Chapter 1

726 18 1
                                    

Chapter 1

MAGTATATLONG minuto nang nakatitig si pappi sa pregnacy test na hawak hawak, kahit na kanina pa niya nakikita ang resultang nun. Inis na binato niya iyon sa trash bin sa gilid ng bowl kung saan siya nakaupo.

Negative. Again?! Bwisit!

Hanggang ngayon ay bigo parin siyang mabuntis. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang naka bili ng pregnacy test at kung iilang beses na rin siyang nagtapon nun ng bigo.

Her name is patrica bueneventura, but some of her friend and colleagues calling her pappi. She's a twenty eight years old, Manager sa isang sikat na five star hotel. Hotel na mismong pagmamayari ng kababata slash one and only love niyang si edison peralta.

Matalik na kaibigan ni pappi si edison simula bata. Anak siya ng dating kasambahay ng pamilya nito. Buong buhay ni pappi halos kasakasama na niya si edison. Kahit pa tumungtong na sila sa mga wastong gulang ay matibay na matibay parin ang pagiging magkaibigan nilang dalawa. Hindi linggid sa matalik na kaibigan ni pappi ang pagkagusto niya dito. Nasa second year college siya ng magtapat siya ng pagibig sa kaibigan.

Inisip ni pappi na kung tatanggihan nito ang pagibig niya ay iiwasan na siya nito at kakalimutan ang pagiging magkaibigan nila. Pero hindi naging ganun, oo at tinanggihan ni edison ang pagibig niya, ngunit hindi parin nagbago ang pagtingin nito sa kaniya bilang matalik na kaibigan. Yun naman ay pinagpasalamat niya.

Tumayo siya mula sa nakasarang bowl at lumabas sa cubicle ng cr para maghugas ng kamay. Habang ginagawa iyon hindi mawala wala sa isip ni pappy ang matinding problema sa kaibigan.

Edison soon to be got married, at yun ang labis niyang kinatatakutan. Ipinagkasundo ito ng mga magulang na ipapakasal sa anak ng isang mayamang angkan. Si lalein geronimo. Sa pagkakaalam ni pappi, family friend ng pamilya peralta ang pamilya ng lalein na iyon.

Nang malaman yun ni pappi ilang buwan na ang nakakaraan, nagsimula siyang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng dalawa. Dahil maliban sa mahal niya ang kaibigan, alam din niya ang paguugali ng babaeng mapapangasawa nito. Tuso at maldita ito ayon sa pagiimbistiga niya. Nalaman din niya na may matindi rin pala itong pagkakagusto para sa kaibigan niya.

Para kay pappi, mukhang tagilid ang laban. Ano nga naman kasing panama niya sa yaman at angkan na kinabibilangan ng lalein na iyon? Isa lang siyang hamak na mula sa mahirap na pamilya.

Nang malaman ang tungkol dun, nagisip si pappi ng pwedeng maging sandata niya Para tuluyang ilayo dito ang mahal na kaibigan. Kaya Kahit kabaliwan mang maituturin, nakipagkasunduan siya kay edison na maging sex partner niya. Hinding hindi makakalimutan ni pappi ang naging reaksyon ni edison ng sabihin niya iyon dito. Gulat ang mababakas sa gwapong mukha ng kaibigan. Pero kahit ganun, Hindi naman siya nahirapang makasatuparan iyon.

Naging parang bestfriend with benifits ang kinahantungan nilang dalawa. At sa mga pagkakataong magkasama sila ni edison sa kama, lagi niyang sinasabi dito na wag itong magpakasal. Nungkang halos sabihin na niya dito uli na mahal pa rin niya ito mapaghanggang ngayon, pero wala na siyang lakas ng loob pang ulitin ang kagagahan noon. At isa pa, baka tuluyan ng mawala sa kaniya si edison.

Alam ni pappi na nauubusan na siya ng panahon. Desperada na siyang hindi maikasal ang kaibigan kaya sa kawalan ng paraan, naisip na niyang magpabuntis dito. Pero hindi madali ang naisip niya. Dahil sa tuwing mag se-sex silang dalawa, matinding pagiingat ang ginagawa ni edison para hindi mangyari iyon.

Minsan pa ay naisip na rin ni pappi na baka may pagtingin din ang kaibigan niya kay lalein, dahil hindi niya ito nakikitaan ng pagtanggi sa napipintong kasal. Pero hindi rin niya ito nakikitang sweet o masaya kapag kasama ang babae.

🔞 You Captivated MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon