Chapter 16: The Tears

14 1 0
                                    

Ryle's POV

Ang sakit makitang tumalikod ang babaeng pinakamamahal ko...

Bago pa man isara ng kasambahay nila ang gate ay pinigilan ko na 'to at tuluyang pumasok sa mansion nila.

"Cassandra!" Gulat siyang napalingon sa'kin...

"W-what are you still doing here?!"  Kunwaring galit pa niyang sabi. Naglakad ako papunta sa gawi niya at parang nag slow motion ang lahat.

I held her nape and kissed her deeply. Hinalikan niya ako pabalik pero mukhang na realize niya ang ginagawa namin kaya bigla niya nalang pinalo ang dibdib ko at kusang lumayo.

"Hindi mo ako madadaan sa halik mo, Ryle. Aalis pa rin ako....iiwan pa rin kita."

Parang gusto kong matumba sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas pa...lakas para mabuhay.

"A-alam ko." Tumalikod ako upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga pisngi.

"Alam kong kahit halikan kita, aalis ka pa rin...kahit anong pigil ko sayo, aalis ka pa rin. Kahit nakikita mo ng nasasaktan ako....aalis ka pa rin." Napayuko ako at kitang kita ko kung paano tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko sa sahig...

"A-alam mo naman pala...bakit nandito ka pa?" Naninibago ako sa sa Cassandra na kausap ko ngayon..

(A/N: Umaatake na naman po ang sakit ni Cassandra, kaya mukhang wala siyang pakialam sa kung ano ang nararamdaman ni Ryle)

"Dahil...kahit sa huling pagkakataon, gusto kong makita ang babaeng pinakamamahal ko...higit pa sa sarili ko." Napabuntong-hininga na lamang ako...

"Mahal kita." Yan ang huli kong sinabi at saka ako umalis ng tuluyan. Pumasok ako sa Lamborghini ko at napahawak sa manibela....dun ako umiyak ng umiyak...

Nakakabading talaga ang pag-ibig..

Muli akong tumingin sa mansion ng mga Guerrero....

Aaasahan kong sa pagbalik mo ay hindi mo na ako sasaktan pang muli...Ice.

Iniwas ko ang aking tingin at pinaharurot ang kotse ko... Mabilis na mabilis..

At sa di inaasahan....

Megan's POV

Hello, world!! Nakalimutan niyo na siguro ako, noh? Hahahaha! Pasensiya naman, may pinagkakaabalahan kasi akowss.

Sa mga makakalimutin, ako si Liana Megan Mendez...ang pinakamagandang pinsan ni Cassy.

Pasensiya na kung di ko masabi sa inyo kung bakit hindi na ako madalas makita ni Cassy...

Nasa Germany na ako ngayon at home schooled na ako, which is great for me.

"Meg, are you sure you don't want to come back to the Philippines, yet?" That's my mother, Vanessa.

"Yes, mom....okay na ako dito. Pakisabi nalang kay Cassy na miss na miss ko na siya at alagaan niya ang sarili niya."

"Exactly! Miss na miss mo na ang pinsan mo, kaya dapat bumalik ka na dito.." Napanguso ako.

"Mom, I already said NO." Narinig kong bumuntong-hininga siya.

"Fine. About Cassy...she's going back to the USA. Bumalik na naman ang sakit niya kaya kailangan niyang magpagamot." Napataas ang kilay ko..

"Eh, bakit hindi nalang siya magpagamot sa Pinas?" Weird, eh.

"Hindi ko rin alam, hija...I gotta go, malelate na ako sa board meeting namin."

Destined to a GangsterWhere stories live. Discover now