ALICE Pov
Habang nasa daan ay may hindi inaasahang pangyayari. limang elemental Ghost ang sumulpot sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit sila napadpad rito. Kaya wala akong nagawa kundi ang mag handa. Ang mga elemental ghost ay may kakayahang kumontrol ng apat na elemento gaya ng Apoy, Tubig, Lupa at hangin. makikita lamang ang mga ito sa Lost Forest kung saan malayo rito sa paranor.
"Grrrrrr" ungol nito habang tila di na alam ang mga ginagawa nila. at parang mga high ang mga ito na kung saan malayo sa tunay na behavior ng isang elemental ghost. Ang mga ito ay ang bantay ng lost forest. Ngunit ang mga ito ay tila kinukontrol ng kung ano at hindi ko alam kung ano ang kumokontrol rito.
Tahimik lang akong nakikiramdam sa mga ito at maya-maya ay sabay-sabay silang nag pakawala ng ibat ibang elemento patungo sa aking direksiyon.
Ngunit tumama ito sa barrier na isang transparent. Nagulat rin ako sa nangyayari at di ko inaasahan na makikita ko ulit ang grupong ito. Walang iba kundi ang mga Disciple.
"Ayos nakita ka na rin namin" masayang wika ni Ion habang nakangiting aso.
"Lets go" malamig na yaya saakin ni Lucas na ngayon ay kinakaladkad na ako palayo sa mga kagrupo namin ni hindi manlang ito tumingin sa direksiyon ko at diretsiyong nakatingin lamang sa daan.
"Magiging ok din kami" pahabol ni Estoft na ngayon ay panagbabaril ng walang kahirap-hirap ang mga Elemental Ghost. Halos kalkulado nito ang bawat galaw ng nilalang na kaharap nila ngayon.
Hindi ko alam kung saan ako kinakalakad nitong leader disciple.
"Anu ba bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko. Pero mas malakas ito saakin kahit na buong lakas ko ang ibigay ko. Ano bang problema ng lalaking to!
Sa wakas ay huminto na kami at narito kami sa tapat ng isang magandang bahay. Maya-maya ay nakarating narin ang iba pang miyembro ng disciple.
"Hey!" Bati saakin ni Ion saka nauna ng pumasok. ganon din ang iba at ang tanging naiwan lang dito ay kaming dalawa ni lucas
"Di ka pa ba pa papasok?" Tanong nito in a cold tone pati ang mga titig nito ay napakalamig. Ano bang problama ng isang to?
Di ko alam kung bakit ko siya sinunod at pumasok na rin sa loob.
"Welcome to our Guild" bati saakin ni Ion. Sumunod nadin ang ilan sa pag bati at tanging ngiti nalamang ang aking sinagot dahil wala naman talaga akong masabi at ni minsan ay wala sa isip ko ang makita sila.
Inilibot ko ang aking paningin. Napakaluwang. Mga book shelves sa tabi ng bintana mga limang patong ang meron nito, bulletin board sa gilid ng pintuan at may mga nakadikit na papel, lamesahan sa gitna at napapalibutan ito ng mga upuan na mahahaba, at ang nakapukaw ng intension ko ay ang limang pintuan na sa tingin ko ay kwarto. At sa tingin ko na ang bahay na ito ay ang headquarter ng guild o grupong ito.
"So do you change your mind?" Diretsiyahang tanong ni Lucas na hindi na nakatuon sa mga papel na hawak niya. Alam ko naman na mag ooffer nanaman sila saakin tungkol sa pag sali ko ng guild. Hanggang ngayon ay nag dadalawang isip parin ako kung sasali ba ako sa guild?
"Saka lang ako sasali kapag may may napatunayan na ako" diretsiyahan kong sagot rito. Kailangan ko pang masigurado na malakas na ako at ayokong maging pabigat kung sakaling sasali man ako ng grupo.
Nakatitig lang ako sa lamesahan na nasa harapan ko, dahil hindi ko alam kung bakit di ko matitigan sa mata si Lucas na tila ba para akong bata na nahuling kumuha ng tsokolate.
"Tssss..ang arte!!" Pabulong na singhal ni Estoft. Wait! Teka nga tama ba ang nakita ko? Estoft just rolled his eyes? Baka naman namalik mata lang ako. Tsaka pwede namang gawin iyon ng lalaki. Napatango-tango nalang ako sa naisip ko.
Napabuntong hininga nalamang ang leader ng guild.
"Kung yan ang desisiyon mo ay hihintayin namin ang sagot mo" litanya ni Lucas with a cold tone saka sumalampak na sa bakanteng upuan. Halatado sa mukha nito ang disappointment. But he still maintain his cold expression.
"We will wait for the last disciple's decision"
"Huh ano yun Sarah?" Tanong ko sa mage dahil wala akong maintindihan sa sinabi ng dalaga
"Don't mind me" maarteng wika ng mage with matching flip hair.
"Ah ok"
Matapos ng ilang oras na pag uusap ay naisipan ko munang bumalik ng Guardians Realm. Tanging ang mga Guardian lamang ang nakakalikha ng daan patungo sa kanilang mundo.
Tinawag ko na si Loki mula saaking isipan at mula saaking harapan ay isang magic circle na may pentagon sa gitna ang lumitaw saaking harapan at iniluwa nito ang isang nilalang; isang Gray wolf. Napaka cute ng itsura nito isang lobo na may Gem sa noo nito at kulay ginto ang mata. Cool!
Subalit bago paman ako makyutan ay agad akong nag handa na baka ay atakihin ako ng nilalang na nasa harapan ko ngayon.
Ngunit isang tinig ang nagpahinto saakin. "Telepathy?"
"Hey my lady ako to" isang tinig ang bumubulong saakin. Wait! Kilala ko ang boses na ito.
"Loki?" Para akong sira dito na kinakausap ang nilalang na nasa harapan ko. Sabagay kinakausap ko naman ang mga hayop sa farm namin.
"Yes my lady! Ako nga ito" sagot uli ng tinig mula saaking isipan.
"Pero bakit ganyan ang anyo mo?" Taka kong tanong habang nakaturo rito.
"Hindi kasi kayang magtagal ng tunay na form namin sa mundo ninyo. Kaya sa tuwing sinasummon mo ako rito ay ganito ang nagiging anyo ko" paliwanag ng tinig mula saaking isipan.
Lumapit na ako sa Guardian ko saka niyakap ng mahigpit. Ang Kyut!!
"Aray my lady hindi ako makahinga" reklamo ulit nito gamit ang pakikipagusap sa aking isipan.
"Ok lets go back to the topic. Kaya kita pinatawag rito ay dahil sa kadahilanang tutungo na ako sa Guardian realm." Paliwanag ko sa tunay kong pakay saka tinigil na din ang mahigpit na pagyakap sa aking guardian.
"Ah ganun po ba my lady" sabi uli ng tinig saaking isipan. saka naman ito dumistansiya ng ilang metro saka umikot saaking paligid.
Mula saaking paanan ay lumitaw ang isang kulang Asul na magic circle na may pentagon sa loob ng bilog. Tila ba ako hinihigop ng kung ano kaya napapikit nalamang ako.
Maka lipas ng ilang minuto ay naisipan ko ring idilat ang aking mata at nakita ko kaagad ang napakaamong muka ng aking guardian na ngayon ay nasa tunay na nitong anyo.
"Welcome back my lady" bati saakin ni loki ng may matamis na ngiti sa mukha.
"Salamat" pasasalamat ko rito saka gumanti ng ngiti. May kung anong sinabit si loki saaking ulo at napagtanto kong ito ay isang flower crown. Ang ganda! At ng tignan ko ulit ang aking kasuotan ay nakasuot na ako ng puting bistida.
A/N: vote and comment
BINABASA MO ANG
The Healer
Fantasy"Being weak is not an exemption" She's the Healer She's weak or fragile She's the support and the carrier of the group And the Group named Disciple need her Date created: December 14 2018 Date Ended : Genre: Fantacy