Chapter 9: That hug.

7 0 0
                                    

Sabado ngayon at imbis na magpahinga sa bahay eh nandito ako sa plaza at hinihintay yung mga kagrupo ko'ng kay aagang dumating! 15 mins. na akong naghihintay dito! Bilad na bilad na yung beauty ko! Jusko day!

*ting*

Binuksan ko ang phone ko para tignan kung sino yung nagtext.

-1 new message from Ashe-

Agad ko namang tinignan yung text dahil kagrupo ko siya.

Ashe: Jay, una ka na kila Rayzen. Malalate daw yung iba, papunta nako didiretso na lang ako kila Rayzen.

Ha!? Ako!? Pupunta ako mag-isa kila Rayzen!? Hindi nga kami nagpapansinan nun eh!! Sadya ba to!? Ugh!

Me: Wag na, maghihintay na lang ako dito (tutal sanay na akong maghintay). Hinatayin ko na lang yung iba dito.

Ayokong pumunta mag-isa sa bahay nila nho!

Ashe: Huwag na Jay. Wala kang kasama diyan tsaka nag-usap na lang na diretso na lang daw kila Rayzen yung mga malalate.

Ugh!!

Me: Sige sige pupunta na lang ako dun.

Sige na nga! Pupunta na lang ako dun, pero sana may nauna na sakin dun. Babagalan ko maglakad! (Walking distance lang naman eh)

Pagkatapos ng ilang minuto ng mabagal na lakaran eh nakarating na rin ako sa bahay ni Kumag este Rayzen. Di ko alam kung paano ko siya tatawagin! Kung hintayin ko na lang kaya yung iba sa labas ng bahay ni Rayzen? O kaya umuwi n lng ako tapos sabihin ko may kailangan akong puntahan? Ugh!

Paalis na sana ako ng biglang may tumawag sakin. "Ate!" Tawag ng kapatid ni Rayzen. Mukhang huli na ang lahat para umalis. Hmp. "Uy, andyan ba kuya mo?" Tanong ko. "Opo! Tawagin ko lang po." Sagot niya sabay pasok sa bahay at sumigaw ng kuya. Napansin kong konti lang yung tsinelas labas ng bahay nila, nako po! Ibig sabihin wala pa yung iba ko'ng kagrupo! Napahawak ako sa mukha ko dahil naiimagine ko yung awkwardness ma mangyayari.

Narinig ko namang nagmamadaling lumabas yung kapatid ni Rayzen at sinabi sakin sa pumasok daw ako sabi ng kuya niya. Tignan mo, di man lang ako nilabas. Huh.

Dahan-dahan naman akong pumasok sa bahay nila at tumuloy ako dun sa may sala. Dun kasi kami laging nag gro-groupings eh. Nakita ko sis Rayzen na nagce-cellphone, napatingi naman siya sa kinakatayuan ko. Siguro naramdaman niya na nandito na ako. Ay, may pakiramdam pala itong mokong na ito? Akala ko kasi manhid eh. Feelings ko nga di niya maramdaman eh. AY.

"Uy." Sabi niya sabay tango. "Upo ka dito oh." Dagdag niya sabay turo sa mahabang bangko na kinauupuan niya. Tumango lang ako at umupo pero hindi ko siya tinabihan. Simple lang naman ang bahay nila Rayzen. Kulay green yung kulay ng pader ng sala nila brown naman yung sahig. Merong computer sa sulok katabi ng isa pang bangkuan. Nasa gitna naman ang tv at may katabi itong lumang radyo. Simpleng-simple lang, wala masyadong abubot.

"Ehem." Bigla naman akong napatingin kay Rayzen. "Hmm?" Sabi ko. Hindi ko tlga alam kung paano kausapin siya, eh ang tagal din naming hindi nagpapansinan nho!

"Bakit ikaw lang nandito? Nasan yung iba?" Tanong niya. Bakit? Ayaw niya ba akong kasama?! Charing lang. "Ah, malelate daw sila tas si Ashe papunta na raw." Sagot ko. "Ahh ganun ba.. Uhm... Jay..." Sabi niya at halata sa kanya na parang nahihiya siya na ewan. "Bakit?" Tanong ko. "Sorry ah." Medyo nabigla ako sa sinabi niya. Di ko alam kung bakit pero di ko lang talaga kasi inaasahan na magsosorry siya ngayon. Di bale good timing narin kasi kami lang namang dalawa.
"Sorry kung hindi kita pinapansin ah. Di ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at pati ikaw di ko na pinansin! Tsaka sorry din kasi nung time ng math? Yung sa papel? Iniinis ko lang si Elissee nun, alam mo namang cute na cute ako sa kanya kapag naiinis. Hindi ko naman sinasadya na matamaan ka eh." Wow ha sakit naman nun. Kay Elissee lang nagpapapansin. Ano ba'ng iniisip ko? Eh kay Elissee naman siya may gusto? "Sorry talaga Jay ah." Dagdag niya. "Bakit ba kasi pati ako hindi mo pinapansin? Tsaka halata naman sayo na gusto mo'ng magpansinan na kayo ni Elissee eh bat di mo kausapin?" Tanong ko. "Jay, kasi masyado ka'ng malapit kay Elissee. Syempre kapag kinausap kita hindi imposible na makausap ko rin siya. Alam ko'ng dapat hindi na kita dinamay kaya nga nagsosorry na ako kasi alam ko'ng mali. Yung kay Elissee ginagawan ko na ng paraan, actually nagsorry na ako sa kanya sa phone kaso di parin ako pinapansin. Alam mo naman yun, matigas pag dating sa ganyan." Sagot niya. "Ang gara lang kasi Rayzen, kapag may gulo kayong dalawa lagi na lang akong nadadamay. Wala namang problema sakin kung tutulungan ko kayong magkabati kasi kaibigan ko kayo eh, ang akin lang sana hindi ako madamay na merong nasa punto na ako na yung na gigitgit sa gitna?" Sabi ko. Halata ang pagkagulat ni Rayzen sa mga sinabi ko pero tumango siya na parang sinasabi niya na naiintindihan niya. "Naiintindihan kita Jay. Kaya sorry talaga as in sorry. Sana magkabati na tayo please?" Sabi niya na habang nagpapacute na paawa. "Oo na! Hindi porket na nag pacute ka kaya ko tinanggap yung sorry mo ah! Alam ko lang kasi na wala namang mangyayari kung hindi tayo magpapansinan ng matagal haha! Tsaka sorry din nung tinulak ko yung bangko." Sabi ko. "Haha yun! Salamat! Grabe ka kaya nun! Nagulat talaga ako sayo haha! Yiee bati na kami!" Masayang sabi niya sabay akap sa akin. Woah! Niyakap niya ako? Niyakap niya ako. Niyakapa niya ako!!!

Bakit ganun yung pakiramdam? Parang safe na safe ako dahil sa yakap niya. Ngayon alam ko na yung sinasabi nila na mga paro- paro sa tiyan. Ang sarap sa pakiramdam! Feeling ko sasabog ako sa kilig!! Kahit forever na kaming nakaganito keri lang ata sa akin! Choss!

"Ehem ehem! Na late lang kami may ganitong kaganapan na? Yieee!" Parehas naman kaming nagulat kay Rhen na enjoy na enjoy sa panonood sa amin ni Rayzen! Kasama pa si Ashe! Dali-dali namang nagtulakan kami ni Rayzen at nagpatay malisya. Feel na feel ko yung pamumula ng pisngi ko ngayon! Kahiya! Bakit pa kasi kailangan makita pa nila? Tsaka nag timing naman tong dalawa na to! Pero ok lang, atlis ayos na kami ni Rayzen. Miss na miss ko na rin siyangakausap eh. Haaay, kilig much. Harot! Hahaha

FALL <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon