Chapter 37

1.1K 45 5
                                    


Chapter 37:

'Ooohh' rinig kong bulong ng mga nanunuod nang makitang sinuntok ko si Viko sa panga dahilan para mapa-upo siya.

Tumayo si Viko sa kina-uupuan niya habang pinupunasan ang kaunting dugo mula sa sugat niya sa labi at tumingin saakin nang seryoso.

"Magaling Lieutenant, ngayon ako naman" sabi nito saka muling sumugod saakin.

Umamba siyang tatadyakan ako sa mukha kaya agad akong yumuko at tumalon nang bumaba siya upang sipain ang paa ko.

Kita ko ang pag-kunot ng noo niya dahil naka-iwas ako sa tangkang pag sisipa niya saakin. Ngunit hindi nag tagal ay ngumisi ito at muling sumugod saakin. Kita ko sa ere ang pag-amba niya ng suntok saakin kaya pinigilan ko ito gamit ang isang kamay ko, ngunit hindi siya nag papigil at iniamba muli ang isa niya pang kamay saakin at dali-dali ko din agad itong sinangga. Ngunit mas naging agresibo siya. Pina-ikot niya ang kamay ko kaya nabitawan ko siya. Tatadyakan ko sana siya ngunit naunahan niya akong tadyakan sa tiyan dahilan upang mapa atras ako, at hindi siya nakuntento doon dahil sinampal niya ako sa kaliwa kong pisngi gamit ang likod ng palad niya.

Napaharap ako sa kanang bahagi dahil sa ginawa niya. Natigilan din ang mga nanunuod saamin kasama ang mga ranko dahil sa ginawa ni Viko saakin.

Dahan-Dahan kong ini-angat ang kaliwa kong kamay sa pisngi ko, bigla akong nanginig nang sumagi sa isip ko ang lahat ng pananakit ni klea at ditzy saakin.. ang pananampal nila saakin na parang hindi ako nasasaktan. Mas lalo pa akong nanginig nang makita sa imahinasyon ko ang mga mukha nilang nakangisi...

Nag-angat ako ng tingin kay Viko habang mamasamasa ang mga mata ko at kumikibot-kibot pa ang labi dahil sa panginginig.

Ibinaba ko ang kamay kong nakahawak sa pisngi ko kanina saka nag buntong-hininga.

Pinagkatitigan ko si Viko nang walang emosyon, kita ko ang takot sa mga mata niya.

May takot pala na colonel general.

"Sugod" walang emosyong sabi ko.

Nagkunot ang noo ni Viko na tila hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Sugod" ulit ko dito.

"L-Lieutena---"

"Ang sabi ko, sumugod ka" Mariin na sabi ko dito.

Lumunok pa siya nang ilang ulit na para bang ayaw sundin ang utos ko.

"Viko, sugod" sabi ni daddy na may halong pagbabanta sa boses.

Nag buntong hininga si Viko bago sumugod saakin... binasa ko ang galaw niya habang papalapit siya. Nang nakalapit siya saakin ay muli niya itinaas ang kanan niya kamao na itatama niya sa mukha ko, ngunit bago pa ito dumapo sa mukha ko ay agad ko na itong iniwasan.... muli din naman niyang itinangka saakin ang kaliwa niyang kamao kaya yumuko at lumipat ako sa likod niya...

Napalingon siya saakin at tinangka niya muling tadyakan ang tiyan ko pero sinangga ko ito gamit din ang binti ko, umikot ako at muling yumuko nang makitang susuntukin niya ako. Agad din akong nag angat ng ulo at sinampal din siya gamit ang likod ng palad ko. Napa-atras siya don at hindi pa ako nakuntento, muli kong sinuntok ang mukha niya at muntik na siyang matumba dahil don, tatadyakan ko na sana siya ng mahawakan niya ang paa ko kaya wala akong ibang ginawa kundi tumambling ng patalikod dahilan upang mabitawan niya ang paa ko, nang pagkatayo ko ay agad ko siyang sinipa deretso sa mukha at sinundan pa ito ng dalawang sipa kung saan ay sinipa ko ang mukha niya gamit ang kanan kong paa. Sinipa ko siya galing sa kaliwa patungong kanan saka ako umikot pakaliwa at itinaas ko din ang kaliwa kong paa upang masipa siya na galing sa kanan patungong kaliwa...

I'M BACK FOR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon