(Bago mang-yari ang Trahedya)
*Savernia Kingdom and Berdania Kingdom*
Ito ang isang kaharian na dating Kakampi ng Berdania Kingdom, matalik na mag kaibigan noon ang dalawang Hari.
sina Haring Verdin ng Berdania at Haring Sandabi ng Savernia
Hanggang sa mag karoon sila ng anak na parehong Babae ,
Naging mag kaibigan ang dalawang Batang Prinsesa hanggang sa magdalaga ang mga ito.Hanggang napag disisyonan ng kani-kanilang Ama na sila na ang magpatuloy na mangalaga sa kanilang nasasakupan .
Dahil sa nalalapit na kanilang koronasyon , napag pasyahan ng dalawang Hihiranging mga bagong reyna , na bumisita sa Mundo ng mga Tao .
Vereen POV
"Prinsesa Vereen , ano ba? Halikana "
pagpupumilit ni Prinsesa Sanyana , dahil ng makalapit na sila sa Dark forest ay biglang napa dalawang isip si. Vereen .
"Kinakabahan ako Prinsesa Sanyana, pano kong malaman ng mga Tao na hindi tayo katulad nila? , baka anong gawin nila satin at hindi ma tayo makabalik" balisang paliwanag ni Vereen
"Ano kaba, walang makakakilala satin, papalitan lang natin ang ating mga kasuotan tulad ng sa kanila , at tiyak hindi na sila makakahalata "
pagpapaliwanag ni sanyana sa kaibigan.
Bakas sa mukha ni Vereen ang Takot at pag aalinlangan sa kanilang gagawin , ngunit wala na syang nagawa ng hilahin sya si sanyana sa mailaw na lagusan. Hindi niya alam kong ano ang kanilang madadatnan sa lagusan na iyon . Dahil ngayon pa lamang sila makakapasok doon
"Magtiwala ka sakin Vereen"
nakangiting sambit ni, sanyana at pumikit na lamang silang dalawa
"Buksan mo ang iyong mga mata vereen"
rinig kung sambit ni sanyana .
Maalikabok na silid aklatan ang aking nakikita, malawak ito na may isang mahabang lamesa na napapalibutan ng mga upuan na napupuno din ng alikabok.
Mukhang abandonado ang lugar na ito, napatingin ako sa aming pinasukan na lagusan kanina, at ito'y naging isang lumang pinto na napuno din ng alikabok.
"Lalabas tayo doon sa pinto nayon vereen, pero bago yun. Palitan muna natin ang ating kasuootan para hindi tayo mapaghalataan ng iba.",
Bulalas ni sanyana ay tinanguan ko lamang iyon.
"Halika at iibahin ko ang soot mo"
pinitik lamang ni sanyana ang kanyang daliri at biglang nag iba ang aking soot, naging isa itong simpleng damit na kulay berde , naging isang tali sa buhok ang aking Korona . At ganon din ang sa kanya , isa lang ang hindi nag iba sa amin.
Ang aking mata na kulay berde at ang sa kanya naman na kulay dilaw .
Hinila ako ni sanyana sa tapat ng pinto, pinto na kong saan ay makakasalamuha na namin ang mg tao sa unang pag kakataon.
"Sanyana sandali"
natigilan sya sa pag bukas ng pinto ng pigilan ko sya.
"Baka mawala tayo"
"Inaamin ko sayo vereen, pangatlong punta kuna dito sa mundong ito, kaya wag kang mag alala"
nagulat ako sa kanyang sinabi , ang akala ko ay ngayon pa lamang sya makakapunta dito. Tatanungin kuna sana sya ng bigla nyang buksan ang pinto.
Napa tago ako sa kanyang likod ng makita kong maraming tao ang nasa paligid, mga bagay na ngayon kulang nasilayan. Subrang kakaiba ang mga bagay na nandito. Napaka ingay!
"Vereen, ituturo ko sayo ang lahat ng mga nalalaman ko dito sa kanilang mundo , ganyan din ang reaksyon ko noon "
Naglakakad na kami ngayon at sumabay sa mga taong , walang ka alam-alam na naiiba kami sa kanila. Siguro dahil sa mga kasootan namin na katulad ng sa kanila, kaya hindi nila kami napapansin.
"Sinama ako noon dito ng isa sa. Nag aalaga sa akin" pag k-kwento ni sanyana.
"Nahuli nya akong sinusundan ko sya papasoksa dark forest, subrang kaba Nya non dahil baka isumbong ko siya , ngunit nag kasundo kami na , hindi ko siya isusumbong kong isasama nya ako "
napangiti si sanyana habang sinasabi nya ito na para banag natatawa pa.
"Napaka kulit mo talaga sanyana" bulalas ko sa kanya.
"Ano kaba, matagal kuna din kasing alam ang tungkol dito sa Kabilang mundo, nagkataon lang na napansin kong may kahina-hinala siyang ginagawa"
Natatawang sambit niya. Ngunit napa tigil kami sa aming pagtawa at paglalakad ng
Na agaw ng aming pansin ang isang binata na bumaba sa isang sasakyan na apat ang gulong ."Ang sasakyang iyan ay isang kotse" sambit nya ngunit hindi siya sakin nakatingin , kundi doon sa binata na inaayos na ngayon ang soot na damit.
"Ang ganda nyang lalaki vereen"
napalingon ako kay sanyana ng sinabi nya iyon, dahil magkatulad ang aming iniisip.
Nakikita ko sa kanyang mga mata na hindi lang isang pagkamangha ang kanyang nakikita sa lalaki ngunit aking nararamdaman na siya ay nagkagusto sa unang tingin.
Binalik ko ang aking tingin sa lalaki, matipuno, mahaba ang ilong na nagbabalansi sa kanyang magagandang mga mata, mga labi na kasing pula ng rosas, mahahabang pilik mata at isang napaka itim na kulay ng mata. Napalunok ako ng bigla itong ngumiti.
P-parang ang gandang pagmasdan ng ngiting iyon.
"Vereen, gusto kuna ata siya"
napagitla ako sa kanyang sinabi, ako din sanyana parang gusto ko din siya, pero ayokong sabihin sayo, dahil ayokong masira ang ating pag kakaibigan.
Kung kaya't ito na dapat ang aking una't huling pag punta dito, para hindi na kami muling maglandas ,ayokong mahulog sa lalaking ito.
Kaibigan ko si sanyana at gusto kong lumigaya siya . Kahit na kaligayahan ko ang kapalit.
................
A/N : short update hihi.Don't forget to vote and Comment mga Beh .
Heemweh 😘
-shassyJU
YOU ARE READING
Green Eyed Twins
FantasyTayo ay lumaki Sa ating mundong ginagalawan na ang kinagisnan ay ang pagkakaroon ng Normal na pamumuhay. Ngunit Hindi natin alintana na I ibang bahagi ng mundo na ating ginagalawan ay, may mga namumuhay na kakaiba , hindi normal at may kakayahang gu...