Chapter 2

57 4 0
                                    

Third Person Pov

Lahat ay abala sa kanya kanyang paghahanda para sa nalalapit piesta, Piesta na kung saan hindi lamang pagdiriwang, kundi magaganap ang isa sa mga hinihintay ng mga nilalang. Ang Grand tournament kung saan magaganap ang tagisan ng kapangyarihan.

Sa kabilang banda isang grupo ang siyang pinaka sikat at pinaka malakas sa lahat.

Walang kang ibang maririnig kundi puro hiyawan at tiliian lamang.

"Kyaaaaaa!!! Ang gwapo talaga niya. O my gosh besh!! hihimatayin na ata ako" arte ng babae sa gilid na tila ba matutumba sa kinaroroonan

"Akin lang siya besh"pagtutol naman ng kasama nito

"Pre ang ganda talaga nila"

"Ligawan mo na pre"

"Lol ikaw nalang pre" habang nag tutulakan

Ilan lamang yan sa mga maririnig mo. Kapag ang grupo nila ang dumadating.

Meet the Disciple.


ALICE POV

Malapit na pala ang piesta. Habang patuloy parin ako sa paghahalo ng mga ingredients para sa paggawa ng potion para sa nalalapit piesta sigurado akong dudumugin nila ito dahil isa sa mga sikat na paninda namin ay ang love potion. Sino banamang hindi diba. Pero ako ayokong gumagamit ng potion kahit na gawa ko pa yan. Tsaka kaya ko namang i heal ang lahat ng klase ng sakit.

(Author: Hangin)

Maya maya'y may  sigawan akong narinig mula sa labas. Out of curiosity ay sinilip ko naman ito sa bintana.

Nakita ko ang isang grupo na pinag kakaguluhan at dinudumog ng mga tao. nakita ko naman ang paglalakad ng mga ito at naghawi naman ang mga tao na tila ba gumawa ng daan para makadaan ang mga ito.

"Ahh. Manong sino po sila?" Tanong ko sa lalaking nakatambay dito sa loob ng tindahan habang tumitingin ng mga paninda ko. nakasuot ito ng robe na kulay kayumanggi na tila ba galing sa pangangaso. dahil pansin ko rin ang dalawang malalaking palakol na naka sukbit sa likuran nito.

"Ahhh sila ba? Sila ang disciple"
Sagot ni manong.

"Disciple?"
Takang tanong ko kay manong. Habang hindi parin inaalis ang tingin sa labas.

"Disciple. Seriously? Hindi mo sila kilala? Sila ang pinaka kilalang grupo. ang pinaka malakas sa lahat ng mga nilalang"
Paliwanag saakin ni manong habang pati ito ay nakasilip narin sa bintana

"Ahhhhh." Napatango tango nalamang ako.

So sila pala ang ang tinatawag na disciple.

naririnig ko lang kasi iyon dati kila inay na pinag uusapan ang tungkol sa grupo na ito.

"Lima sila noon, ngunit dahil sa labanang naganap noon namatay ang isa nilang myembro. Kaya aapat nalamang sila."
Paliwanag saakin ni manong.

Aw! Kawawa naman. life is too short ika nga. Ganyan talaga kung time mo na time mo na. Wala tayong magagawa.

Third person

Habang pinagkakagulohan ng mga tao ang disciple.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay
Malakas na Pagsabog ang nanggulo sa lahat. Naging elerto  naman ang grupo ng disciple. Isang napakalaking halimaw ang nanggaling sa kung saan.
ito ay may ulo ng Toro at katawan ng oso.

Agad namang nagkagulo ang mga residente duon at nag takbuhan di na alam kung saang direksiyon pupunta. Buti nalang at nandiyan ang disciple na handang ipagtanggol ang mga residente duon.

The HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon