Nadine's Pov
Gabi na pero andito pa rin kami sa location ng movie para i-shoot daw yung ending scene. Weird noh? Ending scene agad eh di pa nasho-shoot yung prom scene. Sabi ni direk huli daw yun eh kasi yun yung pinaka magarbong scene ng movie parang highlight.
Kami na lang nila James, Ej at ako. Syempre kami na lang yung may mga natitirang scene. Di pa nga uuwi si Yassi dahil iintayin nya daw ako pero sabi ko wag na dahil alam kong pagod din sya.
Nag Break muna kami kaya andito kami sa tent kumakain ng kung ano-ano. Naguusap para sa mas makilala ang isa't isa mamaya may interview tanungin ako kung ano alam ko tungkol kay James. Maganda na rin yung palaging handa. Nakakahiya din yun noh, Kaloveteam mo tapos wala kang alam tungkol sa kanya.
"Once a year or twice pumupunta ako" tinatanong ko kasi si James kung bumibisita ba sya sa bansa nya. Syempre father lang nya kasama nya dito tapos halos lahat ng relatives or friends naandun.
"Alam nilang artista ka dito?"
"Syempre naman kahit malayo kami sa isa't isa may mga balita pa rin" sabi ko ng diba baka naman kasi nasa Pilipinas ka tapos ang dami na pa lang issues ng pamilya nyo.
"Malay mo may mga issues yung family mo na di sinasabi sayo kasi andito ka sa Pilipinas" napansin ko na parang naging uneasy yung feeling nya nung narinig nya yung salitang issues.
"Pinapalis mo na ba ko? kakaumpisa pa lang natin gusto mo na kong umalis?" Biro nya sakin, tsk base sa reaction nya sa sinabi ko may naalala toh o kaya kung ano. Bahala sya kung ayaw nyang mag share ganyan naman mga lalaki masyadong malihim.
"Edi umalis ka, Ako pa magbayad ng Plane Ticket mo eh" Biro ko sa kanya "Pero kung may problema ka sabihin mo lang sakin pero please lang wag tungkol sa lovelife mo ah parang awa mo na" Di ako nagbibiro sa sinabi ko. Mahirap na mainvolved sa kanilang dalawa. Mas maganda na onti lang alam ko kaysa sa marami or mas maganda na wala talaga akong alam tungkol sa relasyon nila.
Nahalata naman nya siguro naseryoso ako sa sinabi ko. Sa mata ko pa lang makikita mo na agad na seryoso ako kaya no need to explain everything. Halatang nalungkot si James dun sa sinabi ko. Sino ba namang hindi, diba?
"No offense ah, pero mahirap ma involved sa isang relasyon lalo na pag high profile ka o kaya nasa showbiz ka, kahi ang gawin ko lang ay makinig at magpayo sayo involved pa rin ako dyan kaya sana maintindihan mo na iniingatan ko lang ang sarili ko sa mga issues dahil kung dalawa tayong parehas na may issues mahihirapan tayong burahin yun." Mahabang paliwanag ko sa kanya sana pumasok naman sa kokote nya yung sinabi ko.
"I understand naman eh"
"Naiintindihan mo naman pala tapos pinag-speech mo pa ko?!" nakaka-hingal kaya yung ginawa ko noh. Try nyo kaya, tapos para lang sa wala.
BINABASA MO ANG
You and Me Against the World (Jadine)
FanfictionGo and find out the real score about them behind the camera. NOTE: Picture NOT MINE and edited by me. Don't judge the book by it's Cover