Chapter 14 (final chap)

858 30 3
                                    

Chapter 14

NAKATANAW sa payapang paligid si pappi habang hindi parin tumitinag sa kinauupuan. Ramdam niya ang prisensya ng katabi na nakatitig rin sa magandang tanawin. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Wala siyang ideya na pupunta ito sa lugar na iyon. Pero bakit? Anong kailangan nito? At bakit ngayon lang?

Yun ang mga katanungan niya sa isipan nang tumikhim ito para kunin ang kaniyang atensyon. Mula sa silong ng isang puno sa mababang burol na kinaroroonan nila, tumatagos ang sikat ng araw sa mukha nito. Oh god, hindi lang nito alam kung gaano ito kaakit-akit sa ganun.

Lumingon siya kay edison. Binasa niya ang ibabang labi at muling yumuko. "Hi." Anito.

Hindi niya alam kung maiinis o maguguluhan sa kakarampot na salitang ibinungad nito sa kaniya. Damn! They didn't saw each other in eight months tapos ang sasabihin nito ay 'hi' lang?

"What are you doing here?" Tanong niya. Hindi na niya kailangan daanin pa sa mga pasakalyeng salita ang usapang iyon.

Sandali itong hindi sumagot at tumanaw sa magandang paligid. Marahil gusto lang nitong ibalitang ikinasal na ito at maayos na ang buhay. Pero hindi na ito kailangan iyong ipamukha pa sa kaniya. Hindi na dapat ito nagpunta roon kung yun lang ang dahilan.

"C-congrats." Wala sa sariling naiusal niya. Pilit niyang iniiwas dito ang mukha dahil ayaw niyang may mabasa ito sa mga mata niya. "H-hindi na ako nakapunta sa kasal mo." Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Go back to manila, edison. Wala ka naman sigurong ibang gagawin dito." Nagsimula na siyang humakbang palayo rito, ngunit tila may mga pakong isa isang tumatarak sa dibdib niya habang ginagawa iyon. She really missed him, pero kailangan niyang ilugar ang sarili niya sa nararapat at kailangan niyang tanggaping hindi na ito para sa kaniya.

Nakakailang dipa na siya palayo rito nang muli itong mag salita. "I never get married." Anito na ikinatigil niya.

Pilit isinisirkula ni pappi sa isip ang mga salitang binitiwan nito bago siya dahan dahang lumingon muli. May halong pagtataka at pagkabigla.

Niloloko lang ba siya nito?

"W-what did you say?" Mahinang sabi niya. Lumingon ito sa kaniya at tinampal tampal ang espasyo ng upuan na inalisan niya. Hindi man sinasabi ng utak niya, namamalayan na lang niyang muling lumalapit dito. Ngunit hindi siya naupo. "You. . ."

"Hindi kami ikinasal ni lalein, pappi. Walang naganap na kasal. All about our arrange marriage was a lie."

"What?!" Malakas na bulalas niya dito. Nanlalaki rin ang mga mata niya. "Anong ibig mong sabihin? Hindi totoong ikakasal kayo?!"

Tumango ito at sandaling inilibot muli sa paligid ang pansin. "Kung kasal ako, edi sana may wedding kang makikita sa daliri ko." Anito. Automatiko nga siyang napayuko sa kamay nito. Wala nga siyang wedding ring.

"B-but, but. . . P-paano mo ipapaliwanag sa akin ang preparasyion ng kasal na pinaplano niyo noon? Ang pag a-aarange sa inyo nila tito? Ang mga kakilala niyong nakakaalam na ikakasal na kayo? A-ang pagkainis sa akin ni lalein. . . A-ang. . . Ang. . ." Shocked na napaupo na lang siya at napatulala sa magandang paligid. All this time, hindi naman pala ito ikakasal sa iba. Halos mawalan pa siya noon ng pagasa sa kakaisip ng paraan kung paano ito mapipigilang ikasal kay lalein. Pagkatapos ay sasabihin nito ngayon na hindi naman pala ito totoong ikalasal.

Lumingon siya rito. Nakita niya ang pagkaaliw sa mga mata nito. "Paano nangyari iyon?" Tanong niya. Halo halo man tumatakbo sa isip niya, hindi niya mapigilang ang pagsibol ng munting tuwa sa dibdib.

Bahagya itong naupo paharap sa kaiya. Pagkatapos ay huminga muna ng malalim at muling nagsalita.

"I never wanted to marry someone else except one person." Anito. Muling kumislap ang mga mata nito at ngumiti. "Except you."

🔞 You Captivated MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon