Chapter 12

485 21 0
                                    

Chapter 12

"PARA po sa tabi, manong. Eto ho ang bayad." Pagkaabot ng ni pappi ng bayad ay agad siyang bumaba ng taxi.

Ilang minuto rin siyang tahimik na umiyak sa loob ng taxi kanina, kaya naman mugtong mugto na ang mga mata niya ng makauwi.

Malalim siyang huminga ng malalim. Hindi na muna siya nagpasyang pumasok sa loob ng kaniyang bahay at nanatili sa labas. Naupo siya sa door step ng pintuan at iniyokyok ang ulo sa tuhod.

Sa loob ng bente kwatro oras, ang dami na kaagad nangyari sa buhay niya. Ngunit hindi maikakaila ni pappi ang pamilyar na sakit na muling bumalot sa dibdib niya, dahil ganun na ganun din ang lungkot na naramdaman niya noon nang sabihin ni edison na hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin nito sa kaniya.

"And even if it's been a year, masakit pa rin pala." Mahinang usal niya sa kawalan. Muli niyang pinigipan ang mapaluha.

Marahil iyon na nga signus upang tuluyan ng pakawalan ang nararamdaman niya dito. Dahil kahit ano man gawin niya, at kahit bali-baliktarin man niya ang lahat, walang magbabago, siya pa rin ang masasaktan sa huli.

"Patrica, anak?"

Mayamaya lang bigla bumukas ang pintuan sa likot niya at mula duon ay lumabas ang kaniyang ina. Napatayo siya sa pagkakaupo at humarap dito. Pasimple rin niyang pinunasan ang luhang namuo sa sulok ng kaniyang mata. Sana lang ay hindi mapansin ng kaniyang ina ang pagkakamugto nun.

"Nay." Sabay mano niya dito.

"Aba'y ang batang ito. Bakit ka nauupo diyan at hindi ka kumatok." Anang kaniyang ama. Na lumapit na rin. Nagtataka itong tumingin sa kaniya. Marahil ay rinig ng mga ito ang pagbukas at pag sara niya sa gate. Nag mano rin siya sa kaniyang ama.

"Napapadalas po yata ang pagluwas-luwas niyo, nay, baka naman po napapabayaan niyo na ang negosyo niyo." Sa halip  ay usisa niya kaysa sagutin ang tanong ng mga ito. Pagkapasok sa loob ay agad niyang hinubad ang sapatos at humakbang ng ilang baitang sa hagdanan. Pilit niyang iniiwas ang kaniyang mukha. Ayaw niyang makahalata ang mga ito.

"Sinadya talaga naming bumalik dito ng tatay mo. Hala, mag bihis ka na muna, tapos na itong niluluto ko. Sa hapag kainan ko nalang sasabihin ang dahilan."

Nagtataka man ay tumalima na rin siya. "Tungkol po saan?"

"Mag bihis ka na muna." Muling utos nito. Bumalik ang nanay niya sa kusina. Napatingin naman siya sa tatay niyang ng mapansin ang pagbuntong nito ng hininga.

"Sige na, anak." Anito na sumunod sa kusina. Hindi na siya nakapagtanong.

Umakyat na rin siya sa taas. Pagkarating sa kwarto ay pabagsak niyang inihiga ang katawan sa kama at sandaling tumitig sa kisame. Pero iniwas niya rin ang mga roon nang muli nanaman bumubuo ang imahe ni edison sa isipan niya.

"How can i stop myself to think you?" Bulong niya at pumikit. Ngunit mas matigas pa yata sa ulo niya ang puso niyang pasaway, dahil kahit pinipigilan niya, patuloy paring sumusulpot sa balintataw niya si edison. No. Hindi na ito kahit kailan mawawala sa isipan niya. Because he remaining inside of her heart forever.

Nasa ganun siyang ayos at pagiisip nang biglang tumunog ang cellphone niya. Wala sa sariling kinuha niya iyon sa loob ng kaniyang bag at patamad na sinagot.

"Hmm?"

"Why did you left? Hindi ba't sabi ko sabay tayong uuwi?" May halong tampo at inis sa boses ng nasa kabilang linya. Napabangon naman si pappi sa pagkakahiga at naupo.

"Ed. . ."

"Bakit basta-basta ka nalang umaalis. Asaan ka na?"

Sandali siyang hindi sumagot at napahawak sa dibdib ng kumabog nanaman iyon ng malakas. Kahit na marinig lang niya ang boses nito, bumibilis parin ang tibok ng puso niya.

🔞 You Captivated MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon