Habang nakahiga ako sa kama, bigla ako'ng napaisip. Bakit ganito ba yung nararamdaman ko? Bakit kapag nakikita ko si Rayzen, parang tumitigil yung oras. Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya? Paghinahawakan niya ako, parang nakukuryiente ako na ewan! Crush ba ito o love? Sa tingin ko crush lang eh. Hindi naman ako expert sa love na yan, si Jinnie siguro oo haha. *Bling* Napatingin ako sa cellphone ko at nakita ko'ng nagmessage si Jinnie. Sakto haha. ~"Beshie, tulong naman oh?" Beshie kasi yung tawagan namin simula palang nung first year, second year na kami ngayon at yun parin yung tawagan namin. Medyo jeje. ~"Ano yun?" Tanong ko. ~"Ano magandang iprof.pic?" Kala ko kung ano ~_~ ~"Ung panagalawa na pic." sabi ko. "Haha thanks beshie ;* May isa pa akong isang prob. eh" Sabi niya. ~"Kung ano magandang i-cover nho?" Biro ko. ~"Hindi nho! Haha. Gulong-gulo na talaga ako beshie. :'(" Sabi niya. ~"Gulong-gulo saan?" Tanong ko. ~"Kung sino pipiliin ko kay John o Eric? Wala akong mapili sa kanilang dalawa, mahal ko sila pareho." Tsk hirap niyan. Si Jinnie kasi ay napakalapitin ng mga lalaki, dahil din siguro sa maputi at makinis niyang balat at matangos pa ang ilong, maganda pa. Ang problema lang talaga sa kanya eh masyadong palamura at masakit magsalita. Wala siyang pake kung may nasasaktan o may makakaaway siya sa mga sinasabi niya. Pero mabait din siya at masarap kasama. Pinaka malaki niya talagang problema ay yung buhay pag-ibig niya. Tulad ngayon, si Eric yung bf niya ngayon tapos si John naman eh nangliligaw sa kanya. ~"Beshie, hindi naman pwedeng silang dalawa yung mahal mo." Sabi ko. Hindi talaga ako expert sa ganito aaminin ko, pero hangga't makakaya ko na tulungan to'ng kaibigan ko tungkol sa love life niya eh keribels lang. ~"Oo nga beshie eh, ang sabi naman nila hindi naman daw ako maghahanap ng iba kung mahal ko pa yung una. Mahal ko si Eric, pero ang sabi sakin ni Aica (kaklase namin) eh baka kaya hindi ko maiwan si Eric eh dahil matagal na kami at baka nanghihinayang lang ako sa tagal ng pinagsamahan namin." Sabi niya. ~"May point din siya, pero sabi mo nga mahal mo si Eric diba? Baka kasi nalilito ka lang sa nararamdaman mo. Baka kasi hindi naman pala pagmamahal yung nararamdaman mo kay John, tutal ngayon -ngayon mo lang naman din nakilala yun. Para sakin kilalanin mo muna si John tska dapat hindi mo na siya pinagtuunan ng pansin nung una pa, kasi may bf ka na eh. Basta kilalanin mo muna silang dalawa para kung anuman yung maging desisyon mo eh wala ka'ang pagsisisihan." Ang napakahaba ko'ng sinabi kay Jinnie. Sa tingin ko, normal lang yung nararamdaman ni Jinnie ngayon. Bata parin naman siya eh, nasa grade 8 palang naman kami/siya kaya normal siguro yung pagkalito niya sa mga bagay-bagay na yan. ~"Siguro nga tama ka, pero hindi ko talaga alam eh. Parang gusto ko'ng i-try na maging kami ni John. Tingin mo?" Sabi niya. ~"Alam mo, ikaw lang naman makakapagdesisyon niyan eh. Kung gusto mo edi gawin mo, basta kung gagawin mo kung ano yung gusto mo eh siguraduhin mo'ng sasaya ka." Payo ko. ~"Naks naman beshie haha sige sige pagiisipan ko'ng mabuti." Sabi niya at nagpaalam na siyang maga-out na sa fb niya.
///Kinabukasan///
"Beshie!" Tawag ni Jinnie pagkapasok ko sa room namin. "Oh bakit?" Tanong ko. "Ang gara kasi eh, ang gara talaga. Nako! Haha." Hala nababaliw na ata to'ng si Jinnie. "Hala JInnie anyare??" Tanong ko. "Si Oyo kasi eh." Sabi ni Jinnie. Si Oyo ay kaklase din namin, mahilig magbasa lalo na mga fictions, magaling sa science, sa English, halos magkasingtangkad kami mga 5'3 ata? di ko sure. Mapusyaw yung kulay ng balat niya at pogi naman. Mabait din si Oyo pero di kami masyadong close sa isa't-isa.
"Oh bakit? Anyare kay Oyo?" Tanong ko. "Kami na!" Sabi niya. Hindi ko sure pero imbis na masaya yung pagsasabi niya nun parang ayaw niyang maging sila ni Oyo? BTW what?! Sila na?! Eh may bf sya eh! "Ano!? Kayo na? Paano si Eric? Break na kayo? Ba't ganun? Anyare? Parang kahapon lang ah!" Mabilis kong sinabi. "Dahan-dahan lang naman beshie! Ang daming tanong! Kami parin ni Eric." Sabi niya. "Orasan kaba Jinnie? Timer lang ang peg? Bakit mo naman pinagsabay-sabay?! May Eric ka na ah! May John pa tas meron pang Oyo!" Grabe tong si Jinnie! Kalerkey! Hindi nakuntento sa isa! Tinatlo pa!

BINABASA MO ANG
FALL <3
General FictionIto ay tungkol sa isang babaeng teenager na si Caite Jay Gonzales. Ito ay isang kwento tungkol sa mga karanasan niya sa kanyang buhay. Nariyang umibig sa bestfriend niya, nasaktan, at marami pang iba.