CHAPTER 2: There is something mabaho in here......

28 1 0
                                        

  

           Still Jay's P.O.V 

                                         So ngayon, nagtetest kami sa English subject namin. Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko'ng nakatingin ang isa sa classmate namin na si Ashe. May konting crush ako sa kanya ngayon, kaya akala ko sa akin siya nakatingin, may patakip takip pa ako ng papel sa mukha ng matandaan ko na katabi ko pala si Elissee at probably dun siya nakatingin. Ewan ko ba, nung nakaraang araw nakita ko'ng nakatingin si Ashe sakin. As in sakin ! Tas bigla siyang mapapatingin kay Elissee. Tapos nung isang araw, tinulungan niya akong bitbitin yung bag ko ! Pero, nag-chat siya sakin at sinabi niya gusto niya daw si Elissee ! Tss...Pero ok na yun, ang pinag tataka ko lang eh kung bakit nakatingin to'ng si Rayzen kay Elissee ? There is something mabaho in here! Pero promise mabaho talaga ! " Ang baho ! Sino umutot ?" tanong ng classmate ko'ng si Pau. Kaya naman pala mabaho eh XD Habang naglalakad pauwi, napansin ko'ng nauuna lagi samin sila Rayzen at Elissee. "Sila kaya ?" Tanong ni Ennha sa akin. "Hindi siguro." Sabi ko naman. " Oo, hindi yan. Nbsb yang si Elisse eh." Sabi naman ni Jinnie "bawal pa mag bf yan" dagdag niya. "Baka isa sa kanila ang may gusto sa isa't isa ? O baka naman, parehas nilang gusto ang isa't isa ? Boto ba kayo kay Rayzen ?." Sabi naman ni Gathe. " Oo, botong-boto." Sagot ko. " Bakit naman?" Tanong ni Ennha. "Kasi, matagal na rin silang magkakilala eh. Tsaka bagay naman din sila. Mayroon din akong tiwala sa kanya eh. Mabait din naman siya at mukha namang seryoso siya kung magkakaroon ng gf." Sagot ko. "Sabagay, pero taray Jay ahh talagang ganyan ang iniisip mo kay Rayzen ah! Lam na.." Sabi naman ni Gathe. "Oy grabe! Yun opinyon ko lang yon!" Depensa ko. "Oo na! Sabe mo eh." Sabi no Gathe. Lumapit name samin si Elissee"Osige na ah ! Sasakay na ako ng tricycle ! Bye na !" sabi niya .Matapos mag good bye sa isa't isa eh kanya kanya na kaming lumarga pauwi. Sinabayan ako ni Rayzen sa sakayan ng jeep. Doon din kasi siya dadaan eh. " May gusto ka kay Elissee nho ?" Tanong ko kay Rayzen, at napansin ko'ng namula siya konti. LAM NA. "Ha? Hindi ah.." Sagot niya at yumuko siya. "Sus ! Ako pa lokohin mo ! Halata naman sa iyo eh. Hahahaha!" "Hindi nga, kaibigan ko lang iyon." "Utut mo ! Alam ko na maingay ako pero hindi naman ako madaldal sa mga bagay bagay na yan. Mapagkakatiwalaan mo ko." Pangungulit ko sa kanya. "Hindi naman talaga eh, may nililigawan kaya ako." Pag mamalaki niya. "Oh talaga ? Congrats ! Sino naman yun ?" Tanong ko sa kanya, marunong pala mangligaw to'ng loko na to. "Hindi panga ako sinasagot congrats agad! Pero eto ah, wag mo'ng ipagsasabi sa iba. Si Anne yung nililigawan ko." "Oh? Biruin mo nga naman, nag paligaw sayo si Anne ?!" At tinignan niya ako ng masama. "Ang sama mo sakin nho ? Crush mo siguro ako.." Kapal din netong lalaki na ito eh.. "In your dreams! Never! Pero, ano ba nagustuhan mo kay Anne ?" "Meron kasi siyang ugali na tulad kay Elisse." Ang gulo rin niya eh nho ? "Eh ibig sabihin nun, may gusto ka nga kay Elisse ?" Malakas na tanong ko sa kanya. "Hindi nga,parte na kasi siya ng buhay ko." "Ay nako ! Basta uuwi na ako sige na. Bye !" Paalam ko sa kanya. Nililigawan niya si Anne pero halata naman na gusto niya si Elisse ? Yung totoo ? Si Anne, mabait siya, maganda,sexy din at magaling sumayaw. Kahit naman sino magkakagusto dun. pero bakit ganun? Nililigawan niya si Anne dahil meron siyang ugali na tulad kay Elissee? Lokohan ba ito ? 

FALL <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon