Chapter 15

6 1 0
                                    


Alice Pov

huminga muna ako nang malalim saka ko balak katukin ang pinto ngunit hindi ko
magawa- gawa dahil sa kaba at hiya.

'Ano ka ba Alice andito ka na nga hindi mo pa ituloy' wika ko saaking sarili.

ngunit bago ko paman katukin ang pintuan ay nag bukas na ang pinto at bumungad rito si Ion na may buhat-buhat na mga kagamitan at mukhang abalang abala ito sa kung anuman ang ginagawa niya sapagkat makikita mo ang pawis at pagod sa mukha nito.

"Oh Alice napadalaw ka" Bati nito saakin na may matamis na ngiti at tila ba nagulat pa at hindi inaasahan ang aking pagdating. Tanging ngiti lang ang naisagot ko dahil nahihiya parin ako.

"Tuloy ka" paanyaya nito saakin saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"salamat" saka ako nahihiyang pumasok at pinaupo niya ako sa malambot na mahabang upuan nila. Inilibot ko ang aking paningin at wala paring pinagbago lalo na ang mission board nila na kapansin-pansin dahil sa puno parin nang mga papel na nakadikit ito. Andaming mission and task.

Pansin ko ring si Ion lang ang narito ngayon at tila abala parin sa ginagawa niya.  Hindi ko na rin itinanong kung nasaan ang iba dahil nahihiya rin ako.

"Ahh..Wala sila Boss eh" wika ni Ion habang may inaayos parin sa bandang galid ng sala.

"Ayos lang, Paki sabi nalang sakanila na pumayag na ako" Wika ko saka nag paalam nang umalis.

"Ahh sige ingat!" sabi nito saka ako tuluyang lumabas ng bahay meron pa siyang sinabi ngunit hindi ko na naintindihan dahil malayo na rin ako at pinagpatuloy lang ang paglalakad.

Ion's POV

Narito ako ngayon saaming guild house at abala ako ngayon sa pag-aayos at pag lilinis ng kalat dito sa guild house namin dalawang araw na ang nakakalipas simula nang matapos namin ang mission sa Mt.  barakuda.

Sila Boss Lucas naman ay abala sa pagpupulong sa town hall ngayon at kasama ang mga Elder ng paranor. Bilang Leader ng guild ay kinakailangan maki cooperate ni boss Lucas.

Bawat isla o kontinente ay may kanya-kanyang guild tulad ng paranor na meron ang Disciple.

Si Estoft naman ay may pupuntahan at hindi narin nasabi dahil sa pagmamadali. 

Samantalang si Sarah naman ay hindi rin binanggit kung saan ang tungo. Pero ang alam ko ay nasa library nang paranor ito para mag aral at mag basa ng mga bagong spells and magic ganyan si Sarah napaka compitetive na mage and note my facial expression while explaining that. Nakangiti ako nang maluwang at yung mata ko ay hindi na makita.

Palabas na ako ng pinto nang bumungad si Alice saaking harapan. Nagulat ako nang makita ko siya ilang araw na rin ang nakalipas simula nang makita namin siya at nakakapag taka naman at naisipan niyang tumungo rito ano naman kaya ang pinunta niya dito baka naman mag papa autograph. 'Tama!  Tama!'

Napa-ngisi naman ako saaking naiisip.  'Iba talaga ang karisma mo Ion hanep ka.'

"Tuloy ka" masayang paanyaya ko sakanya na siya namang pinaanyayahan niya ka agad.

"Salamat" wika nito saka naman siya pumasok. Ako naman ay dumiretsiyo na sa lamesahan sa gilid dahil may naiwan pang mga kalat na kagamitan duon nakakahiya naman sa bisita.

Napansin ko naman na inilibot nito ang paningin nito sa paligid.

"Ahh.. wala sila Boss eh" wika ko rito sa tingin ko kasi ay sila ang hinahanap. Sayang kala ko naman at mag papapirma siya saakin.  napakamot nalamang ako nang ulo dahil sa pagka dismaya.

"Ayos lang, Paki sabi nalang sakanila na pumayag na ako" Sagot nito tsaka nagpa alam nang umalis.

"Ahh sige ingat" Sabi ko rito dahil dumeretsiyo nang lumabas.

"Ahhh Tekaa!" pipigilan ko pa sana pero nakalayo na siya.  Nagulat naman ako ang alam ko ay wala talaga siyang balak na sumali and Yes!!  makaka sali rin kami nang guild.

Sa totoo niyan ay isa yan sa  problema namin dahil nabanggit ko naman sainyo na kailangan nang limang miyembro ang bawat guild para makasali sa Grand Grand tournament. 'Problem solve!!'

Flashback...

kasalukuyan kaming nag pupulong na mag kakagrupo patungkol sa mga misyon at lalo na sa nalalapit na Grand Grand tournament.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang excited at the same time ay may halong kaba dahil nga medyo madugo ang tournament na ito.

"Ahmm. How about the Tournament? Eh ang sabi sa requirements ay kailangan ng limang miyembro bawat guild eh aapat lang tayo" nag aalalang wika ni Sarah habang nakatingin sa hawak-hawak nitong papel na sa pagkaka-alam ko ay patungkol ito sa information nang Tournament.

'oo nga. paano kami makakasali niyan? ' Haist!!

"Then we have no choice but to cancel it" Wika ni boss Lucas.

"WHAT?! paano yan boss diyan din nakasalalay ang guild natin" naproproblemahang wika ko.

'Hindi ito maari!  mawawalan na kami nang guild.  magkakawatak-watak na kami! paano na yan san ako pupulutin at paano na ang taga hanga kooooo! huhuhu! '

kailangan kasing sumali nang lahat nang guild and yes isa yan sa bagong rule ng tournament dahil kung hindi kami makakasali ay matatangal ang guild namin at papalitan ito ng ibang guild and syempre hindi kami papayag.

Isa kasi to sa order nang highest council. ang namumuno sa buong kontinente ang highest council ay binubuo nang limang myembro at walang nakaka-alam kung sino sila maski ang pangalan nila ay wala ring nakaka-alam. Tanging matataas lang na may position ang nakaka alam about their details and information.  Kaya kapag order nila ay hindi pwedeng hindian o ayawan. But don't worry hindi naman masama ang pamamalakad nila.  napaka ayos at malinis.

"What if.  mag sali nalang tayo nang bagong myembro? " suhestion ni Estoft.

'Oo nga no!!  magandang idea yan at sigurado naman akong marami ang malalakas na nilalang dito sa paranor'

"Ok" Wika ni Boss Lucas.

'yun lang ang sagot niya?  naku naman boss wala man lang addition o ano.

"After nang mga mission na to mag uumpisa na tayong mag hanap ng member" wika ni Boss Lucas.

"Sa paanong paraan boss? " tanong ko Sakanya.

"Sa pamamagitan ng patimpalak"
wika neto.

End of flashback...

"Boss may good news ako" masayang bungad ko kay boss Lucas nang pumasok siya kasama ang dalawa pa.

"Here! " Wika ni Estoft tsaka inabot ang Isang bagay na nakabalot nang papel

"Nice!!  ano to" Inabot ko tsaka dumiretsiyo nang kusina at dun ko naisipang buksan.

"Puds" Si Estoft.

"Spill it" Wika naman ni Boss Lucas tsaka umupo tumungo sa sofa para maupo oo nga pala hahaha hindi ko pa pala natatapos ang good news.

samantalang si Sarah ay tahimik lang at inaabangan din ang good news ko.

"Pumayag na si Alice" Wika ko tsaka kumuha ng Hita nang pritong manok sa pasalubing na dala ni Estoft. Eto ang gusto ko eh kapag umaalis sila may pasalubong lagi.

"Seriously!! " Gulat na wika ni Boss and take note napatayo pa yan at tila ba gulat na gulat. 'Pffft!! ' hindi naman siguro sa tuwang tuwa ka niyan ser.

"Pffft!! " kaming dalawa ni Estoft

"Tss.. Good to here that" pag iiba ni Boss tsaka muling umupo.

iiling-iling naman si Sarah na pumasok ng kwarto niya.

"I'll take a shower" Wika nito.

---

Hope you enjoy reading!!
Vote and comment naaaaa ^___^ God bless.
-InnocentReaderxxx

The HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon