KRIIING!
Time check: 5:00 PM
uwian naaaa!
Kinausap ko muna si Ricky kung kaya na niyang lumabas ng gate ng mag isa.
Since kaya na naman daw niya nauna na akong lumabas ng room at nagpaalam na na may dadaanan pa syempre english speaking kami medyo na Su-Sunako na nga ako kanina. Nosebleed ba
Ngayon naglalakad na ako papunta sa room nila Cheska. Pagdating ko, sakto namang naglalabasan pa lang sila nakita ko agad siya na kasabay ang kanyang mga bagong kaibigan kaya tinawag ko siya.
Napalingon siya sa direksyon ko at tumakbo papalapit sakinkakaiba din itong batang ito, mukhang di man lang napagod sa first day of school.
"Kuya! Kuya! uuwi na ba tayo?" tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya
"Pwede mo ba akong samahan sa canteen?"
"Bakit?" tanong ko
"May bibilhin ako."
"Bukas na lang. sarado na yun ngayon."
"Ah. ganun ba?" biglang lumungkot yung mukha niya medyo naawa naman ako, pano ba naman kasi kani kanina lang ang saya saya pa niya tas nung nalamang sarado na ang canteen parang natakluban ng bubong at sahig yung expression ng muka niya.
"Teka. ano bang bibilhin mo dun?"
"Puding."
Hanggang sa pag uwi namin, napapaisip pa din ako kung saan pa ba pwedeng makabili ng puding. Pano ba naman kasi, ang lungkot lungkot na ni Cheska.
Di katulad kanina, hala. baka akalain ni Mama inaway ko itong batang ito kaya ganito ang itsura
"Ahm. Cheska?" nilingon niya lang ako with her teary eyes
aww. nakakabasag puso naman itong tanawing ito. </3
"Gusto mo magpatigil tayo kay manong sa palengke? dun na lang kita ibibili ng puding na gusto mo"
umiling iling lang siya.
"Bakit ayaw mo?" puding din naman yun ah. Yun nga lang sa palengke binili hindi sa canteen.
"Gusto ko yung puding sa canteen"
"Ano naman pinagkaiba ng puding sa canteen at puding sa palengke? Parehas naman puding yun ah."
"Wala lang. Basta gusto ko yung sa canteen." Haha. Lakas din ng trip neto e. xD
"Sige. bukas ng maga ibibili agad kita."
"Talaga Kuya?" medyo napangiti na siya nung sinabe ko yun.
Di ko namalayan na andito na pala kami sa tapat ng bahay namin
"Akina yung bag mo" inabot naman niya sakin kaya lunchbox lang niya ang kanyang dala
"Ma, andito na kami." kumiss agad ako kay mommy pagkalapit ko sa kanya.
Pinaupo ko muna si Cheska sa salas. Inabot ko sa kanya yung remote para makapili siya ng channel na gusto niya.
Iniwan ko muna siya dun habang si Mama ay iginagawa kami ng merienda.
Dumaretso ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit, bago ako bumaba naisipan kong ipahiram muna sa batang mahilig sa puding ang aking paboritong tsinelas.
Di lang ito pangkaraniwang tsinelas, malambot to, pano ba naman kasi eh yari sa tela.
Ito yung tsinelas na pambahay lang talaga. Kulay yellow siya syempre favorite color ko yun eh.
Pababa na ako ng hagdan, pero rinig ko na ang pag uusap nila Mama at Cheska.
"Mabuti naman kung ganun hija."
BINABASA MO ANG
Second Chance (on-going)
RomanceDiagnosed with cancer, Cheska decided to go to a foreign country just to keep her loved ones from getting hurt including her childhood sweetheart Tyronne but the moment she got herself treated she doesn't seem to have a spot on the gentleman's life...