Nadine's POV
Successful ang first mallshow namin last week at ngayon ay nasa Cebu naman kami para sa mga fans na humiling nakakagulat nga dahil pati sa airport ay naka-abang sila para samin nasa van kaming lahat bale mga apat ata yung gamit namin sama-sama namin sa van namin yung stylist and manager magkatabi kami ni yassi si andre nasa likod si james naman katabi yung bintana bale nasa gitna nila ako.
Soundtrip lang kami, kumakain ng chips at kung ano, ano pa.
Hanggang sa nakarating na nga kami sa hotel nag-check in muna kami syempre, hiwalay kami ng room nila James kahit three beds per room ang kinuha namin di naman ata kailangan mag-sama sa iisang room.
"Girls, eto na yung susi mauna na kayo doon at pupunta pa kami doon sa susunod na mall" sabi nung manager namin kaya nauna na kami kasabay na rin namin sila Andre mag katabi lang yung room namin swerte nga nila silang dalawa lang sa room nila kasama na rin pala stylist nila.
Kasama rin pala yung tatay ni James pero mas gusto na mag-stay sa ibang room kaysa sa maki-share kanila James. Si James naman di na pilit yung tatay nya na mag-share na lang sila ng room. Ayaw kasi ni James pabayaan yung tatay nya. Sweet pala sya sa magulang nya paano pa kaya sa girlfriend nya.
Teka, bat nasali yung usapang girfriend nya pero ang alam ko medyo nagkaka-labuan na yung dalawa na sana naman ay di totoo.
"Nadz, alam mo kung pwedeng matunaw yung elevator matagal ng tunaw" sabay tawa ni yassi, doon ko lang napansin na wala na sila Andre at James kami na lang naiwan sa labas ng elevator.
"Asan na sila?"
"Pinaglihi ka kasi sa taong tulala kaya ayan bigla ka na lang natulala, Nauna na sila paano kasi yung isip mo lumalangoy" saka may pinindot uli kaya lang yung ibang gamit ko bigla nawala kaya kinabahan ako.
"Yassi, asan na yung mga gamit ko?" nag-aalala kong tanong mahahalaga pa naman yung nakalagay doon.
"Tignan mo sa sobrang lutang mo di mo na namalayan na kinuha na ni James yung ibang gamit mo, Sya na daw mag-dadala" sabi ni Yassi sakto naman tumunog na yung elevator kaya sumakay na agad kami.
Pagdating namin sa room nakita ko na naka-ayos na yung mga gamit ko kaya nahiga na lang agad ako nakakapagod mag-travel tapos mamaya mallshow nanaman uli eto na ata yung last na mallshow namin bago mag-showing ang pelikula dahil after this day and next day premiere night na namin then balik uli sa pag libot ng mga mall.
"Nadine palit ka kaya muna ng damit para comfortable ka saka punta tayo sa room nila Andre" sabi ni Yassi malamang na boring na sya dito sa kwarto namin dahil wala nga kaming ginagawa.
"Sige mauna ka na pahinga lang ako kahit saglit lang" sabi ko sabay talukbong ng kumot alam ko naman na di ako makaka-tulog dahil pag natulog ako ngayon baka bukas pa ko magising.
BINABASA MO ANG
You and Me Against the World (Jadine)
FanfictionGo and find out the real score about them behind the camera. NOTE: Picture NOT MINE and edited by me. Don't judge the book by it's Cover