Chapter 10

477 17 3
                                    

Chapter 10

AGAD na sinandal ni pappi si edison sa pintuan pagkatapos nilang maisinara pagkarating nila sa penth house nito. Sinimulan niyang kalasin ang butones ng damit nito habang hindi magkamayaw ang mga labi nila kung ano ang unang hahagkan.

Naglunoy ang labi ni edison sa leeg niya. Simisipsip at kumakagat duon. Nang maialis naman niya ang apat na botones nito at itinuon naman ng labi niya ang matigas na dibdib nito.

Sinapo ni edison ang batok niya at sa kabilang side naman lumipat at sinibasib ng halik. Napatigil siya sa ginagawa sa dibdib nito at napabungisngis. Hinapit pa nito ang katawan niya nang pagapangin nito ang basang dila sa kahabaan ng kaniyang leeg.

"'Nu ka ba! May k-kiliti ako diyan!" Saway niya na pilit inilalayo dito ang leeg na mas lalong naman nitong pinanggigilan.

"Where? Here?" Muli nitong sinibasib ang leeg niya.

"E-edison." Paungol niyang sabi.

"Yes, pi?" Mababang tinig na sagot sa kaniya. Bagamat hindi ito huminto sa ginagawa.

Agad niyang ipinaikot ang braso sa leeg nito nang sapuin ang kaniyang pangupo at buhatin siya. Ikinawit niya rin ang mga biyas sa bewang nito nang magsimulang humakbang si edison papasok sa kwarto.

Hindi iilang beses na natisod sila dahil sa hindi nito pagtingin sa daan. Panay ang paghalik nito sa mukha pababa muli sa kaniyang leeg. Kaya naman hindi na sila umabot pa sa kwarto at sa malawak na sala na siya agad inihigani edison.

Una itong bumitaw sa paghalik sa kaniya at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Nakatukod ang isang kamay ni edison sa gilid niya habang iniangat nito ang isa para hawiin ang buhok niyang tumatabing sa kaniyang mukha.

Ginaya niya ang ginawa nito at pinaglandas din ang mga daliri sa malago nitong buhok at buong suyong pinagmasdan.

Alam ni pappi na isa rin sa dapat na niyang itigil ay ang pakikipag talik kay edison. Kaya naman naisip niya na baka iyon na rin ang huli, tutal wala na rin naman siyang dahilan para gawin pa iyon muli. Ang akala niya eeffective ang makipagtalik para makuha ito. Hindi rin pala umubra.

Ngunit kahit kailan ay hindi niya pagsisihan ang pag bigay kay edison ng kaniyang katawan, dahil wala sa hinagap na maiisip niyang may ibang lalaki siyang hahagkan at makakasama sa kama maliban dito. Kay edison na niya ibinuhos ang lahat ng meron siya at paninindigan niya iyon ng walang halong pagsisi.

Hindi na niya napigilanang sarili nang magsimulang mamuo ang luha sa sulok ng kaniyang mga mata. At dahil nakahiga siya, agad umagos ang mga iyon. Ayaw panaman niyang makita siya nitong umiiyak. Baka magkaroon pa ito ng dahil na magduda.

"Hey. Bakit ka umiiyak? Nasaktan ka ba kanina nang matisod tayo?" Pagaalala nito.

"H-hindi. Nakakasilaw kasi yang ilaw sa kisame. Halikan mo na lang ako ng matakpan na." Sabay higit niya sa dito at muling naglapat ang kanilang mga labi. Daig pa niya ang nauuhaw sa tubig habang buong suyo niyang pinagagalaw at tinutugon ito.

Hindi na nagsayang ng oras si pappi. Bumangon siya sa pagkakahiga at tinulak ito nang pagpalitin niya ang kanilang pwesto. Mabibilis ang kilos na inalis ang mga kasuotan. Medyo na inis nga lang siya nang pahirapan niyang matanggal ang suot niyang bra. Kung alam lang niyang pagpapalain pa siya ng ganitong pagkakataon, yung madaling maihubad sana ang ginamit niya.

"Damn it!" Inis niyang usal at basta nalang iniangat iyon nang hindi na talaga niya maialis ang pagkakahook. Lumantad at bahagya pang umalog ang mayayang dibdib niya. At dahil nakaupo siya sa bandang tiyan ni edison ramdam niya ang pagyugyog nito dahil sa pinipigilang pagtawa.

🔞 You Captivated MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon