Tahimik lang kami nung pauwe na kami kila Kuya. I was too tired and my emotions were still mixed up kaya wala pa din ako gana magsalita. Binuksan ko yung bintana sa tapat ko, wala akong ginawa sa buong byahe namin kundi tumingin lang sa labas. Wala din akong enough strength na buksan yung stereo ng kotse ni kuya. Feeling ko naubos lahat ng lakas ko kagabe, gulung gulo ako at takot na takot.
Sobra lang talaga ako nagpapasalamat dahil kasama ko na si kuya ngayon, he was really my knight in shining armor. Tahimik lang din siya habang nagmamaneho pero masasabi ko nag aalala siya sakin, he keep on looking my direction pero hindi ako lumilingon sa kanya. Ayaw ko magtama ang aming mga mata, dahil alam ko na sa oras na makita niya ang mga mata ko, mababasa niya ang takot at pangamba sa mga yun.
Masyado ng madaming alalahanin at istorbo ang naidudulot ko sa kanya lately kaya ayaw ko ng mas lalo pang madagdagan yun. "Pasabi kay ate Claire, thank you!' ako na din ang bumasag sa katahimikan na namamagitan saming dalawa.
"Sure." he said without looking at me. Di ko namalayan na andito na kami sa kanila, inalalayan niya ako paglabas ng sasakyan at sinalubong naman kami ni nanay Melds, yaya ni kuya. "Nay Melds, pakihanda na lang po si Cheska ng makakain. Aalis po ako agad kaya di ko siya maaasikaso." Tumango lang si nanay Melds at kinuha ako kay kuya.
Bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto, hinigit ko yung dulo ng shirt niya. "You will explain me everything right?" humarap siya sakin at niyakap ako. "I promise I will, aayusin ko lang to." yun lang at hinalikan niya ako sa noo. Pagkatapos nun ay tuluyan na siyang lumabas ng bahay. "Naku anak! San ka ba nagpunta? tanong ni nanay Melds habang inaalalayan ako paakyat sa hagdan. Etong alaga ko di mapakali kagabe pabalik balik dito." Hindi ko alam kung bakit pero walang nalabas na salita sa bibig ko.
Feeling ko talaga drain na drain ako. Niyakap ko na lang si nanay Melds bilang sagot sa kanya. Di ko alam pero bigla na lang nag unahan ang mga luha ko sa paglabas sa mata ko. Inalo naman ako ni nanay Melds, I tell her na mas gusto ko muna matulog kesa kumain. Hinayaan naman niya ako, "Ano nga pala gusto mo kainin. Hindi na din kasi ako nagluto kagabe kasi nga magdamag pabalik balik si Tyronne dito."
"Ganun po ba nay melds? Kahit ano na lang po" Yun lang at lumabas na ng kwarto ko si nanay melds. Humiga agad ako at bigla tuloy ako napaisip, paano din kaya nalaman ni kuya na may dumukot sakin kagabe e alam ko nasa convention siya at wala sa party. Pero kung nasan man siya kagabe, sobra ako nagpapasalamat na natunton niya ako. I know na siya na ang bahala sa mga taong gumawa sakin nun. At alam ko sa mga oras nato yun ang inaasikaso niya kaya umalis siya agad.
Bigla ako nakaramdam ng uhaw kaya naisipan ko munang bumaba. Nasa hagdan pa lang ako pero rinig na rinig ko na ang boses ni nanay Melds. "Sige anak, ano pa gusto mo ipaluto?" mukang kausap niya si Tyronne sa telepono. Wala naman kasi siyang ibang alaga kundi si Tyronne lang. "Sige sige- Oo. ako bahala sa kanya." biglang tumahimik si nanay Melds siguro ay nagsasalita pa si tyronne sa kabilang linya. "Oo, natutulog siya ngayon." sa narining kong iyon ay bigla akong napaurong. Nakakahiya nga naman ang alam ni nanay Melds ay nasa kwarto ako at nagpapahinga.
Kaya naisipan kong wag na lang bumaba, bumalik na lang uli ako pinilit ko patulugin ang sarili ko.
Tyronne's POV
Katatapos ko lang tawagan si nanay Melds, papunta na ako ngayon sa meeting place namin ni Cathy. Nararamdaman ko na kasabwat siya sa mga taong dumukot kay Cheska kagabe sa party. I have enough evidence para mapatunayan ko na may nalalaman siya tungkol dun.
Pinaanyayahan niya ako makipagkita sa kanya dahil may mahalaga daw siyang sasabihin. Sa isang coffee shop sa cubao kami nagkita, alam kong andun na siya sa loob dahil nakita ko na yung sasakyan niya sa parking lot ng shop. Di ako nahirapan hanapin siya sa loob ng shop dahil pagpasok ko pa lang nakita ko na siya, at nakaplaster sa muka niya ang ngiting kilalang kilala ko.
Ngiting alam kong hindi maganda ang malalaman ko sa oras na bumukas ang bibig niya. Bago pa lang ako pumunta dito alam kong magtatapos ang pag uusap namin sa pagtatalo. She was the kind of girl na kahit alam niyang mali na siya at wala sa lugar e ipaglalaban pa din yung side niya.
I hate those kind of girls, kaya nga nagtataka din ako kung paanong naging nobya ko itong babaeng nakaupo sa harap ko. Hindi ko napansin yung brown envelope sa ibabaw ng mesa nung papalapit pa lang ako sa kanya. Tumingin ako sa kanya hindi ako nagdalawang isip na makipagtitigan sa kanya. "What is this?" lalong lumawak ang ngiti niya, mukang hindi maganda ang nilalaman ng envelope nato. "Why don't you take a look babe?" she said at lumapit siya para abutin ang kamay ko, iniiwas ko yun dahil I can't imagine her holding my hand matapos ng ginawa niya kay Cheska.
"Pede ba Cathy, wag mo na akong matawag tawag na babe, nakakasuka" pinilit kong sabihin sa kanya yun sa pinakamalamig na boses na kaya ko. I think i did good dahil sa mga oras nato ay napaltan na ng pagkaasar ang kanikanina lang na mga ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Second Chance (on-going)
Любовные романыDiagnosed with cancer, Cheska decided to go to a foreign country just to keep her loved ones from getting hurt including her childhood sweetheart Tyronne but the moment she got herself treated she doesn't seem to have a spot on the gentleman's life...