A/N : guys , for you to know part parin po ito ng mga panahon nila Reyna Vereen
BIHAG
Vereen's POV
......
"mahal na prinsesa saan ba kayo nagsosoot kanina, naku! Kanina pa po kayo hinahanap ng Hari"bulalas agad ni greta sakin ng makapasok ako sa pinto .
Hapon na ngayon at alam kong nag aalala na si ama dahil ngayon lamang ako nawala ng ganon katagal, sasabihin ko nalang na nakatulog kami ni sanyana sa ilog , tama! Iyon nga .
Nag iinsayo ako sa aking ipapalusot kay ama mamaya ng may nag salita sa aking likuran.
"Mahal na prinsesa, alam ko kong saan ka nang galing kanina"
bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi , paano nya nalaman? Sinundan nyaba ako?
Inayos ko muna ang aking tindig bago ko siya hinarap. Si aster!
Yumuko naman siya bilang pag galang. At ngumiti ng napaka lapad .
"Anong ibig mong sabihin Aster?" Ma awtoridad kong tanong sa kanya.
"Kayo'y nang galing sa ilog kasama si prinsesa sanyana at kayo'y nakatulog kaya't hindi nyo namalayan ang oras , tama ba prinsesa?"
Tuloy-tuloy na sabi niya.
alam kong may kakayahan siyang mag basa ng isip tulad ng mga may maharlikang dugo tulad namin ni ama at ina , kong kaya't siya ay naging isang kanang kamay ni ama, siya ay matagal ng pinagkakatiwalaan sa kahariaan lalo na ni Ama, siya ay isa din sa nag babantay sa akin, sa lahat ng aking ginagawa, dahil alam ko na siya din ang aking magiging kanang kamay.
Kilalang-kilala ako ni aster, dahil nasaksihan nya ang aking paglaki, tinuturin ko din siyang pangalawang Ama, wala siyang pamilya kong kayat binubuhos niya sa kaharian ang kanyang oras at buhay.
"Huwag mo akong isumbong aster, parang awa muna"
nakayukong sabi ko sa kanya.
"Alam mo namang ipinagbabawal sa iyo iyon ng iyong Ama, ngunit sinuway mo Vereen"
palapit na sabi niya sakin, sa tanang buhay ko ngayon ko lamang nasaway si ama.
"Alam kong matalik na kaibigan ng iyong Ama ang iyong kaibigan na si Prensisa sanyana,
Pero prinsesa , huwag kang masyadong lumapit pa sa kanya"
Iyan ang paulit-ulit na sinasabi sakin ni aster, na hindi nya naman binibigyang ng dahilan ."Sige na, pumunta kana sa iyong Ama, kanina pa iyon nag aalala, lalo na ang iyong Ina"
tinapik nya ang aking likod at biglang nawala sa hangin.
"Ang gulo talaga kahit kailan ni aster"
bakit niya kaya ako palagu sinasabihan na huwag mag lalapit kay sanyana? Kaibigan ko ito, malabong mangyari iyon. Sa subrang pag iisip ko hindi ko namalayang nasa pinto na pala ako ng silid nila Ama at Ina, bigla naman akong kinabahan. Hindi ko alam kong magsasabi ba ako ng totoo o yung na isip ko nalang na dahilan? Siguro naman hindi ako isumbong ni aster.
Binuksan na ng dalawang kawal ang pinto , at bumungad sakin si Ama na nakatingin ng seryuso, at patakbo namang lumapit si ina sakin.
"Anak! Naku naman saan kaba ng galing?? Hindi mo man lang pina alam sa amin, nag aalala ako sayo "
hindi magka mayaw sa pag yakap si Ina sakin at paghaplos ng aking mukha habang tanaw ko naman sa sariling upuan si Ama na hindi parin umiimik. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko sa titig niya sakin.
Galit si Ama .
YOU ARE READING
Green Eyed Twins
FantasyTayo ay lumaki Sa ating mundong ginagalawan na ang kinagisnan ay ang pagkakaroon ng Normal na pamumuhay. Ngunit Hindi natin alintana na I ibang bahagi ng mundo na ating ginagalawan ay, may mga namumuhay na kakaiba , hindi normal at may kakayahang gu...