Chapter 5
"WALANG hiyang clepot iyon! Dinumihan pa ako. Ang hirap-hirap kayang maglaba." Inis na sabi ni pappi habang nasa cr at pilit inaalis ang mantsa ng sarsa sa damit. Natapunan kasi siya ng sarsa sa kinakain ni cleo ng hindi sinasadyang mabangga ang kutsa at lumanding iyon sa damit niya, Habang hinahampas niya ito at panay naman ang iwas sa kaniya.
Matiyaga niyang pinupunasa ng panyong ipinaheram nito sa kaniya ang parte na may mantsa sa damit. Bahagya namang natanggal ang ibang sarsa pero halata parin ang konting bakat dun, lalo na't puti ang suot niya.
Nagtagal pa siya ng ilang minuto sa cr. Nang hindi na talaga niya matanggal ang natirang mantsa sa damit ay nagpasya na siyang lumabas duon. Iniisip na ni pappi ang muling isesermon niya kay cleo nang bigla siyang magulat sa pagtapik ng kung sino sa balikat niya. "Ay! Clepot ka!" Sigaw niya. Pero nang lingunin niya ang taong tumapik sa kaniya ay nakita niya si mrs. Peralta. napahawak tulog siya sa dibdib ng wala sa oras dahil sa kaba. Wala kasing tao sa area ng cr. At dahil gabi at masyadong malaki ang bahay, napaka tahimik pa sa parteng iyon. Bahagya lang maririnig ang mahinang tugtog na nanggagaling sa sala. "K-kayo po pala, tita? G-ginulat niyo po ako." Aniya.
"Kanina pa kita hinahanap na bata ka." Sabi nito na luminga pa sa paligid. Para bang inaalam kung may nakakakita sa kaniya.
"Pumunta lang po ako saglit sa cr. Saka, Kausap ko lang po si cleo sa mini bar, duon lang po ako pumwesto."
"Ganun ba? Oh, eto kunin mo." Anito sabay abot sa kaniya ng isang basong wine. May laman iyong likido.
Nagtataka man ay Tinanggap niya iyon at pinagmasdan. "Ano pong gagawin ko dito tita? Para po ba ito sa—"
"Ay! Ay! Naku hija. Wag mong iinumin!" Pigil nito sa kaniya nang akma na sana niyang iinumin ang laman ng baso.
"B-bakit po? A-ano po bang laman nito?" Takang tanong niya.
"May nakahalong kasing ecstasy sa inumin na iyan." Bale walang sabi nito. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"P-po? D-drugs tita?" Kilabot na anas niya at bahagyang inilayo ang baso sa sarili.
"Sshh!! Hindi na mahalaga kung ano iyan. Basta makakatulong yan sa atin." Anito at ngumiti ng makahulugan. Naintindihan naman ni pappi ang ibig sabihin nito. "Yan ang ipapainom mo kay edison. Alam mo na. Para magawa na natin ang planong pamimikot. Pagkatapos mapapasaiyo na siya."
"P-po?" Tila hindi makapaniwala si pappi sa mga sinabi nito. Napapangiwi rin siya. Wala kasi sa isip niya na hahantong sila sa paggamit ng bawal na gamot para magawa ang plano.
Kung hindi lang siguro ito ang ina ng lalaki baka iisipin na niyang masamang tao si mrs. Peralta at magagawa nitong painumin ng ectasy ang anak. "Seryoso po kayo tita? Gusto niyo pong painumin ko siya ng drugs?" Mahinang taong niya. Panay na rin ang tingin niya sa paligid. Kung may makakakita nga lang sa kanila, baka pagkamalan silang mga kriminal."Wag kang magalala, hija. Harmless naman ang gamot na iyan. Walang magiging masamang epekto, maliban sa mahihilo lang siya at makakaramdam ng init sa buong katawan." Sabi nito na sinabayan pa ng kindat.
Alanganin muling napangiwi si pappi at napatinitig sa baso. "Sigurado po kayo dito tita? Pero kasi. . ."
"Shhhiii, batang ito. Wala ng pero pero at kasi kasi. Hindi ba't gusto mo siyang mapasaiyo? Eto na ang makakatulong sa atin hija. Alam kong magagawa mo ito."
Napalunok siya. Oo. magagawa niya iyon. Kahit walang tulong ng ano mang gamot. kayang kaya niya iyon. Pero sempre, hindi niya pwedeng sabihin sa ginang kung ano ang gagamitin niyang pamamaraan.
Napakamot siya sa noo at tumango. "S-sige po tita."
"Aasahan ko iyan, hija. Basta ang importante, madala mo siya sa kama." Anito sabay kindat muli, bago siya tinalikuran. Napapailing naman siyang pinagmasdan ito na papalayo. Para namang ang dali lang ng gusto nito.
BINABASA MO ANG
🔞 You Captivated Me
RomanceMatagal ng inlove si pappi sa kababata at matalik na kaibigan na si edison peralta. Kaya noong nasa kolehiyo palang sila ay sinubukan na niyang magtapat ng pagibig dito. Pero nabigo siya nang tanggihan siya nito. inakalang magiging higit pa sa pagi...