Chapter 17

3 1 0
                                    

Third Person

Ngayong araw ay ang araw nang patimpalak na isinagawa ng Disciple na gaganapin sa Gitna nang plaza, kung saan naka lagay ang Open Stadium sakto lang ang laki nito at sakto rin sa mga ganitong patimpalak. Pero hindi basta basta ang patimpalak na inihanda nang Guild.

Umaga palang ay marami na ang nilalang na dumalo at para narin magpalista. magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman nang mga nilalang na narito sa plaza ngayon.

ang ibang nilalang naman ay pumarito para makinood at sumuporta sa mga kalahok.

ang pagsali nang guild ay malaking opurtunidad lalo na ang pagsali sa isa sa mga pinakamalakas at sikat na guild sa buong kontinente.

Hindi rin magkanda ugaga ang nilalang na naka assign bilang tagalista nang mga pangalan nang mga kalahok.

makalipas nang ilang oras ay dumating narin ang disciple at lumakas ang hiyawan nang mga nilalang na naririto.

sa kabilang banda...

"Alice sigurado kana ba sa desisyon mo? " Nag aalalang tanong ni Lisa sa kaibigan.

"Oo sigurado na ako" Bakas sa boses nang dalaga ang determination nito.

"Kung ganun ay wala kaming magagawa kundi ang suportahan ka " Wika naman naman nang kasamahang healer and yes nang nalaman nang mga ito na magpapalista si Alice ay na tuwa sila at the same time ay kinabahan. Dahil siguradong hindi lang basta basta ang mga nilalang na makaka harap nang dalaga.

Tinawagan rin ang mga healer bilang maging back-up sa mga magagalusan o masusugatan.

Ganyan ka suportado ang paranor sa Disciples. Dahil tiyak na hindi rin basta basta papayag na mawala nalamang ang guild na ito. Isa rin ito sa maipagmamalaki nang paranor at siyempre ay dumalo rin ang Elder nang paranor. Lima ang Elder na kasalukuyang namumuno sa Paranor.

Si Baltasar ang pinaka head nang elder. Isa siyang Wizard ang taon nito ay nasa 60's.

Si Elizabeth naman ang asawa ni Elder Baltasar. isa naman siyang Witch ang taon nito ay nasa 50's. Ngunit hindi mo rin sila makikitaan nang katandaan. Bagkus ay mukha pa silang mga binata't dalaga.

Kasama nila ang prinsesa na si Princess Filemin ang anak nila Elder Baltasar at Elder Elizabeth. Isa rin siyang witch na kagaya nang kanyang ina. Ito ang prinsesang iniligtas nang guild sa Mt. Barakuda.

kasama pa ang tatlong elder na sina. Elder Ibrahim na isang fire user. nasa 60's din ang taon nito. kasama niya sina Elder Mateya taong 60's at ang anak nila na si Elder Lorence na kasing edad ng disciple at ganun din si princess Filemin na pinsan nito. si Elder Lorence ay isang Fire and water user at maagang naging elder.

Si Elder Baltasar at Elder Ibrahim naman ay magkapatid.

Nagsiluhod naman ang mga nilalang na narito bilang paggalang sa mga elder at gayun din ang ginawa nang mga disciples.

dumiretsiyo ang mga elder at ang prinsesa sa upuan sa taas ng stadium kung saan mga elder o may matataas na position lang ang maaring umupo.

makalipas nang ilang minuto ay umakyat na sa flatform ang isang Witch na siyang tagapag salita nang patimpalak na ito.

"Magandang Araw saating mga minamahal na Elder at sa Disciple na nag sagawa nang paligsaang ito at ganun din sa mga nilalang na narito. "
Wika nang taga anunsiyo.

malalakas na hiyaawan at palakpakan ang pinakawalan ng mga nilalang na narito At halos mapuno na ang Stadium.

"alam ko naman na lahat tayo ay nagagalak at natutuwa dahil sa patimpalak na ito. Ang patimpalak na ito ay hindi lang basta patimpalak. Ito ay mayroong Tatlong Kategorya ang una ay ang survival Island kung saan ay papasok ang lahat ng kalahok sa isang malaking portal at dadalhin kayo sa isang isla na kung saan ay kailangan ninyong mahanap ang mga items na naka lathala sa mga papel na hawak niyo at mag kakaibang parte rin nang lugar sa isla ang inyong ka babagsakan pagkatapos ninyong pumasok sa portal at para merong twist ay may mga halimaw sa loob nito" Baling nito sa mga kalahok na ngayon ay nasa harapan na. ang mga kalahok ay na 200 ang bilang at sadyang napakarami nga nila at mababakas sa mga mukha nila ang Excitement at kabang nararamdaman nang bawat kalahok.

pagkatapos banggitin ang unang kategorya ay magkahalong hiyaw at bulungan ang maririnig sa loob nang stadium at halos hindi magka mayaw.

"Kailangan niyong makolekta ang lahat nang kailangan bago pa tumunog ang kampana at mapapanood namin kayong mga kalahok sa pamamagitan nang isang mahika" isang parihaba ang lumitaw sa kalangitan na sa sobrang laki ay maari talaga itong makita nang mga nilalang na mga nandirito kung ano ang magaganap sa loob ng isla.

namangha naman ang mga nilalang na nandirito at napahiyaw at napa palakpak pa.

"Hanep!! ang ganda naman nng patimpalak na ito"

"Woooooo!!"

"Galingan niyoo!! "

"Ang mga items na makukulekta niyo sa isla ay kakailanganin niyo sa ikalawang kategorya. Ang tinatawag na Potion Making napaka dali lang nang ikalawang ito, subalit, paano kaya kayo makakagawa nang isang potion kung limited lang ang inyong items at ito ay nasa inyo nang mga kalahok.

Alice Pov

hindi ko alam ang nararamdaman ko magkahalong kaba at excitement. Pero hindi ko alam kung makaka survive ba ako sa survival island bukod sa wala akong idea kung anong mga item o ingredients tong mga to ay hindi ko rin alam kung ano ang mga makakaharap ko duon at mas lalong hindi ako sigurado kung makaka labas pa ba ako nng buhay sa islang iyon.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga kapwa ko kalahok ay mukha nga talagang malalakas at iba ibang nilalang ang makikita mong sumali.

patuloy parin sa pag sasalita ang taga anunsiyo at halos wala na akong maintindihan sa sinasabi nito dahil ang pintig nalang nang aking puso ang aking nararamdaman dahil sa kaba.

"Kaya mo yan Alice!! " Napasulyap naman ako sa mga kaibigan kong healer dahil sabay sabay silang sumigaw nang pangalan ko na ngayon ay saakin na nakatuon ang atensiyon ng mga nilalang na nandirito. And yes kilala din ako nang mga nilalang na mga nandirito bilang healer sa clinic.

"Diba yan yung healer sa Clinic?"

"Ano namang magagawa niyan? "

"baka manggamot nang mga halimaw yan sa isla"

"HAHAHAHAHA!! " tawanan nang karamihan

"SILENCEEEEE!! " sigaw ni Elder Baltasar na ngayon ay naka tayo na sa kanyang pwesto. Agad naman nagsi tahimikan ang mga nilalang na nandirito. pati ako ay nakaramdam nang takot sa sigaw nang elder.

napatuon naman ang atensiyon ko sa mga elder na nakaupo sa pwesto nila at sa disciples na malapit rito na ngayon ay parehong nakatingin rin saakin. Nakakahiya kaya napayuko nalamang ako. Sana ay lamunin nalang ako nang semento na kinatatayuan ko ngayon. Totoo naman lahat nang sinabi nila. Ano pa nga bang magagawa ko sa patimpalak na ito dapat ay nasa pwesto ako nang healer imbis na sumali sa patimpalak na ito.

Isang malakas na Pagsabog ang siyang ikinagulat ng lahat nang nilalang na siyang...

---

Yey!! Update Done!! Hope you like and enjoyed it. Vote and comment na. God bless ^____^
New image sa Introduction Check niyo po.
-InnocentReaderxxx

The HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon