Chapter 6

452 12 3
                                    

Chapter 6

PINAGISIPAN mabuti ni pappi ang disisyon na tapusin na ang nararamdaman kay edison. Siguro nga ay yun na rin ang makakabuti sa kaniya. Mahirap man tanggapin ay pipilitin niyang kalimutan mahalin ito.

"Aray, ang ulo ko." Kapapasok lang niya lang sa opisina at agad siyang naupo sa couch. Wala sana siyang balak pumasok sa trabaho ng araw na iyon, gusto niya sanang magluksa sa pagkasawi ng puso niya at magmukmok nalang sa kaniyang bahay. Pero dahil nasermunan siya ng kaniyang ina sa walang paalam na pagalis niya sa birthday party ni edison, napilitan na siyang pumasok. Hinanap daw siya ni edison kagabi at kailangan niyang humingi ng pasensya dito.

Ayaw namang niyang maniwala sa sinabi ng nanay niya. Kitang kita ng dalawang mga mata niya na enjoy na enjoy ang kaibigan niya kasama si lalein. Kaya ang hirap na tuloy isipin na hahanapin pa siya ni edison kagabi. At kung talagang hinanap nga siya nito, bakit hindi man lang siya tinawagan? Marahil dahilan lang iyon ng nanay niya at kinokonsensya lang siya.

"Aray, mas sasakit pa yata lalo ang ulo ko." Mahinang daing niya. Patamad siyang tumayo sa couch at lumapit sa table niya. Pero hindi pa lumalapat ang pang-upo niya nang may pumasok sa loob ng kaniyang opisina.

Tuluyan ng kumirot ang sentido ni pappi nang si edison ang bumungad sa harapan niya. Pero mabilis naman niyang inalis ang pagkakahilot sa ulo at tiniis ang iniindang kirot.

"Aga, ha." Walang kabuhay buhay na sabi niya at naupo na sa likod ng mesa.

"Bakit umalis ka kagabi." Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa kaniya."

"Ah, yun ba. Kumulo kasi yung tiyan ko kaya umuwi na ako." Dahilan niya. Wala siyang pakielam kung maniwala ito o hindi. Nagiwas din siya ng tingin. "O-oo nga pala. May mentinance na darating para mag check sa mga kwartong may sira. At saka, tutal andito ka na rin lang pirmahan mo na rin ito." Kaswal na sabi niya. Dapat na rin siguro niyang sanayin ang sariling maging kaswal pag ito ang kaharap. Sooner or later, magiging ganun na rin sila at baka hindi na siya maging komportable.

Inabot niya ang papel na ipapapirma dito Pero hindi iyon kinuha ni edison.

"Hindi mo kailangan umalis kagabi. Pappi, maraming cr sa bahay." Muling balik nito sa usapan nila.

"Chusy ako. Nakakahiya naman sa mga bisita mo." Aniya at muling iniumang ang papel. Samantalang tinitigan siya nito na para bang hindi makapaniwala sa mga dahilan niya at saka nagkunot ang noo.

"Pero hindi mo parin kailangang umalis. Hindi ka nagpapasabi, naisip mo ba na may nagaalala sayo? Akala namin kung napano ka—"

"Pati ba naman iyon pagtatalunan pa natin, edison?!" Aniya na hindi na natiis at inis na binagsak ang hawak na mga papel sa mesa. Yun ang pinaka ayaw niya sa lahat, eh. ang magsabi ito ng nagaalala ito sa kaniya. Baka kasi maniwala siya. Samantalang kitang kita ng mga mata niya ang pagka enjoy nito kasama si lalein.

Tinitigan niya ito na mukhang nagulantang sa pagkakataas ng boses niya. Hindi naman kasi siya kahit kailan nag taas ng boses pagdating dito. Para itong hindi makapaniwala.

Biglang naman siyang nakarandam ng guilt. Nakakainis! Siya pa tuloy ang dapat maguilty. Pero Paano nga kung totoo talagang nagalala ito sa kaniya? Ikinuyom niya ang isang kamay.

Ano pappi, titiklop ka nanaman? Hindi niya talaga mapigipang lumalambot ang damdamin niya para dito.

Tumayo siya sa pagkakaupo at umiling. "Sorry. Hindi mo naman kailangang magalala, eh. ok lang ako. . . Okay na okay." Parang gusto ni pappi na pumiyok sa pagkakasabing ok lang siya, kahit ang totoo hindi naman talaga.

Tumango naman si edison, kahit na may bahagya paring pagkakunot sa noo nito.  "Next time. Wag kang aalis ng hindi nagsasabi, okay? Pinag-alala mo talaga ako."

🔞 You Captivated MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon