"Jusko po Jinnie! Ano yang pinasok mo? Ang hirap niyan! Ano ba ang nangyari? Panong naging kayo ni Oyo?" Tanong ko sa kanya. "Ganito kasi yan, madalas na kasi kaming nagkakatext ni Oyo simula nung nagkasama kami sa isang groupings at nakausap ko siya ng matagal nun. So yun nagkamabutihan alam niyang bf ko si Eric kaso nung mga panahon na nakakatext ko siya eh yun ung mga panahon na medyo nagkakamalabuan kami ni Eric, kaya sa kanya ako naglalabas ng sama ng loob. Tapos kahapon tinext ko siya at nagkwento ulit ako sa kanya kasi nagkatampuhan kami ni Eric. Tas nag text siya na hindi ko worth si Eric kung lagi kaming nagaaway tapos sinabe niya na kung gusto ko na maging kami na lang tas ang sinabe ko ay sige kasi tinatamad ako magreply. Iba yung meaning ko ng sige, tas yun pagkagising ko ngayon nag text ng good morning siya with smiley face pati heart tas may love you pa." Kwento niya. "Huh? Eh kung ganon eh sabihin mo na agad sa kanya na namisunderstood ka lang niya." Sabi ko. "Eh, wag na! Hayaan mo na." Sabi nya. "Jinnie naririnig mo ba yung sinasabi mo? Baka mamaya maipit ka diyan sa ginagawa mo?" Pasagot na Si Jinnie nang biglang dumating si Oyo. Bigla namang nag-iba ang mood ni Jinnie, yung kaninang mood niyang naiistress na ewan ngayon naman eh masiglang masaya na alam ko at halata namang peke. "Uh Jay tsaka na tayo mag-usap Jay ah! Later na lang" Sabi ni Jinnie, magsasalita sana si Oyo kaso bigla niyang hinila. Ano ba itong ginagawa ni Jinnie?! Tsk..
///Science Time///
Wala kaming teacher ngayon dahil may seminar na pinuntahan yung teacher namin, medyo maingay sa room pero di ko na sinasaway yung mga kaklase ko kahit na ako yung peace offier sa room, kasi pag sinaway ko yung mga iyon eh kung ano-ano lang sasabihin sa akin. Ganun naman talaga eh, kapag nanaway sasabihin mayabang, kabang hindi ka nananaway sasabihin hindi mo ginagawa yung tungkulin mo! Yung tataa!?
Biglang umupo si Elissee sa tabi ko habang nakakunot ang noo, bad trip si girl ah. "Anyare?" Tanong ko. "Tanungin mo yang si Rayzen!" Inis niyang sagot. Bigla namang sulpot ni Rayzen. Medyo nagulat ako ah haha. "Uy Elissee sorry na." Pagmamakaawa niya sinagot naman siya ng pataray ni Elissee "Che! Ewan ko sayo!" "Ano ba meron?" Tanong ko sa kanila. Sa totoo lang, laging ganito yung eksena nilang dalawa. Medyo nakakainis na kasi madalas I mean lagi, ako ang nagbabati sa dalawang iyan. Ok lang naman sakin, kaso kasi minsan ako pa yung napapasama eh. "Ako na lang magsasabe, yan kasing si Rayzen kung ano-anong pinagsasasabi sakin! Sabihan ba naman akong bobo? Sinabe ko lang sa kanya na may gusto ako kay Fred ang sakit na ng mga salitang sinasabe niya! Tanggap ko pa yung sinabe niya na malabo akong magustuhan ni Fred, pero yung ayoko lang eh yung sabihan niya ako ng nagpapakatanga lang ako at ang bobo ko dahil hindi ko daw mapansin na may mas better pa daw kay Fred na tao at mahal ako! Nako! Basta kayo muna mag-usap lalabas muna ako pupuntahan ko muna si Ennah sa canteen!Hmp!" Galit niyang sinabe.
"Bakit mo naman sinabe yun? Para ka namang ewan!" Sabi ko kay Rayzen pagkaalis ni Elissee. Madalas kasi si Rayzen parang hindi iniisip yung mga sinasabi niya, hindi niya iniisip kung masasaktan yung taong sinasabihan niya nun o hindi. Pero mabait ya'ng si Rayzen. Matatawa ka sa mga jokes nya kahit minsan corny na, pwede mo siyang kwentuhan at siguradong makikinig siya sayo. Napaka-sarap pakinggan nung boses nya mapa-telepono man o face to face. Lalo na yung tawa niya, nako! Matatawa kadin minsan nga sa tawa niya ako natatawa hindi sa joke niya eh. Magaling siyang sumayaw pero yung pinaka gusto ko sa kanya eh yung mga ngiti sa labi niya, nakakahawa- teka! Ano ba itong sinasabi ko? Ano ba nangyayari sakin? Ugh!
"Jay"
Bakit ba ganito ako lately?
"Jay"
Ngayon ko lang naramdaman to'ng feeling na ito, yung tuwing hahawakan niya ako eh para ba'ng nakukuryente ako na ewan! Crush ko na ata siya.. Nako po!
"Jay!!!" Sigaw ni Rayzen.
"Huh!? Ay ano yun!?" Tanong ko.
"Tignan mo to! Tatanong-tanong kung ano nangyari hindi naman pala nakikinig psh!" Medyo may inis sa boses niya nung sinabi nya yun.
"Eh sorry naman! Ano ba yung sinasabi no?" Tanong ko.
"Yun nga, kasi nasaktan ako nung sinabi niya na si Fred yung gusto niya. Alam mo namang elementary pa lang kami eh gusto ko na yang si Elissee-"
"Oo nga Rayzen alam ko pero siya ba alam niya?" Sabi ko.
"Sasabihin ko na talaga dapat Jay, kaso nauna siyang magsalita na gusto niya si Fred. Siyempre napanghinaan na ako ng loob nun! Bakit ko pa sasabihin na gusto ko siya kung alam ko namang may gusto siyang iba? Ano pa silbi nun?" Malungkot niyang sinabi.
Nagulat ako sa mga sinabi niya, hindi ko alam na ganun niya kagusto si Elissee. Pero mas ikinagulat ko yung may naramdaman ako'ng kirot sa puso ko matapos niya sabihin yung mga salitang iyon.
"Pero mas maganda paring sabihin mo sa kanya diba? Para alam niya, para mailabas mo yung nararamdaman mo?" Sabi ko.
"Hah! Sige nga Jay kunyare ikaw ako. Kunyari gusto mo rin yung kaibigan mo ng palihim, pero ang tingin niya lang sa iyo eh hanggang kaibigan lang. At may gusto siyang iba, sasabihin mo pa ba sa kanya yung totoo?" Tanong niya. Napatingin ako sa mga mata niya. Tinititigan niya akong mabuti kung ano yung sasabihin ko. Kung ako ang nasa posisyon niya? Sa tingin ko hindi na kailangan sabihing "KUNG" dahil yun din yung pinagdadaanan ko eh. Sa mga sinabi ni Rayzen ngayon, napagtanto ko na parehas pala kami. Ako gusto ko siya, oo hindi ko na ipagkakaila sa sarili ko. Pati ba naman sarili ko lolokohin ko? Eh nitong mga dumaan na araw eh alam ko'ng iba na yung nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko nga siya totoo to'ng nararamdaman ko.
"Jay, ano?" Tanong niya ulit.Hindi, hindi ko sasabihin Rayzen.
"Oo naman!" Pagsisinungaling ko.
"Talaga Jay sasabihin mo?"
"Oo Rayzen, para wala na akong tinatago sa sarili ko. Para makita ko yung magiging reaksyon niya. Malay mo, kung hindi man niya ako gusto eh mas madaling mag move on pag sinabi ko sa kanya diba?" Wow Jay! Ang galing mo'ng salita ng ganyan ni hindi mo nga magawa!
Tumango lamang si Rayzen at biglang tumalikod sa akin at naglakad papunta kung saan pumunta si Elissee. Tinawag ko siya at bigla siyang lumingon.
"San ka pupunta?" Tanong ko. "Pupuntahan ko si Elissee magso-sorry ako at sasabihin ko na sa kanya." Sabi niya.
"Agad-agad?" Tanong ko.
"Oo, wala na akong pake kung anong mangyari. Kasi kahit ano namang mangyari hindi naman niya ako magugustuhan diba? Kung mapahiya man ako ngayon at magmukhang tanga sa harap niya ngayon ok lang, matagal na naman akong nagpakatanga eh. Hindi ko pa sinasabi sa kanya, alam ko na yung magiging sagot niya. Siguro nga tama ka, mas magandang malaman na niya ngayon kesa tumagal pa." Pagkatapos niyang sabihin iyon eh bigla na siyang naglakad papalayo sa akin papuntang canteen.///Pagkatapos ng ilang oras///
Last subject na namin ngayon at kanina ko pang napapansin na walang kibo to'ng si Elissee simula nang pumasok siya sa room kasama si Ennah pagkagaling niya sa canteen.
Si Rayzen naman eh kanina pa'ng hindi maalis yung lungkot sa mukha niya.
Mukhang hindi naging maganda yung nangyari ah."Ehem!" Bigla namang napalingon sa akin si Elissee na may pagtataka sa mukha niya.
"Bakit?" Mahina niyang sagot. "May nangyari ba? Bakit kanina pa ganyan yang mukha mo?" Tanong ko.
"Ah, wala! Wala lang."
"Seryoso? Magkakaganyan kaba kung wala lang?"Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita. "Uh si Rayzen kasi eh." "Oh? Anong meron kay Rayzen?" Tanong ko. "Hindi lang kasi ako makapaniwala sa sinabi niya." Sagot niya. "Ano ba yung sinabi niya?" Psh! Ano ka ba Jay?! Nagtatanong ka pa eh alam mo naman yung sagot! "Sabi niya may... May gusto daw siya sakin." Sabi niya. Kitang-kita yung pagtataka at pagkagulat sa mukha niya. "Oh? Ayaw mo ba nun? Ayaw mo ba na gusto ka niya? Eh, marami naman ding nagkakagusto sayo diba? Yung iba nga hindi mo pa kilala, ano namang masama kung magustuhan ka ni Rayzen?" Totoo yun, maraming nagkakagusto kay Elissee dito sa school namin pati sa lugar nila. Famous nga siya sa facebook eh, pag nagpost siya ng selfie niya umaabot ng 100+ yung likes. (Walang kitang cleavage hindi siya ganun) Maganda talaga kasi to'ng si Elissee kaya hindi na nakapagtataka.
"Wala namang masama Jay. Ang akin lang, bakit ngayon niya lang sinabi? Ang tagal na pala niyang gusto ako. Tsaka talagang ngayon niya pa sinabi ah? Pagkatapos ng mga sinabi niya sakin kanina? Tsaka Jay tatapatin kita, di ko naman type si Rayzen eh. Hanggang kaibigan lang yung tingin ko sa kanya, parang kapatid ko na nga yan eh. Please Jay kung magdradrama man siya sa iyo pakiexplain na lang sa kanya. Kasi baka pag ako mag explain eh mag- away pa kami." Sabi niya. Ha!? Bakit ako? "Uy! Bakit naman ako?" "Sige na Jay please!!" Pagmamakaawa niya. Nako eto na naman tayo! Maiipit na naman ako sa dalawang ito! Gagawin na naman akong messenger. Pero ano ba naman magagawa ko? Kaibigan ko sila at gusto ko silang magkaayos.. "Sige na nga!" Sabi ko.///Kinagabihan///
Sabi ko na nga ba eh! Alam ko nang mangyayari to eh, tsk! Bakit ba ako pumayag? Uggh! Heto tuloy ako, 9:30 na ng gabi at hindi parin ako tapos sa trabaho ko. Oo trabaho ko! Trabaho ko'ng maging messenger nilang dalawa! Ay nako Elissee at Rayzen mahirap to ah? Call center lang ang peg ko ngayon! Sa telepono ko pa Sila kausap. Pagbaba ng telepono ni Rayzen idadial ko no. ni Elissee, pagbinaba naman ni Elissee idadial ko naman no. ni Rayzen! Wow ha!?
At nakikisabay pa to'ng si Jinnie na kanina ko pa katext sa cellphone. Sa tingin niya daw kasi ngayon eh mahal na niya si John! Lahat naman ata mahal neto.
Nakakalerkey sila! Ang hirap ng mga pinagdadaanan nila ngayon! Ang bigat ng dinadala nila sa utak nila at damdamin nila!
BINABASA MO ANG
FALL <3
General FictionIto ay tungkol sa isang babaeng teenager na si Caite Jay Gonzales. Ito ay isang kwento tungkol sa mga karanasan niya sa kanyang buhay. Nariyang umibig sa bestfriend niya, nasaktan, at marami pang iba.