2 years later...
Prom Night
"Okay, students! Get your partners and laplapan-----este, sayawan na!" Natawa kaming lahat sa sinabi niya.
"Sino bang partner mo, Ryle?" Tanong sa'kin ni Dylan.
"Wala...wala akong type sa mga 'yan." Sabi ko habang nakatingin sa grupo ng mga babae.
"Eh, sinong isasayaw mo ngayon?" Nagkibit-balikat lang ako.
"Wala ngang partner, Dy, diba? Malamang wala ring isasayaw. Loka-loka 'to." Sabi ni Zylan sa kanya.
"Kulang nalang talaga panghihinalaan na kitang bakla, Zy."
"Ako? Bakla?! Over my hot and sexy body! Patunayan ko pa sayong hindi ako bakla, eh." Ngumiwi si Dylan.
"Sige nga, patunayan mo." Tumayo si Zylan at para bang may hinahanap. Lumapit siya sa isang magandang babae, nag-usap muna sila ng kung ano at bigla nalang silang naghalikan.
"Grabe, hindi ko pa 'yun nagagawa." Sabi ko. Maya-maya pa'y hindi na namin sila nakita...malamang ay gumagawa na 'yun ng milagro.
"Ang lupet ni Zylan." Narinig kong sabi ni Jasper na kakarating lang galing sa CR.
"Bakit, Jas?" Tanong sa kanya ni Xian.
"Nakita ko siyang nakikipag-sex kay Rina dun sa puno."
"Rina? Siya yung leader ng dance troupe natin, diba? Grabe, ang hot kaya 'nun!" Sabi ulit ni Vince.
"Pwede ba? Naiinis ako sa topic niyo, eh." Sabi ni Kurt.
"Sus! Pa-inosente ka pa, eh kagabi lang nakita kitang naglalaplapan sa isang babae dun sa rooftop." Asar ni Gab sa kanya. Namula si Kurt sa hiya.
"Kaya nga, wag na natin pag-usapan ang ganyang bagay. Hindi ko na tuloy makalimutan ang nangyari kagabi." Natawa kami sa sinabi niya.
"Tinamaan ka, noh?" Nang-aasar na sabi ni Zander.
"Naaayyyy!! Na-love at first sight ang king-ina kaya binakuran agad!" Sabi ni Jasper kaya mas lalo kaming natawa.
"Magsitigil nga kayo! Nakakaasar na, ah." Nakangusong sabi niya habang namumula.
"Ingat, Kurt. Baka masaktan ka." Sabi ni Dylan sa malamig na tono kaya naman lahat kami'y napatingin sa kanya.
"Okay na sana, eh. Tinopak ka lang." Sabi ko. Napa-smirk siya.
"You're just kissing, right? Baka kapag nakilala mo na talaga, may iba na pala." Halatang nainis si Kurt sa sinabi ni Dylan.
"Wala naman akong balak kilalanin ang king-inang yun, eh. Pwede ba, Dy? Wag ka magsalita na para bang alam mo lahat." Sabi niya at naglakad papalayo. Napatingin ako kay Dylan.
"Dylan, ano bang nangyayari sayo?" Sabi ko na pilit tinatago ang inis.
"Ayoko lang saktan si Kurt." Bigla na lang siya pumunta sa direksyon kung saan din pumunta si Kurt.
Dylan's POV
Tumakbo ako sa direksyong tinahak ni Kurt hanggang sa mapadpad ako sa Auditorium.
Napapikit ako nang may marinig akong pamilyar na ungol. Napabuntong-hininga ako sa inis at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Agad na tumambad sa'kin ang isang tanawin na inaasahan ko ng makita.
"Jazi..." Sambit ko. Napatigil si Kurt at Jazi sa paghahalikan nila at sabay na humarap sa'kin.
"D-Dylan..." Sabi ng babae.
"What the fuck, Mendoza?! Alam mong may ginagawa kami, ba't ka pa nag-istorbo?" Galit na sabi sa'kin ni Kurt. Pinasadahan ko lang siya ng tingin at dun na ako tumitig kay Jazirylle na para bang inuutusan ko siyang lumapit sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/156040047-288-k817895.jpg)
YOU ARE READING
Destined to a Gangster
Teen FictionLove and Destiny are really playful. Now, will Ryle and Sandra end this game together?