Chapter 9
"BAKA naman malusaw ako niyan."
Mula sa pagkakatulala, tila bumalik sa realidad si pappi at agad na nagtuwid ng tayo. Pinagpatuloy niya ang pagbaba sa hagdan at tuluyan ng lumapit kay edison na naghihintay sa kaniya sa sala. Pinagtakpan niya ang pamumula ng mukha at sa halip ay pinatulis ang ngusto.
Masyado siyang nawili sa pagtitig dito. Hindi niya napigilan ang sariling pagmasdan ang maamo nitong mukha. Ang akala niya ay hindi nito napansin ang pagbaba niya dahil abala ito sa pag sipat sa mga larawang naka display sa sala.
Ang layo nito sa edison na laging seryoso sa opisina na balot ng office suit. Naka suot ito ngayon ng navy blue long sleeve shirt na naka tupi hanggang siko at itim na maong pants. humalimuyak din sa buong bahay ang pamilyar na pabango ng binta. Para itong modelo na handang mag project sa harapan ng kamera ano mang oras.
Hindi ring mapigilan ni pappi na hindi magawi ang paningin niya sa matipunong katawan nitong Humahakap sa damit. lalong lang iyong nagpadagdag sa sex appeal ni edison.
He's really better enought to eat. Pilyong bulong niya sa loob-loob.
Ngumiti ito na parang inaasar pa siya. Pinalobo naman niya ang pisngi. "Over high naman ng self confident natin noh." Dahilan niya. "Tara na nga, para marami tayong mapuntahan." Nagpatiuna na siyang maglakad palabas. Ito na ang nagsara ng pinto at gate ng bahay niya.
"Shall we?" Anito nang lulan na sila ng sasakyan. Tumango siya bilang sagot.
Pagka-istart nito sa makina ay napatingin siya sa key chain ng susi na bahagyang kumalansing. Ang key chain na inirigalo niya dito nung birthday nito. Ipinilig niya ang ulo at huminga ng malalim.
Naiisip niyang bawiin na lang iyon kay edison. Wala na rin namang sense kung makita nito lagi ang picture niya. Isa pa, baka kapag nakita pa iyon ni lalein ay itapon pa nito.
Tatanggalin ko nalang mamaya kapag may pagkakataon na hindi siya nakatingin. Hindi naman na siguro nito hahanapin iyon.
"Saan nga pala gusto mong unang pumunta?" Tanong nito na ikinalingon niya. Palabas na sila sa lugar.
"Uhm, sa—" naputol ang pagsasalita niya nang bigla siyang may maalala. Dahan dahang Nanlaki ang mga matang napasinghap siya at malakas na napasapo sa noo Nagtaka naman si edison na sinulyapan siya. "Shit!"
"Why?"
"Yung ticket!" Malakas na usal niya. Nang maalala ang concert ticket na binili niya. Ibinigay nga pala niya ang mga iyon kay cleo sa pagaakalang hindi sila matutuloy ni edison sa lakad. Halos nakalimutan na niya ang tungkol duon.
"Oh, my. . . Ang tanga ko!" Nanlulumong usal niya. Tumingin siya kay edison na mukhang naaliw pa sa pagkakalumo niya. "I bought a VIP ticket for the white knight's concert! But i did just give to someone else. Akala ko kasi, hindi tayo tuloy ngayon. Urg! That stupidness of my!"
Hopeless siyang sumandal at tumingala sa kisame ng sasakyan. Naguumpisa pa nga lang siyang gumawa ng memories kasama nito, pumapalpak na siya. She want to make everything special, pero paano na? nasisira ang mga plano niya. Isa pa, siya rin naman ang may kasalanan. isinuko niya ang mga ticket kay cleo.
"Kainis!" Nagpapadyak siya ng parang bata, na ikinatawa naman nito. "Sige, pagtawanan mo ako. Hmp!"
"Ikaw, eh. Para kang nawalan ng candy, diyan." Muli itong sumulyap sa kaniya na may nakaloloko pa ring ngiti.
"Kasi naman, plinano ko kaya yun, dahil pareho nating paborito yung white knight."
"I know." Anito at ginagap ang isang kamay niya. Napatingin siya duon at gumanti rin ng higpit ng hawak. Gumagapang ang pamilyar na init at kuryente dulot ng magkasalikop nilang mga kamay. Well, okay lang sa kaniya kahit walang concert. Magdamag lang nitong hawakan ang kamay niya solve na siya. "Well, We can still go." Anito.
BINABASA MO ANG
🔞 You Captivated Me
RomanceMatagal ng inlove si pappi sa kababata at matalik na kaibigan na si edison peralta. Kaya noong nasa kolehiyo palang sila ay sinubukan na niyang magtapat ng pagibig dito. Pero nabigo siya nang tanggihan siya nito. inakalang magiging higit pa sa pagi...