One month narin ang naka lipas, lalo kaming naging close ni Rayzen. Ay hindi pala, mag bestfriend na daw kami. Malay ko dun, ang gulo ng pagiisp nun eh. So yun nga, nalaman ko na gusto niya talaga si Elissee. Patanggi-tanggi pa si loko eh, halata naman sa kanya. Naalala ko nga nun nung may play sa room namin tapos nakadress si Elissee titig na titig sya eh. Pero napansin ko lang, sa tuwing kasama ko si Rayzen, parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Feeling ko protektadong-protektado ako. May namumuo na kayang..... Ay ewan ! Hindi pwede ! Hindi mangyayari yun, tiyaka 1 month pa lang kaming naging magkaibigan.
Kasalukuyan kaming naggru-groupings ngayon, at kumukulo yung tiyan ko ngayon. Hindi ko alam kung nagugutom ako o ewan?
"Uy, problema mo ? nakatunganga ka diyan." Tanong ni Jinnie. "Jinnie, ang sakit ng tiyan ko ! Nauutot ata ako !" Biro ko. Bigla naman siyang natawa at naagaw niya ang pansin ni Klyde. "Bakit ? Anong meron Jinnie ?" "Si Jay kasi eh ! Nauutot daw siya ! Hahahaha!" Mas lumakas yung tawa ni Jinnie, at sinabi din ni Klyde sa iba yung nalaman niya ! Gashness !!!! "Jay naman.. wag ka magkalat dito!" Biro ni Ashe. Ang ingay na ng grupo namin ! Nagtitinginan na yung iba at palapit na samin ung teacher namin na si sir Fable ! "Ano meron?" Seryosong tanong nito. "Wala po sir !!" Sabi ko na medyo nahihiya na sa nangyayari."Sir! Si...hahaha si ano po! SI Jay po hindi na mapigilan yung.. yung hahaha yung ano! Yung tae niya po!" Sabi naman ni Chris. Grabe edited yung sinabi ko? Tinignan ko ng masama si Chris. "Sir di po makatayo si Jay bka na-download na niya!" Biro ni Rayzen na kagrupo ko din. "Hala!" yan lang nasabi ko. Nangiti naman si sir Fable at tinanong ako. "Lalabas na ba talaga?" Umiling lang ako. "Sige na huwag ka na mahiya pumunta kana sa cr." Hindi parin naalis yung ngiti sa mukha niya. "Sir hindi po talaga!" sabi ko. Tumango na lang si sir at umupo sa upuan niya. Kahit na hiyang hiya na ako ngayon dahil yung iba ko'ng kaklase na chismosa ay nakikialam na ok lang kasi ang saya parin, kasi nakausap ko at nakabiruan yung mga kaklase ko na di ko madalas makausap. Friendly naman ako pero siyempre baka iba yung tingin nila sa akin diba? Kaya ok narin tong pangyayari na to. XD Pero habang nakikipag biruan ako sa iba lalo na sa mga kaklase ko'ng lalaki, napansin ko'ng ang sama ng tingin sa akin nitong isa ko pa'ng kagrupo na si Mira. Bakit kaya ? Baka siya talaga yung natatae ? Baka natatamaan ! hahaha joke lang.
///Uwian///
"Bye download ! Hahaha!" Pang-aasar ni Ashe. So yun, download na tawag nila. I-download ko na daw kasi yung tae ko sa inidoro.Tsss.. "Excuse me !" Sabi ni Mira sabay bunggo sa akin. Yung totoo ? Nag excuse pa eh nangbunggo din ?! "Sorry ah !" Sabi ko. At tumingin naman ito sa akin at bigla ako'ng tinarayan. Aba ! Problema nito ?! "May problema ba ?" Mahinahon ko'ng tanong. Ayokong magalit sa isang ito, iba ako magalit eh. Ako kasi yung tipo na mahaba yung pasensya pero matindi pag nagwala ? Tsaka ayokong magalit sa walang kwentang dahilan.
"Papansin ka! " sigaw niya sakin. Nanlaki naman ang mga mata ni Elissee na kanina ko pa'ng kasama. Baka kinakabahan na baka may mapanuod siyang gulo. "Ako? O baka naman ikaw? " Tanong ko. "Nagpapapansin ka nga kanina eh! Gusto mo lahat ng lalaki dito nakukuha mo yung atensyon! Gusto mo ba si Ashe?!!" tanong niya. Nakalimutan ko, gusto nga pala niya si Ashe. Kaya siguro ngumangawa to ngayon, close na close kasi kami ni Ashe kanina eh. Pero isa lang masasabi ko sa kanya, ISIP BATA. "Wala ako'ng panahon para patulan yang pag ngawa mo. O.A mo girl ah." Sabay talikod ko sa kanya at naglakad palayo sa kanya. Sumunod naman si Elissee sa akin at biglang nagsalita. "Grabe talaga yun! Kala ko magsasabunutan na kayo eh! " "Wala ako'ng oras para makipagwarla sa kanya nho! Hahaha masasayang beauty ko" Biro ko.
///Sa Bahay///
Kausap ko ngayon si Rayzen sa telephone, hindi ko alam kung bakit pero nung nalaman ko na siya yung tumatawag ang lakas ng tibok ng puso ko! Parang lalabas na sa katawan ko! Gashness.. Ano'ng nangyayari sa akin? Patingin kaya ako sa doktor? charowtXD
BINABASA MO ANG
FALL <3
General FictionIto ay tungkol sa isang babaeng teenager na si Caite Jay Gonzales. Ito ay isang kwento tungkol sa mga karanasan niya sa kanyang buhay. Nariyang umibig sa bestfriend niya, nasaktan, at marami pang iba.