"Oh? Ginawa niya yun!? " Gulat na tanong ni Rayzen sa akin matapos niyang malaman yung nangyari kanina samin ni Mira. "Oo. Ewan ko ba dun! May topak ata yun eh." "Hayaan mo na yun,huwag mo nang pansinin. Epal lang talaga yung babae na yun eh." Inis na sabi niya. "Parang apektado ka yata? " tanong ko. "Siyempre! Kaibigan kita tas gaganunin ka niya." Keleg mets :"> .. Wait... Kilig? Kinikilig ako kay Rayzen! ? Waaaah! "Tsaka marami narin ang nakakapansin na lagi siyang dumidikit sa mga lalaki. Lalo na kay Ashe! Parang nanglalandi siya eh." dagdag niya. "Baka naman friendly lang sa lalaki? " "Friendly? Eh ginagawan niya ng assignments!." Sabi niya. Matindi. "Ay, nako. Hayaan na natin yung babae na yun hahaha. Change topic." At sumangayon naman siya. "Jay, pwede ba akong sumabay sa inyo ni Elisee bukas sa recess?" Tanong niya. "Himala, bakit ka sasabay eh diba lagi mo'ng kasabay sina Rhein at Zen? Ano nakain mo?" Si Rhein isa sa kaklase ko na lalaki, mga kasing tangkad siya ni Rayzen. Medyo magkaugali rin sila pero mas loko-loko si Rhein. May pagkatangos ang ilong at medyo chubby, kayumanggi, matalino sa Math, mahiyain sa babae. Si Zen naman mapushaw ang balat, makinis ang mukha, kasing tangkad din nila Rayzen at Rhein. Matalino din, magaling magdrawing at marunong maggitara. "Eh syempre, gusto ko din naman dumiskarte kay Elissee. Hindi naman niya mapapansin yung nararamdaman ko kung 'di ako magpapapansin sa kanya eh." Oo nga pala, hindi pa alam ni Elissee na gusto siya ni Rayzen. "Naks! Nagbibinata ka na! Yun oh!" Biro ko sa kanya. "Haha loko ka! Kinakabahan nga ako eh, kasi baka wala ring patutunguhan yung gagawin ko'ng pagpapapansin." sabi niya. Ako: "Alam mo, kung gusto mo'ng mapansin ni Elissee yung nararamdaman mo sabihin mo sa kanya!" Rayzen: "Gusto mo'ng sabihin ko kay Elissee na gusto ko siya?" A:"Oo! Ano yun? Puro ka paramdam? Parang multo? Di bale mukha ka namang multo. Char!" R:"Baliw, eh baka kasi mag-iba yung tingin niya sakin, baka mawala yung friendship namin." A:"Magbabago lang ang friendship niyo kung may gagawin kang masama sa kanya. Para namang hindi mo kaibigan yun. Kung hindi man ganun yung nararamdaman niya sayo, tanggapin mo na lang. Kung ano-ano iniisip mo wala ka pa'ng ginagawa!" R:"Kalma Jay! Basta, tulungan mo ko ah?" A:"Ayos ka din nho! Pero sige, baka kasi panget kang dumiskarte. Ibababa ko na to'ng telephone bukas na lang." At sabay naming binaba yung telephone pagkatapos magbabye sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit pero parang may naramdaman akong kirot nung sinabe niya sakin na tulungan ko siya sa pagdiskarte kay Elissee. Bakit kaya?
//Kinabukasan//(Sa School)
"Elissee sabay daw satin si Rayzen mamayang recess." Sabi ko. "Oh? Problema nun ? Biglang sumabay?" Tanong niya sakin. "Malay ko dun." Sagot ko. Biglang dumaan sa harapan namin si Fred, sinundan siya ni Elissee ng tingin. "Jay, cute ni Fred nho?" Biglang sabi ni Elissee. Abaaa.. Crush ata nito si Fred ah. "Oo nga, crush mo nho?" Tanong ko. "Uy hindi ah grabe ka naman, parang sinabe ko lang na cute. Pano mo naman nasabi yan? Mamaya may makarinig sayo!" Mabilis na sabi niya. Halata siya hahaha. "Kalma, binibiro lang kita! Pero hindi nga, seryoso crush mo nho? matagal ko nang nahahalata." Matagal ko naman talagang nahahalata, sa tuwing nakakasalubong namin si Fred o kaya ka-group niya ang ngiti niya abot langit. "Oo na nga, may crush ako kay Fred. Nakakahiya." Mahinang sabi niya. Sabi ko na nga ba. Si Fred, kasing tangkad siya ni Elisse o mas matangkad siya konti? Basta di sila nagkakalayo ng height. Gwapo, magaling sumayaw, maangas ang dating, palabiro. Ako:"Ano namang nakakahiya dun? Tsaka tayong dalawa lang naman nakakaalam eh." Elissee:"Eh ewan ko basta, baka wala naman ako'ng pag-asa diyan." A:"Wag ka'ng panghinaan ng loob. Ganda mo'ng yan! Hahaha malay mo naman diba?" Wait, crush niya si Fred. Paano na si Rayzen? Aw. E:"Asa pa ako Jay." "Elissee! Jay!" Tawag ni Vien. Sabay akbay kay Elissee. Si Vien, kasing tangkad ni Elissee (mas maliit sakin si Elissee, hanggang ilalim ng tenga ko.) May pagka-isip bata si Vien, naka salamin siya, maputi siya at maypagkanerd na papunta na sa weird. Maraming may ayaw sa kanya kasi may pagkamayabang daw porket teacher's pet, ok naman ako sa kanya, actually close nga kami eh hindi ako galit or naiinis sa kanya. Crush niya si Elissee pero di siya gusto nito. A&E:"Uy!" Vien:"Ganda mo talaga Elissee" (sabay hawak sa kamay at braso nito) E:"Hehe nangbola kapa"(Ngiting aso) V:"Eh totoo naman diba Jay?" (nakangiti sa akin at biglang hinawakan ako sa braso at inuga ako. Mahilig siyang gawin yun.) A:"Sabi mo eh hahaha" V:"Elissee, eto oh kwintas galing yan sa lola ko, kasi sabi niya ibigay ko daw yan sa babaeng mahal ko." Sabay ngiti niya kay Elissee. E:"Thank you Vien! Pero sure ka ba talagang sa akin mo ibibigay yan? kasi marami ka pang makikilalang babae eh." V:"Sige na Elissee tanggapin mo na, ibalik mo na lang sa akin kung ayaw mo talaga pero for now, sayo na muna please!!" Tinanggap naman niya yung kwintas at nagpaalam muna sa amin si Vien na babalik muna siya sa upuan niya. "Crush na crush ka niyang si Vien nho?" Sinabi ko kay Elissee. "Oo nga eh, ayoko namang deretsahin na wala siyang pag-asa sa akin. Baka magtampo pa yan eh." Sabi niya. "Para sa akin, mas magandang sabihin mo na sa kanya ng paunti-unti. Para hindi na umasa!" Suggest ko. "Susubukan ko." Sabi ni Elissee. "Elissee, ano'ng gagawin mo kung malaman mo'ng nagustuhan ka ng BEST FRIEND mo? " Tanong ko sa kanya. "Ako? Best Friend ko? Magkakagusto sa akin?" Tanong niya din. "Oo, kunyari si..... Rayzen!" Sabi ko. "Uh, kung ganoon din naman yung nararamdaman ko dun sa best friend ko, bakit hindi diba? Si Rayzen kasi Jay, kaibigan lang talaga tingin ko dun, kaibigan/kapatid. Kaya malabo na magkagusto ako sa kanya. Pero kung may gusto siya sa akin, maiilang talaga ako. Tagal na naming magkaibigan tapos nagyon niya lang sasabhin. Tsaka malabo yun nho! Di ako magugustuhan nun! At bawal pa ako mag bf bf na yan." Sagot niya sakin. Uy sakit nun para kay Rayzen. "Ahh, kung gusto ka nga ng kaibigan mo, sana wala paring magbago sa pakikitungo mo dun sa kaibigan mo na yun kasi kaibigan mo parin naman yun diba?" Sabi ko kay Elissee. "Oo na po! Hahaha pasama na lang sa cr please?" Loko to ah? ahahah.
////(Recess)////
Magkakasama kaming anim nila Rayzen. Ang dami namin nho? Ako, si Elissee, Rayzen, Enah, Gathe, at Jinnie. Minsan pag kumakain kami kung ano binili ng isa, bibilhin din ng lahat! Haha minsan kapag hindi makapagdesisyon yung kakainin ng lahat o kaya iba yung gusto, kanya- kanyang bili. "Himala Rayzen! Bakit ka sumabay sa amin?" Tanong ni Jinnie. "Dumidiskarte ka kay Jay nho!?" Dagdag pa niya. Bakit ako?? "Lhu? Problema mo Jinnie? Ako agad?" Tanong ko sa kanya. "Defensive Jay? Sino ba'ng madalas kalandian ni Rayzen?" Loko talaga to'ng si Jinnie. Si Jinnie kasi diretsahan makapagsalita. Maputi ang balat niya, medyo brown ang kulay ng buhok niya, matangos ang ilong, matangkad ng konti sa akin, matalino rin siya pero madalas magmura at mang-inis. At ang madalas niyang inisin ay sino pa ba? Edi AKO! Minsan nga napipikon ako pero di ko pinapahalata. Tsaka napipikon lang ako kapag sumosobra na siya, yung hindi na nakakatuwa tsaka dinadamay na yung iba? "Hoy Jinnie hindi ah! Loko ka talaga." Sagot ni Rayzen sa kanya. Tinignan ko lang si Jinnie ng -Di nga?- na tingin. Alam niya na ibig sabihin nun. "Uy! Ano ba bibilhin natin? Nagugutom na ako." Sabi ni Enah. "Lalaki, lalaki bibilhin natin." Biro ko. "Naghahanap ka pa ng iba eh nandiyan na si Rayzen." Biro din ni Gathe. "Ew." Sabi ko. Tinawanan na lang ako ni Rayzen at nakita ko siyang tumabi kay Elissee. Ayan na, didiskarte na siya. Habang kumakain kasama nitong mga madadaldal na mga babaeng ito eh diko maiwasan mapatingin kila Rayzen at Elissee. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanila o maiinggit na ewan eh. Pano ba naman, ilang beses sinubukang akbayan, magsabi ng sweet at ng kung anu-ano pa'ng kalandian na halatang hindi naman ume-epek kay Elissee. Ang hina pala nitong dumiskarte eh. Hindi naman kasi nadadaan ang lahat ng babae sa ganun. Lalo na kapag wala naman siyang idea na may gusto sa kanya yung isang tao! "Uy si Sir Fable paakyat na!" Pasigaw na sabi ng kaklase ko'ng si Paul. Nagmadali naman kaming pumasok sa room.
///MAPEH (Last subj.)///
Nagsusulat kami ngayon ng lecture sa mapeh, grabe ang haba ng susulatin! Ang sakit na ng kamay ko kakasulat. "Jay." Mahinang sinabi ni Rayzen habang nakatayo sa likod ng bangkuan ko. "Bkt?" Tanong ko. Dahan-dahan naman siyang umupo sa upuan ng katabi ko. Nasa ibang upuan kasi yung katabi ko na si Anne. "Bat naman ganun, kahit anong diskarte kay Elissee kanina parang walang epekto." Malungkot at madramang sabi niya. Nabanggit ko ba sa inyo? Napakadrama niyang si Rayzen? Yung sobrang drama na minsan maiinis ka na lang kasi lahat ng bagay dinadramahan? Kung di ko lang talaga kaibigan to. Ehem. Bakit si Elissee pa kasi. "Ano yun Jay? Pakilakas ang hina ng boses mo." Hala! Nasabi ko pala yun! Tsk. "Uhm ano, sabi ko ano." Sabi ko. "Ano? puro ka ano diyan eh. haha." Sabi niya. "Ang sabi ko hindi kasi ganun manligaw." Sinabi ko sa kanya. "Talaga lang ha, parang alam na alam mo ha? Bakit Nangligaw ka na ba?" Biro niya. A: "Lalaki ba ako? Ba't ako manliligaw?" R:"Eh kilos lalaki ka naman din eh haha." Aray naman. A:"Che! Para kasing hindi ka nangliligaw eh. Nanglalandi ka lang." R:"Grabeh ka sakin nho? Ako na malandi." Ayan na naman nagdrama na naman." A:"Meron ba'ng nangliligaw na umaakbay kaagad? Drama mo!" R:"Bawal ba yun?" A:"Syempre! May ibang tao na ayaw ng ganun." R:"Ikaw na expert! Ok, gets ko na. " "Tama na yan, bukas naman. Sige na maglaho na kayong lahat!"Biro ni sir Bert. "Alis na Rayzen kukunin ko na bag ko. Tama na ligawan diyan." Biro ni Anne kay Rayzen. "Baka nangliligaw?" Sinabi ko. "Gusto mo ba?" Tanong ni Rayzen at napatingin si Anne sa akin na nakangiti. "YUCK!" Sagot ko. "Biro lang haha." Sabi ni Rayzen. "Sige na." Dagdag pa niya.

BINABASA MO ANG
FALL <3
Ficción GeneralIto ay tungkol sa isang babaeng teenager na si Caite Jay Gonzales. Ito ay isang kwento tungkol sa mga karanasan niya sa kanyang buhay. Nariyang umibig sa bestfriend niya, nasaktan, at marami pang iba.