Chapter 8: Problems.

3 0 0
                                    

       Mag iisang linggo na rin na hindi ako pinapansin ni Rayzen. Actually, hindi lang naman ako si Elissee din. Si Ennah lang ata ang pinapansin sa amin nun eh. Ewan ko ba dun! Lakas ng topak! Naalala ko pa nung nakaraang araw, math subject namin nun, nasa likod namin siya ni Elissee. Tahimik lang kami ni Elissee nun nang may biglang papel na bilog na naglanding sa harapan ni Elissee, galing sa likod niya yung papel. Nung una hindi pa namin pinapansin, hanggang sa mas dumami pa yung papel na binabato kay Elissee. Sinubukan kong tignan kung may nakasulat sa isa sa papel na hinahagis pero wala. Medyo naiinis na nga si Elissee "Jay kanina pa yang si Rayzen ah, sarap kutusan."
"Oo nga eh, mamaya sakin yan." Sabi ko. Ayaw ko sanang makialam kaso pati kasi ako tinatamaan. Hindi na nga ako makapagfocus dun sa sinasabi ng teacher namin, ang dami pang kalat sa harap namin dahil kay Rayzen! Isa pang bato niya papatulan ko na talaga siya!

Mga magsasampung segundo na ng may naglanding sa likod ng ulo ko na papel. That's it!!

Kinuha ko yung huling papel na binato niya at bigla akong tumayo at humarap kay Rayzen.

"ANO BA'NG PROBLEMA MO!?" Sabi ko sabay bato sa mukha niya nung papel. Kitang-kita sa mukha niya yung pagkagulat pero bigla rin itong napalitan ng ngiting mapang-asar. Nang-aasar pa tong si loko ah! Lalo akong nainis nang nakita ko yung pangaasar sa mukha niya kaya tinulak ko ng malakas yung bangkuan ko para matamaan yung paa niya. Bumalik ulit yung gulat sa mukha niya. Pati nga si Julian na katabi nya nagulat din sa ginawa ko. Baka nasaktan si loko. Tinignan niya ako at tinignan ko rin sya habang nakataas ang kilay ko sabay upo ko sa upuan ko at tinalikuran ko siya. Bigla namang nagsalita si Julian, "Ikaw kasi brad eh, yan tuloy." Pero si Rayzen hindi umimik. Parang medyo naguilty ako, baka ksi nasaktan ko eh. Di bale mas masakit naman yung pinaparamdam niya sakin. AY.

///Kasalukuyan///
 
        "Jay! Lika na!" Tawag ni Gathe sakin. Uwian na namin ngayon pero di pa ako uuwi kasi nagpapasama pa si Gathe sakin dun sa pinagprapraktisan niya ng tennis, meron kasi siyang kukunin eh.

        Mga ilang minuto ang lumipas at papunta naman kami ni Gathe sa school ng pinsan ko na 6 yrs.old si Alion. Ako kasi yung sumusundo sa kanya. Pupunta ako sa school niya tapos hihintayin namin dun yung service na tricycle. Pagkadating namin ni Gathe sa school ng pinsan ko, nakita ko na tinuturuang sumayaw ng teacher sila Alion. Naghintay muna kami ni Gathe dun sa may hintayan ng mga sundo. Bigla ko namang nakita yung wrist ni Gathe may guhit? Ano yun laslas?

       "Gathe? A-ano yan?" Sabay turo ko sa wrist niya. Nagulat siya sa tanong ko at sinubukang itago yung wrist niya. "Gathe, nakita ko na. Huwag mo'ng itago. Ano ba ang nangyari? Ba't mo ginawa yan?" Tanong ko. "Eh kasi, Jay di ko na kaya eh. Ang hirap kasi eh." Sagot niya. Nakita ko yung mga luha niya na ngingilid sa mata niya. "Ang alin Gathe?" Tanong ko. "Yung mga problema Jay. Di ko alam kung bakit pero parang ayaw ako tantanan ng problema." Pagkasabi niya nun, sakto namang tumulo yung luha niya at dali-dali niya to'ng pinunasan. "Gathe, ang problema dadaan lang sayo yan. Hindi yan maninirahan sayo. At sabi nga nila diba? Lahat ng problema may solusyon, at Gathe hindi paglalaslas yung solusyon sa problema. Kasi Gathe madadag-dagan lang yung sakit na nararamdaman mo kesa mabawasan. Nasasaktan ka na nga sa loob, masasaktan ka pa sa labas. Gathe kaibigan mo ko, pwede mo akong kausapin at sabihan ng mga problema at nararamdaman mo. Tandaan mo hindi ka nag-iisa sa mundong to. Alam ko ding kayang-kaya mo'ng lagpasan lahat ng problema! Ang tapang-tapang ma kaya nho!" Sabi ko sabay ngiti. Sana nakatulong yung mga sinabi ko kay Gathe. Ngumiti sakin si Gathe at kinuwento ang mga problema na gumugulo sa isip niya.
      
       Matapos yung ilang minuto pinauwi na sila Alion, sakto namang dating ng service namin. Sumabay si Gathe samin dahil madadaanan naman namin yung bahay niya.

    Bago bumaba ng tricycle si Gathe nagsalita siya sakin. "Jay, thank you." Sabay ngiti. Feel ko yung thank you na iyon hindi lang dahil sinabay namin siya sa tricycle. Ang gusto ko lang kay Gathe ay maging masaya siya at wag mawalan ng pag-asa. Ang problema hindi naman mawawala yan eh, lahat tayo nakakaranas niyan, nasasa atin na lang kung pano natin yun haharapin.

FALL <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon