"Stop calling him Goergie. George na lang. Mamaya mapagkamalan ka pang bakla ni Joyce eh." Sabi naman ni Solenn. Medyo tama naman siya doon sa sinabi niya.
"Kyaaaaah! Kyaaaaaah!" Hala?! Makatili si ateng wagaswagasan. Ano 'to basagan ng eardrums?
"Pu-pwede b-bang m-mag p-pa a-autograph?" Teka lang sino ba sila? Celebrity? Kaloka!
"Sure." Maikling sagot ni Frank
"Yeah. Yeah" Yun naman ang lumabas sa bibig ng isa pang kasama ni Frank.
"OMG! OMG! pwede pa kiss din?" Kapal ng mukha, off limits na po tayo diyan ateng.
"Know your limitation stupid." Wow lang ha? Edi siya na ang hindi stupido. Ang sakit naman masyado magsalita ng isang 'to. Buti nga may humahanga at humahabol pa sa kanya eh :V
Ayun tuloy nasaktan kaya tumakbo si ateng.
"Dude! What did you do?" Aww ang bait talaga ni Frank. Sige na nga crush ko na sya from now on! Over qualified pa nga siya sa standrads ko e. Living proof of a perfect human being that I ever seen.
