Berding Binhi
Vereen POV
Isang linggo na ang nakakalipas,
Ng masaksihan ko ang lahat ng iyon.Hindi ko parin lubos ma isip kong bakit dinala ni sanyana ang taga lupang iyon dito sa amin?
At prisensiya ng Kanyang ama sa lahat ng iyon?
Kinabahan din ako ng naging usap-usapan na May taga kabilang mundong naka Pasok dito.
Naging Bingi-bingihan ako sa balitang iyon.
Natatakot akong malaman ni Amang Hari na kilala ko iyong taga lupa , at ako Mismo ang nag patakas doon.
Mas lalo pa akong nag aalala ngayon dahil sa biglaang pagkakaroon ng sakit Ng Inang Reyna .
Ilang araw nading Balisa ang Hari , dahil sa kalagayan ni Ina.
Natigilan ako sa aking pag-iisip ng muli ko nanamang nasilayan si Haring Sandabi na bumababa sa kanyang Kabayo , at nasa likuran niya ang mga kawal.
Napapadalas nadin ang kanyang pag dalaw dito ,ngunit ni isang pag kakataon ay hindi niya kasama ang prinsesa
Nakaka-pagtataka.
No'oy minsan lamang ito kong dumalaw at kasama ang kanyang anak , na matalik kong kaibigang si Sanyana.
"Paumanhin mahal na prinsesa pina-patawag kayo ng Mahal na Hari"
"Sige , salamat"
--------------
"Vereen , napag isip-isip kong sa susunod na linggo na ang pag tatanghal sayo bilang bagong Reyna"
Napa buga na lamang ako sa Hangin ng marinig ko ang sambit ni ama.
Inaasahan kona ito.
Malala na si Ina.
"Kong kaya ay dapat mo ding magkaroon ng kabiyak sa lalong madaling panahon"
Naka angat ako ng tingin sa kanyang nasabi.
"Ama? Kaya ko namang mag-isa sa pagkakataong ito,hindi ho kailangang Padali--"
"Vereen , kailangan mo ng maasahan , masasandalan ."
"Kong iyan ang iyong Gusto at naayon sa lahat , magpapakasal ako , itatali ko ang aking buhay s iba ngunit hindi ang aking puso"
Sa pagkakataong iyon ay agad kong pinag laho ang aking sarili sa hangin , at napagtanto kong napadpad nanaman ako sa pinto ng lagusan.
Hindi ko alam at biglang napasok sa isip ko Ang Taga lupang iyon , ng marinig kong ipapakasal na ako sa iba.
Gusto kong takasan ang responsibilidad , ngunit may nananaig sa aking isip ang Mga sinabi ng Hari.
Alam kong sa pagkakataong ito ,
Kailangan namin ng makakatuwang.Lalo na at aking nararamdaman na may malaking panganib ang nagbabadya .
Makalipas ang limang buwan...
Mas lalong lumubha ang kalagayan ng Reyna , na naging dahilan upang maging balisa at hindi makapag isip ng tama ang Hari .
Limang buwan na ang nakakaraan ng Koronahan Si Vereen upang hiranging Bagong Reyna kapalit ng kanyang Ina.
At Kasunod noon ay ang kanyang pag iisang dibdib sa kakahirang lang ding Hari ng Erdania na si Haring Filmon .
At sa araw na ito ay nag silang ng kambal na Prinsesa ang Reyna.
Ang kaligayahang kanilang Dinama ay hindi nag tagal ng
Ano't-ano'y biglang nanglusob ang Kaharian ng Savernia!
Sa isang iglap ay nawala lahat !
Ngunit hindi alam ng Kalaban na May dalawang Prinsesa na naka ligtas sa Madugong labanan dala ang Kanilang Hangaring makuha ang Berdeng Binhi.
YOU ARE READING
Green Eyed Twins
FantasyTayo ay lumaki Sa ating mundong ginagalawan na ang kinagisnan ay ang pagkakaroon ng Normal na pamumuhay. Ngunit Hindi natin alintana na I ibang bahagi ng mundo na ating ginagalawan ay, may mga namumuhay na kakaiba , hindi normal at may kakayahang gu...