Types of Students In Korea University of Arts

55 2 0
                                    

 NORMAL SECTIONS 

Geeky Nerds-  ito ang mga klase ng estudyante na puro pag-aaral ang mukhang bibig. Bago pumasok sa room Libro at notebook ang hawak. Walang patawad minsan kahit recess pa nagrereviw at nag aaral pa rin ng lesson. Ito ang way nila para mapansin sila (Dito nag papagawa ng mga assignment ang mga HC madalas din silang nabubully.)

Politicians- sila naman yung mga laging navovote bilang isa sa CLASS OFFICERS at SSG. Oo lagi as in every year pare-parehas lang ang mga sumasali at nananalo. Isa rin sila sa mga sipsip sa teacher/teacher's Pet. Sila yung mga taong magagaling din sa speech at declamation at madalas na nananalo sa mga barahan.

Monsters- Sila yung mga mamaw na mag aaral. Yung klase ng mga mag-aaral na kanina lang ay masaya,na biglang iiyak at magwawala. Minsan malutong pa mag-mura.Minsan may pake sa kapwa minsan wala. Walang alam sa mundo. Pa iba- iba ng mood at BiPolar kung tawagin.Madalas din silang mag-isa pero minsan naman ay magkakasama ang tropa nila. Tropang Mamaw

Fashionistas- Pumapasok lang sa school para ipag malaki at ipag mayabang ang mga Branded clothes nila. Swerte ka na kung makakakita ka ng Tatlong beses lang mag palit ng Japorms sa isang araw, dahil yung iba kada subject pa. Di naig pa yung mga International models sa pagpapapalit-palit ng damit. 

Perfectionist- isang klase ng estuydante na mahilig itama ang mali ng iba kahit maliit na bagay lang na kahit sila mismo ay nagagawa nila. Mahilig silang magpahiya ng tao,bully rin sila hindi man Physically but emotionally.Feeling nila lagi silang tama ayaw nilang tinatama ang mali nila.Mayayabang ang ganitong klase ng students XD

Clowns- mga tipo ng mag aaral na hadang mapahiya sa harap ng maraming tao para lang mapasayo ang klase nyo. Sila yung mga estudyante na ginagaya ang mga signature acts ng mga teachers nyo pag absent sila o di kaya pag uwian na.

Emos- mga madadramang mag aaral na konting kembot lang ay iiyak na. Madamdamin sila, wag kang magkakamali pai yakin sila kundi lagot ka. Daig pa nila ang baby kung umiyak. Pilit pa rin silang nakikihalubilo sa iba kaya nga lang ang ibang eetudyante ay nilalayuan sila dahil weird daw sila.

 Copy Paste  May type A at Type B.

Type A -  sa paggawa ng mga assignments at reports sa klase ay puro copy paste galing sa internet at libro ang kinuha nila. Copy+Paste+Print+Dikit = Graduation. Puro printout din ang ipinapasa nila sa mga projects.

 Type B - ang mga hallow ang utak, sa mga quizzes at  exams ay puro copy and paste ang sagot nila mula sa katai nila. Lam na./.

 Scholars Masisipag na bata at mapagpasensya rin. Pinagdaanan nila ang mga napakadami at napakahirap na tests para makapasok dito. Bawal sila makipag away dahil pagnakipag away sila talsik na agad sila. Brainy rin ang mga ito, hindi nila gustong makihalubilo sa iba para iwas gulo. Isa rin sila sa mga nabubully dahil sa posoyon nila sa paaralan ay hindi katanggap tanggap para sa ilan.

SPECIAL SECTIONS

The Performers - Magaling sumayaw,kumanta at mag- acting at maswerte kung maganda at pogi pa. Endangred species na ang mga ganitong tao lalo na yung mga mayayaman. Whole package na kumbaga. Sampung ka tao lang ang miyembro nito.

The Sponsors - Mga anak ng sponsors sa School. Kamag anak nila ang mga Emos. Maramdamin at Papansin. Sila kasi ay mga naka/ kamag anak o isa sa mga sponsor saschool nila mayayabang sila pero wala namang maibubuga.

InternationalsMga batang mula sa ibat ibang bansa. Medyo maarte ang ilan pero mga gwapo at magaganda. Andito yung mga Cold Hearted na nilalang. Swerte mo pag meroon ditong pang world class ang dating.Kadalasan ang mga ito ay taga Korea at Japan.

Special Class

a. Money Makers Sila yung mga anak ng Sponsor ng paaralan. Maghanda ka na dahil tiyak na bully ang ilan sa kanila at gagamitin ang pera at posisyon nila sa buhay para pabagsakin ka kung ikaw ang target nila.

b. Trouble Makers Kahit na isamg ,agandang school ang KUA ay hindi pa rin maiiwasang magkaroon ng ganitong klase ng mga estudyante. Kahit saan kang school mapadpad ay may ganitong klase ng estudyante.Malalakas ang loob ng ilan dahil kinatatakutan sila dahil sa anghking lakas ng pisikal na katawan nila at bukod pa doon ay mayaman sila.

Designers - Mga batang sobrang galing sa arts yung tipo na kahit naka pikit sila may nabubuo na silang Arts ganun kalupit. Matatas sila sa mga projects at notebook dahil sa mga designs nila. Kadalasan sila yung mga unang nagpapasa ng mga projects at pinupuri ng teacher.

Wierdos mula sa word na weird basta weird sila. Hindi mo masasabi kung kaaway sila o kakampi. Nakikihalubilo sila sa ibang tao. Inaalam nila ang kahinaan ng iba

Snobbers COOL din sila in other words hindi nila pinapansin ang ibang tao pero dahil dun mas naiinlababo ang mga girls at boys sa kanila. Tahimik man sila pero may ibubuga sila.

Malditas mga malditang babae na akala mo lahat ng tao ay gusto sila or should I say may gusto sa kanila lahat ng lalaki. Matatalas ang tabas ng dila ng mga ito at madaldal sila yung gumagawa ng mga rumors.

The Gifted nanganganib nang maubos ang mga taong ito. Pinaka whole package sa lahat. Maganda/Gwapo, mayaman,matalino,talented at higit sa lahat may ginintuang puso ♥ mababait sila at hindi mapanghusga marami silang kakilala at kaibigan sa paaralan. Hinahanggaan sila ng maraming tao.

Models sila ang mukha ng paaralan literal kasi sila yung mga sobrang ganda at gwapong mga students. Madalas silang sumasali sa Beauty pagents at Fashion Shows. Pwedeng idisplay sa bahay sa sobrang ganda ng mga mukha nila Fragile sila at sobrang mainggat sa katawan nila.

Ang mga nasa Normal class ay yung mga estudyanteng sakto lang at makikita mo silang lahat sa ibat-ibang klase ng paaralan. Ang iba sa kanila ay matalino, marunong sumayaw at kumanta minsan mag acting pa. Pero iba ang mga estudyanteng nasa Special Class ang mga Sections nila ay hinati according to their Multiple intelligence.

Ang KUA ay isang sikat na University dito sa Pilipinas. Nagkakandarapa ang mga mag aaral dito para mag enroll ngunit sa kasamaang palad at sadyang napaka dami ang pagdaraanan mong proseso bago ka makapasok dito. Tinitingala ang KUA dahil sa dami ng mga awards na natatamo nila. Kaya ipagmalaki mo kung nag aaral ka rito, pero dipende na rin kung gusto mo ipagkalat. Kasi-- ahh basta.

Authors note

Sorry for the Super Late UD. Ang hirap po kasi pag weekdays eh. Pasensya na po at naging ganito ang story ko basta baka marami akong Characters na malagay eh kaya nilagay ko ito. Every Saturday/Sunday lang po ako mag UUD sana po maintindihan nyo. Salamat :)

SPREAD THE LOVE READERS!! ♥

Leavea Commnet and Vote  ♥

 

Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon