Nadine's Pov
Recording na para sa OST ng movie. Duet sya syempre si James yung ka-duet ko pero may something strange tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Erin pero labas ako doon kaya di ko na kailangan problemahin yun.
Sabi ni Direk mabilis daw gumawa ng MV baka daw 1 Day tapos na namin yun pati daw yung duet namin with Andre and Yassi isasama na saka may guesting pa kami sa isang Radio Station maguumpisa na rin daw kaming mag promote dahil mga dalawang scene na lang ang kulang yung ending saka yung pinakabonggang scene yung prom scene.
Looking forward ako sa ending dahil curious din ako pero alam ko hug lang gagawin namin sa dulo eh. By the way andito na ko sa recording studio nauna ako kay James ilang minuto na rin kami nagiintay sa kanya.
Nagintay pa kami ng unti bago mag umpisang mag record kaya lang naubos pasensya ni Kuya Dave sya yung magmo-monitor ng buong song at tutulong magrecord samin. Malay ko ba dito first time ko naman kasi toh.
Seryoso ang tagal ni James daig pa ung VIP doon sa kanto. xD. May VIP ba sa kanto? LoL. Dahil nainip na si Kuya Dave eh nagumpisa na kaming mag record.
Sinusundan ko na yung tono saka yung lyrics ng kanta nahanda na ni Kuya Dave lahat nang dumating sya, si James.
"Bat ngayon ka lang? Tapos na kami magrecord" Sabi ni Kuya Dave halata mo na may pagka sarcastic yung tono nya.
"HA.HA.HA. ! Funny" Pekeng tawa ni James. Tignan mo toh umagang-umaga ang itsura kala mo pasan nya yung mundo. Ano kaya problema nya saka first time nya lang malate.
"Magumpisa na tayo" aya ko mukha kasing mainit dugo ni James eh baka may family problems o kaya love problems. Bahala sya sa buhay nya di naman sya nanghihingi ng payo sakin. xD. Baka maging FC pa ko.
Natapos na lahat kaya nagpasya kaming pumunta sa isang restaurant malapit sa recording studio para walking distance na lang. Wala naman sigurong susugod samin dito.
kasama na rin pala namin sila yassi at andre dahil nag record na rin sila ng kanta nilang dalawa pati na rin yung kantang 'rocketeer'.
Nakaupo na kaming lahat katabi ko si james sa kanan ko tapos si andre nasa kaliwa bale nasa gitna ako tapos katabi ni Yassi si kuya Dave.
"Order na tayo" sabi ni kuya Dave sabay tawag sa waiter. Inabutan kami ng tatong menu bale share kami ni James solo si Andre tapos si Yassi and kuya Dave share naman sila.
"Ano ba toh, puro japanese food" reklamo ni Andre.
"G*go, magulat ka kung may makita kang adobo dyan. Japanese Restaurant toh tanga" pambabara ni kuya Dave.
Natawa na lang kami ni Yassi. Common Sense naman kasi kailangan ni Andre.
"May gamot ako dito bawas katangahan. Gusto mo?" alok ko kunyari kay Andre. HAHAHA. Namumula na sya.
Nagtawanan lang kami nung nakita namin syang namula. Tapos na kami um-order kaya iniintay na lang namin.
Dumating na yung mga order namin kaya nagumpisa na kaming kumain.
James' Pov
Nandito ako sa Condo ni Erin. Di ko alam kung ano nalaklak nya bigla syang nagkaganto.
"Ano ba problema mo?!" kung di ko lang mahal tong babaeng toh baka nasigawan ko na sya kanina pa sya nagwawala di naman sya sumisigaw pero halo maubos na lahat ng gamit nya dito.
Hinawakan ko sya sa balikat saka pinilit na i-harap sakin. Naawa na ko sakanya nanginginig sya tapos umiiyak.
"James, wag mo kong iwan" nagmamakaawa sya habang sinasabi yun.
"Ano bang sinasabi mo dyan?" for the first time nagsabi sya ng ganun. Alam ko di yun ang dahilan kung bakit sya nagkaganto eh.
"Basta sakin ka lang maniniwala" pagkasabi nya yun nawalan na sya ng malay.
Ano ba problema nya? Di nya sabihin sakin ngayon lang sya nagkaganto. Binuhat ko sya papunta sa kwarto nya. Inihiga ko sya sa kama saka kinumutan.
Alam kong may problema sya ayaw nya lang sabihin sakin. Nagiwan ako ng note malapit sa kama nya. Kailangan ko pang umalis baka iniintay na nila ako.
Nakalabas na ko ng condo nya. Sumakay na ko sa kotse. Habang nagmamaneho ako biglang may pumasok sa isip ko.
Iniwan ko yung girlfriend ko na ganun kalagayan para lang sa trabaho?
Napahampas na lang ako nang pumasok sa isip ko yun.
==============================================================================
A/N: Boom Sabaw ! Slow Update toh, okay. ngayon lang nagka time magsulat sorry sa mga mahihiwagang errors.
Note: yung POV po ni James is bago sya pumunta sa recording studio. okay !
Ayoko nang pahabain pa dahil lalong papanget pag pinahaba ko pa toh =)
BINABASA MO ANG
You and Me Against the World (Jadine)
FanfikceGo and find out the real score about them behind the camera. NOTE: Picture NOT MINE and edited by me. Don't judge the book by it's Cover