Tumigil ako bigla sa paglalakad at tuminggin sa kung saan sya nakatinggin. Woah! "Nagbibiro ka ba ito na ba talaga yun?" Mangha kong tanong sa kanya. "Yup" at yan lang ang tanging sagot nya.
Teka paano ko ba ipapaliwanag yung itsura ng school na ito? Sa tinggin ko kasi kasing lawak to ng dalawang subdivision ay hindi tatlo pala. Ah basta! Sobrang lawak as in! Ngayon tuloy mukha akong ewan dito na nakanganga.
Tapos bigla ko na lang nakita si Kuya George na nakangiti sobrang wide as in!
\(^▽^@)ノ ganyan oh tapos nakatinnggin lang siya sa iisang direksyon. Pagkatinggin ko may nakita yata akong anghel galing langit?! Teka ganito ba talaga dito? mga dyosa ba nandito? Naku baka itakwil ako ng school na to...
"Hi Hon! Miss you so much" Uhhmm teka pano ko kaya sya magdedescribe ng maayos?! Hmmmm para sa akin She's absolutely perfect! Ang ganda nya sobra! Lalo na pag naka ngiti sana nandito kayo para makita nyo rin yung nakikita ko at paniguradong mamamangha talaga kayo.
Tumigil silang bigla sa pag P-PDA. Ehem naman kasi di ba? Haist sawakas napansin na nila yung presence ko. Ako naman tong si FC na biglang nagsalita. "Akala ko di nyo ako nakikita eh hehe."
"Sorry." sabay nilang sabi at nahihiya hiya pa. Magkaholding hands sila habang naglalakad. Kasabay naman nila ako sa paglalakad pero nakaka OP lang kasi para ewan ako ditong nakabuntot sa kanila, parang panira ba ganun.
"Aalis muna ako kuya George pupunta na ako dun sa Office mag-eenroll na ako." Sabay turo dun sa may Guidance Office.
"Oh saan ka pupunta?" sabi nung magandang babae na girlfriend ni Kuya George.
"Dun ka na sa may Principal's Office"naka ngiti nyang sabi sa akin.
"By the ways Solenn, George's Property." medyo malanding sabi nya. Kahit ganun yung ono ng pagpapakilala nya sa akin ang bait bait at ang ganda ganda pa rin ng impresyon ko sa kanya.
"Samahan na nga kita! George maglibot ka muna sasamahan ko lang siya." Sigaw nya kay kuya George,grabe kanina lang ang sweet nya pero parang bigla na lang nawala yung pagka sweet nya. Bipolar ba'to?
"Mag ready ka na ha? Kasi maraming pasabog tong school na ito! Nakapag review ka na ba? Practice ng ipeperform mo? Handa ba ang utak at katawan mo ha? ha? ha!?." Sunod sunod na tanong nya sa akin. Naku patay Bipolar nga ata to. Sabagay ako rin naman eh.
"Hala? May ganun ba? Pupunta lang sana ako dito para malaman kung kailan yung schedule ng enrollment saka kung ano yung mga requirements eh." Paliwanag ko sa kanya.
Tsaka Hello? Performance? Utak pwede pa eh para sa entrance exam pero kung sakali hindi rin ako ready. Performance ka dyan nandito ako para magaral hindi para magpasikat. Tsaka isa pa wala akong natatagong talent sa katawan ko no -.-
"Tsk tsk tsk. Patay ka nyan! Si George talaga pag nagbibigay ng Information laging incomplete.Gusto ka ba talagang tulunggan nun?Pinapahirapan ka lang ata nun eh." Sabi nya sa akin. Ang gulo ng sinabi nya?Papahirapan, eh andito nga kami kasi tinutulunggan ako ni Kuya George eh.
"Next!" Sabi nung babaeng nakasalamin. Nandito kami ngayon sa may empty room. Yung mga nasa harapan ko busy sa pag vovocalize ng mga boses nila at pagpapractice ng pagsayaw,meron pa nang nagaacting eh.Mga tanga lang? School po ito hindi performance schoo---
Napatigil ako sa pag aanylize sa mga pinaggagawa nila kasi ako na pala yung tinatawag. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlamig at nanginig. Si Ate- ay Solenn na nga lang daw pala. Si Solenn napaka kalmado lang sa isang tabi habang ito ako nanginginig.
"So anong gagawin mo?" Mataray na sabi nung babaeng nakasalamin ng Pula at may Pulang lipstick din.
"Po?" taka kong tanong sa kanya.
"Are you dumb? Pipila ka dito tapos hindi mo alam gagawin mo?" mataray nanaman nyang sabi.
Napatinggin ako kay Solenn at may ina act sya sa aki. Para syang may hawak na mike. Ah pinapakanta nya ako? Ha pinapakanta nya ako?
"Ano tatayo ka na lang ba dyan? Sinasayang mo oras ko marami pang gustong mag enroll dito hindi lang ikaw!" naku galit na ata siya. Paano na yan?
"Ka-kanta po." Yun na lang ang sinabi ko at miski ako nagulat sa sinabi ko. Anu ba yan nauutal pa ako. Lord help me.
"Do-re-mi-fa-so-la-ti-Dooooo. Do-ti-la-so-fa-mi-re-do." yan yung ginawa ko. Muntanga rayt? Na block ako eh. Eh kung kayo kaya yun may maiisip ba agad kayong kanta?
Tinignan ko yung reaction ni Solenn napa face pal sya at tumayo tapos iniwanan ako mag-isa dito na parang hindi na nya ako kilala bigla. Kanina lang ang lakas nya maka support ngayon mawawala sya? Ay ang astig.
"Stop Playing around Miss! Bagsak ka dito sa performance! Next!" sabi nya sa akin tapos may pahabol pa.
"Kung wala kang talent sana naman may Utak ka! I'll give you a chance dahil kawawa ka naman." may binigay sya sa aking papel yellow na parang ticket pero wala namang nakasulat.
Pumunta ako sa ulok kung nasaan si Solenn. Totoo kayang kaibigan to? Haha lol Joke lang yun syempre totoo naman syang kaibigan sa palagay ko.
"The hell anong ginawa mo TJ." nakatakip sa mukha syang sabi yung para bang nahihiya sya sa ginawa ko kanina.
"Hehe Ah-a-e K-asi naman nakakakaba kaya. Na block ako tas yun yung pumasok sa isip ko yun yung nakanta ko." grabe sya pa nahiya sa ginawa ko nahihiya rin naman ako eh >//<
"Yaan mo na yun Solenn!" Bilang pambawi dun sa ginawa ko kanina at sya pa napahiya pinakita ko sa kanya yung yeloow card na binigay sa akin nung card kanina.
"Nu yan?" Di ko malaman dito kay Solenn minsan maarte,minsan hindi. Minsan galit minsan mabait. Bilis magbago ng mood.
"Ewan ko, Bigay ko daw dun sa may Guidance eh." paliwanag ko sa kanya. Nakita ko yung irriated nyang mukha at hopeless ay biglang nagliwanag.
"I think maganda ang ibigsabihin yang papel na yan. Let's go! " pinigilan ko siya sa paglalakad kasi may kulang sa amin eh.
"Isabay na natin si Kuya Goerge." sabi ko sa kanya. Pano ba naman kasi siya dapat kasama ko kaso bigla syang nawala ay umalis pala para maglibot. Kawawa naman yun mag-isa lang haha.
"Nu ba yan! George na lang tawag mo dun ako bahala sa'yo. Ako na lang maghahanap dyan ka muna ah?" sabi nya sa akin tumango na lang ako bilang pagsagot.
Naiihi ako kaya ayun pumunta ako sa cr tutal malapit lang naman. Nagpaikot-ikot yung mata ko, kasi naman ang ganda ganda talaga ng school na'to!
Kakatingin ko kung saan-saan may naramdaman akong kakaiba, nakabangga ata ako ng bakal. Teka poste ba'to bat antigas naman ata tsaka hindi malamig. Tuminggin ako sa nakabangga ko at hindi kayo maniniwala kung sino yung nakita ko.
"Ikaw?/Hi" sabay naming sabi. Syempre alam nyo na kung ano sinabi ko dyan. Ano pa ba edi yung "Ikaw."
Sorry po sa short UD
Keep on supporting my story kahit medyo magulo XD
nabago kasi yung plot ko eh kaya pati ugaling Character nagiba so sorry po talagey :D