Chapter 7: Nalilito

3 0 0
                                    

///Kinabukasan///
6:15 am ngayon at nagmamadali akong umakyat sa hagdan ng building, 15 mins na kasi akong late. Tsk. 6:00 naguumpisa na yung klase namin, lagi naman akong pumapasok sa tamang oras kaso minsan eh nala-late talaga ako. Tulad nagyon..
Pagkatungtong ko sa 2nd floor eh nakita kong nakatayo si Jinnie sa labas ng room at sumisilip sa loob.
"Psst! Huy! Andyan na si Sir?" Sabi ko habang naglalakad papunta sa kanya.
"Oo andyan na haha bawal na raw pumasok!" Masayang sinabi nito.
"Masaya ka pa ha?" Pabiro ko'ng tanong.
"Eh, tinatamad din akong pumasok kaya ok lang sakin haha!" Sabi niya. Loko talaga to eh. Mukha mang tamad tong si Jinnie na mag-aral pero matalino sya. Actually lagi siyang nasa top. Noong grade 7 sya ang top 2 namin.
"Jay mukha namang hindi tayo papapasukin ni sir Junelle upo muna tayo sa hagdan." Sabi ni Jinnie. Sumunod naman ako sa kanya at umupo kami sa unang baitang hagdan papuntang 3rd floor ng building. Katabi lang ng room namin yung hagdan.
Napansin kong parang ang lalim ng iniisip ni Jinnie.
"May gusto kabang ikuwento Jinnie?" Tanong ko.
"Jay, bakit ganito ako? Bakit hindi ako makapili kung sino talaga kila John at Eric yung gusto ko?" Tanong niya din.
"Hindi ko alam Jinnie. Ikaw lang naman din makakasagot niyan. Pero bilang kaibigan, hanggat maaga magdesisyon kana. Huwag mo ng patagalin yung sitwasyon mong yan. Ang hirap niyan Jinnie, may Eric kana may John pa at meron pang Oyo. Parang pinaglalaruan mo kasi sila eh, ikaw rin baka mamaya sa huli walang matira sayo." Sabi ko.
"Yun nga Jay eh, naisip ko na yan. Gulong-gulo at litong-lito ako Jay! Baka kasi kapag tinigil ko yung kay Oyo magalit sya sakin. Hindi naman ako makapili kay John at Eric."
"Jinnie, kahit anong gawin mo magagalit talaga si Oyo. Pero mas mabuting sa iyo na nya marinig kesa naman sa iba pa. Yung kay John at Eric naman, sa tingin ko ikaw lng talaga yung makakapagdesisyon nyan. Mas kilala mo sila kesa sakin, hindi ko naman alam kung ano yung nararamdaman mo sa kanila. Kasi baka mamaya yung akala mong pagmamahal na nararamdaman mo eh hindi naman pala." Payo ko. Napangiti naman Si Jinnie.
"Alam mo Jay, kung magsalita ka parang ang dami mo ng experience sa ganitong bagay haha. Ilan na ba boyfriend mo? Eh parang mas marami ka pang naging boyfriend sakin!" Biro nito. Nakuha niya pang magbiro ah. Haha.
"Baliw, wala pa akong bf! NBSB to noh!" Proud kong sinabi.
"Wow! Proud ah! Hahaha!" Sabi niya. Bigla namang lumabas ng room si sir Junelle. "Nako Jay at Jinnie late na naman kayo." Biro nito. Itong si sir Junelle kahit na hindi nagpapapasok ito ng late eh mabait at close namin ito. "Hala sir ngayon lang po ah!" Sabi ko. Oo nalalate ako pero ngayon lang ako hindi nakapasok sa subject niya. Si Jinnie madalas. "Ganun ba? Kahit na late ka padin ngayon." Sabi niya habang nakangiti at bumaba na siya ng hagdan. Pumasok na kami ni Jinnie ng room.

Pagkapasok ng room, nakita ko sila Ennah at Elissee na magkausap at nagkukulitan. Napansin kong wala pa si Gathe. Kung hindi siya absent baka late. Minsan pumapasok yun recess na.
Napatingin ako bigla kay Rayzen at nagkatinginan kami. Bigla namang umiwas ito ng tingin at biglang nakipag usap kay Zen. Anong problema nun? Di bale hayaan ko muna baka papansinin din ako nyan mamaya.

///Science time///
Pangalawa sa huling subject yung science namin. Yes! Malapit na uwian!! Gumagawa kami ng group activity ngayon at ka-group ko si Rayzen. At tulad kanina umiiwas sya sakin. Anong problema nito? Parang kagabi lang kausap ko siya ah? Nako! Bahala sya, madalas namang ganyan yang si Rayzen, hindi mo maintindihan. Mahirap basahin. Mahirap unawain. Ewan ko ba kung bakit kahit na ganoon siya iniintindi ko pa rin. Kaya siguro lalong napapalapit ako sa kanya kasi gusto ko na malaman yung tumatakbo sa utak niya? Hindi ko alam, hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko.

"Bago ako umalis ng room, gusto ko lang ipaalala sa inyo na next week na yung periodical ah, kaya review-review din pag may time! Sige na bye class!" Sabi ni Ma'am Reblyn bago umalis. Oo nga pala! Periodical na naman! Ito na naman yung tinatawag na "Hell Week". Bakit kamo? Kasi lahat ng ipapasa mo'ng projects at activities ay kailangan mo ng ipasa! Eh kahit last last month pang sinabe ng mga teachers yung tungkol sa mga projects na yan para mahaba yung panahon namin na gawin yun, syempre may mga estudyante parin na hindi gagawa hanggat hindi pa malapit ang deadline! Tulad ko! Kaya lagi ako'ng haggard pag periodical week eh. Nagrereview ka na gumagawa ka pa ng project. Sipag! Tuwing ganitong week, lalong humihigpit yung mga tito at tita ko sa akin, sa mga kapatid ko at mga pinsan ko. Tutok na tutok kasi sila sa amin lalo na sa pag-aaral, ok lang naman sa akin yun kasi naiintindihan ko naman na para sa ikabubuti rin namin yun at medyo GC (Grade Conscious) rin kasi ako eh kaya kahit na hindi rin ako pagsabihan na magreview eh magrereview talaga ako. Ewan ko ba kung bakit medyo GC ako, siguro kasi ayoko mapahiya? Kasi kunyari nakakuha ka ng mababang marka sa test o kaya sa quiz tapos sasabihin pa sa buong klase tapos pagtitinginan ka pa? Nung grade 5 kasi ako laging ganun yung ganap ko sa room namin eh. Kung hindi lowest isa sa mga nakakuha ng mababang score. Feeling ko noon napagiiwanan ako, ayaw ko pa naman ng feeling na ganun. Resulta rin siguro ng madalas akong napapahiya sa school noong elementary especially nung grade 5. Pero kahit papaano maraming bagay naman na maganda yung nangyari sa akin noon nung elementary lalo na nung grade 6, kaya nagpapasalamat ako na napagdaanan ko yung mga pangyayaring yun kasi ngayon sa tingin ko ibang-iba na ako sa dati, mas maayos ako ngayong high school kahit na medyo may mga bagay parin na kailangan ko'ng baguhin sa sarili ko. Ganito naman talaga yung buhay diba? Sa bawat araw na dumadaan mas nakikilala mo yung sarili mo, may mga tao, pangyayari at bagay na dadating para mabuo mo yung pagkatao mo.

Whooo lalim!

Nawala yung pagmumuni-muni ko ng biglang dumating yung teacher namin sa mapeh. Pinapunta niya kami sa kanya-kanyang grupo para sa isang group activity, kagrupo ko nga pala si Rayzen baka naman mamansin na siya ngayon? Hindi ko kasi alam kung bakit hindi niya ako pinapansin, naiintindihan ko na hindi sila nagpapansinan ni Elissee pero bat pati ako? Sa tuwing may malapit na tao sa akin na bigla-bigla na lang ako'ng hindi pinapansin nag-aalala ako, baka kasi may hindi ako nagawang maganda sa kanila o nasabi eh. Lahat naman siguro ganun diba?


///Uwian///

Nililigpit ko na yung mga gamit ko ngayon para makalabas ng room ng biglang dumaan si Rayzen para lumabas ng room (sa tabi kasi ako ng pinto nakaupo eh), nabunggo na niya ako at lahat pero hindi man lang lumingon at nagpatuloy parin sa paglalakad! Aba! Ayos ah! Kung hindi lang talag hmp! Sarap kutusan! Ano ba ginawa ko dun? Parang kagabi lang nagpapatulong pa sa akin tas ngayon parang hangin lang ako kung daan daanan? tsss.



FALL <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon