kayo" ngiting sabi ko saka ko ibinaling ang tingin sa lapida ni Kuya Christian.

Christian Lopez
Born: March 7, 1995
Died: September 14, 2018

"Masaya ka din ba? Kuya? K-Kasama mo na sila n-nanay" sambit ko dito at unti-unti nanamang nangilid ang luha ko. "Limang taon na ang nakalalipas, kuya. Limang taon ang nakalipas simula ang nangyari ang l-lahat... ang pagkamatay nila nanay, ang pagkawala ko, ang pagkawala nang alaala ko, ang p-pagkamatay mo" sabi ko at nag simula na akong humikbi.

Tanggap ko na ang pagkamatay ni nanay at tatay... pero yung kay kuya? Hindi ko magawa. Idagdag pa yung dahilan na ako ang may kasalanan kung bakit siya namatay.

Kung sana lang hindi niya ako iniligtas.

Kung sana lang...

Sa limang taong nakalipas wala akong ibang ginawa kundi ang sisihin si ditzy at ang sarili ko. Nakakainis lang, na naipaghiganti ko si nanay, tatay, at ang iba pa nilang pinatay.. pero ang naging kapalit naman non, ay ang pagkamatay ni kuya.

Today is September 14, 2023.

24th Birthday ko, at the same time 5th year death anniversary ni Kuya Christian.

I'M BACK FOR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon